KC Concepcion enjoins Filipinos to support MMFF films; pushes Boy Golden as innovative action movie

“Hindi naman dahil may trahedya, mamamatay na rin ‘yong mga industriya. Dangerous din naman ‘yon sa atin, kasi part ‘yon ng kultura natin, part ‘yon ng maipagmamalaki natin,” KC Concepcion says about proceeding with the Metro Manila Film Festival despite the recent tragedies that hit the country.


Umaasa si KC Concepcion na sa kabila ng mga natural na kalamidad na dumating sa bansa, patuloy pa ring tatangkilikin ng Pinoy ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nitong nakaraang dalawang buwan, dalawang trahedya ang dumating sa bansa— ang malakas na lindol sa Bohol at ang mapagpinsalang super typhoon Yolanda sa rehiyon ng Visayas.

Dahil dito, iniisip ni KC na baka maraming tao ang magdalawang-isip na gumastos para sa panonood ng pelikula.

Gayunman, umaasa siyang may mga Pinoy pa ring lalabas ngayong Pasko upang tangkilikin ang mga entries na kalahok sa MMFF.

Para kay KC, “Kumbaga, it’s not for the festival itself.

“It’s the fact na gumawa tayo ng mga pelikula that will last a lifetime.

“The part naman siguro of MMFF is maipagmalaki ‘yong mga gawa, ng mga pelikulang Pilipino.”

Dagdag na pahayag pa ni KC, “Hindi naman dahil may trahedya, mamamatay na rin ‘yong mga industriya.

“Dangerous din naman ‘yon sa atin, kasi part ‘yon ng kultura natin, part ‘yon ng maipagmamalaki natin.

“So, instead of focusing on tragedies, we should focus on what we have and what we do well.”

DIFFERENT AUDIENCE. Sa unang pagkakataon, makakalahok ang anak ni Sharon Cuneta sa taunang film festival, sa pamamagitan ng action film na Boy Golden: The Arturo Porcuna Story, na pagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito.

Bagamat masaya si KC dahil bahagi siya ng pelikula, ikinalulungkot daw niyang limitado ang magiging audience nila.

Dahil action film ang Boy Golden, sabi ni KC, “Alam kong hindi ko makukuha ‘yong mga kids.

“First time din kasi na iba ‘yong crowd. Pang-lalaki rin kasi ‘yong movie.”

Pero umaasa pa rin si KC na maraming manonood ng kanilang pelikula, kahit pa aminado ang kanilang grupo na hindi nila masusungkit ang top spots sa box-office race.

Aniya, “I’m not expecting maging number one or number two man lang kasi nga hindi naman siya pang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, isa itong option para sa mga manonood.

“Tanggap naman namin na hindi naman siya ‘yong tipong magna-number one. We’re not after that.

“It’s really more of gumawa kami ng bagong perspective pagdating sa Pinoy action movie.

“Ma-appreciate din sana ng mga Pinoy kasi mapagmamalaki nila ang pelikulang ito. Kahit kanino nila ipakita ito, sasabihin nila, gawang Pinoy.

“It’s really something to be proud of siguro.”

Dagdag na panghihikayat pa ni KC, “Sulit na sulit kung panonoorin talaga, I can attest to that.

“Ang laki ng ginastos or ang daming nilagay na elemento rito sa pelikula—from the music to the set design to the acting to the costume hanggang sa fight scenes.

“Lahat ‘yon pinag-isipan talaga. So, noong pinagsama-sama, bongga talaga ang dating!”

Ang Metro Manila Film Festival ay magsisimula sa December 25 at matatapos sa January 7, 2014.

Ang iba pang pelikulang kalahok sa MMFF ay ang mga sumusunod: 10,000 Hours, na pagbibidahan ni Robin Padilla; My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Bimby Aquino Yap, at Ryzza Mae Dizon; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ni Eugene Domingo;


Girl Boy Bakla Tomboy nina Vice Ganda at Maricel Soriano; Pagpag: Siyam na Buhay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Pedro Calungsod: Batang Martir ni Rocco Nacino; at Kaleidoscope World nina Sef Cadayona at Yassi Pressman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN