Yassi Pressman admits breakup with Sef Cadayona; says Andrea Torres partly caused it

Selos at career daw ang mga naging dahilan ng breakup nina Yassi Pressman at Sef Cadayona. Ayon sa dalaga, “Selos lang talaga, pero wala naman daw talaga sila." Pag-amin pa niya, may kinalaman daw "si Andrea Torres po." Pero bawi niya, "Hindi naman, super-duper close din kasi nila, pero hindi naman. Ang real reason talaga ay career namin.”


Hindi nagtagal ang relasyon ni Yassi Pressman sa first boyfriend niyang si Sef Cadayona.

Na-develop daw sila sa isa’t isa habang ginagawa ang indie movie na Kaleisdoscope World, na isa sa mga entry sa darating na 39th Metro Manila Film Festival.

Pero bago pa man natapos ang pelikula, nagkahiwalay na sila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers si Yassi noong Biyernes, December 20, sa office ng Viva Entertainment Inc.

Dito niya inamin ang dahilan kung bakit siya single ngayong Pasko.

Panimula niya, “The last couple of days, bago matapos ang movie, hiwalay na kami. Pero we were still talking to each other.

“Basta ganoon. Ano kasi, actually sa amin na lang yun."


JEALOUSY. Pero dahil sa pag-uusisa ng press, nasabi rin ng Kapuso teen star sa bandang huli ang dahilan.

May pinagselosan ba siya? May third party involved?

May pag-aalangang sagot ni Yassi, “Ano, close friend lang po niya, part din ng show nila, yung Bubble Gang.

“Selos lang talaga, pero wala naman daw talaga sila. Hmmm, si Andrea Torres po."

Biglang bawi niya, “Hindi naman, super-duper close din kasi nila. Pero hindi naman, ang real reason talaga ay career namin.

“Napag-usapan namin na maghiwalay muna kami, ’tapos mag-focus sa work.”

Hindi ba magkaibigan sila ni Andrea?

Aniya, “Dati po, pero ngayon hindi na kami nagkakausap.

“Pero kapag nagkikita kami, okay naman, hi and hello, ganoon lang.

“Friend ko rin nga siya before at mabait naman siya, hindi naman kami magkaaway.”

Nang tanungin kung may mensahe siya sa dating boyfriend at dating kaibigan, natatawang sambit ni Yassi, “Kung anuman po meron sila, labas na po ako doon.

“Ang masasabi ko lang, e... good luck, good luck.”


NO REGRETS. Wala ba siyang regrets sa paghihiwalay nila?

“Regrets? Wala naman po,” sagot niya.

“Parang naging happy na rin ako na nangyari yun, kasi siyempre, first ko rin, e. First boyfriend ko siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least [this] early, may natututunan ako sa first experience ko sa pakikipagrelasyon.

“Now, I think I’m more careful, pero ayoko muna mag-BF [boyfriend] uli.”

Hindi ba’t inspired siyang gawin dati ang movie dahil kay Sef?

“Given naman kasi ‘yan” natatawang sagot niya.

“Siyempre, mas inspired ako noong ginagawa pa namin yung movie na kaming dalawa pa.

“Even last year na mag-best friends pa lang kami, masaya na talaga ako. Ang sarap ng feeling na magkasama kami sa set.

“Seven months din naging kami—dati kasi, best of friends lang kami.”


LOVELIFE ON HOLD. Sa ngayon, ayaw daw munang ma-in love ni Yassi.

“Right now, relationship-wise, ayoko na po muna talaga.

“Lalo na next year, magiging busy na ako sa MTV [music television].

“I wanna spend much of my time sa MTV.

“VJ [video jock] ako ng MTV Pinoy, at babalik na ito next year. January it will air again, so magiging busy uli ako doon.

“Focus muna ako sa MTV, pero sa pag-arte pa rin po.”

For next year, ano naman ang wish niya para sa kanyang sarili?

“Ayoko na pong mag-boyfriend,” diretsahang sagot niya na natatawa.

“Work na po muna ang focus ko.

“Marami plans ang VIVA sa akin next year. I think, mas maganda na yun na muna ang concentration ko.

“There’s a lot of time pa naman para sa puso,” sabi niya.


PRESSURED? Hindi ba naapektuhan ang trabaho nila dahil sa naging kinahinatnan ng kanilang relasyon?

Saad niya, “Hindi naman po, kasi we got to talk to each other naman after that, e.

“Masarap pa rin siyang kasama kasi very funny nga po siya.

“Kahit sino naman ay nagsasabing masaya siyang kasama.

“Sa amin kasi, obligation namin ito, kailangang maging okay kami para sa ikakabuti ng movie namin.

“First movie namin ito, so kailangang pagtulungan naming i-promote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag hindi ay kawawa naman po kami at yung producer ng movie na nagtiwala sa amin.”

As early as now, may mga nagsasabing ang pelikula nila ang isa sa magiging kulelat sa takilya, ano ang pakiramdam niya rito?

Pagtatanggol ni Yassi, “Sana panoorin muna nila yung movie.

“Since this is the first dance movie in the Philippines, nakaka-pressure din talaga."

Ang Kaleidoscope World ay isang hip-hop dance movie na inspired ng music ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

“We know naman ang lalaking artista ang mga kalaban namin, pero yung nakapasok siya as filmfest entry, masaya na po kaming lahat.”

Pag-amin niya, “Ang gumawa ng movie ay lahat indie people, walang kalaban-laban sa mga big producers.

“Sana, panoorin nila kasi ibang klase din ang movie namin.

“Yung producers namin, alam nila kung hanggang saan ang expectations nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN