Dawn Zulueta believes celebrities must continue to help Yolanda survivors this Christmas and beyond

“Nire-remind ko ‘yong staff namin na itong tulong na ginagawa namin para sa Yolanda will take a long time. Hindi lang ito just this month or just this Christmas,” Dawn Zulueta says about helping Yolanda survivors.


Habang masaya ang marami ngayong Pasko dahil sa mga biyayang natatanggap, pinaaalala naman ni Dawn Zulueta na huwag kalimutang ibahagi ang biyaya sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sa isang interbyu sa aktres at asawa ni Davao del Norte Representative Anton Lagdameo, palagi raw nilang sinasabi sa kanilang staff na dapat tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kuwento ni Dawn, “Nire-remind ko ‘yong staff namin na itong tulong na ginagawa namin para sa Yolanda will take a long time.

“Hindi lang ito just this month or just this Christmas.

“This is up to next year because that rehabilitation is going to take long, di ba?

“Ang dami masyadong nawala sa kanila, hindi lang ang kanilang mga kagamitan.

“How are they now going to start a life? We have to figure that out, di ba?”

Kaya sabi ni Dawn, “I think, ‘yong tulong natin as Filipinos should continue way beyond Christmas season.”

Ganito rin ang naging hiling ni Dawn sa kapwa niya celebrities ngayong panahon ng Pasko.

Aniya, “Ang wish ko lang, there’s so much kasi that are going on right now that I love to see.

“What ABS-CBN is doing, for example, having these fundraisers, these concerts, and everything—let’s never lose that.”

PLEA TO CELEBRITIES. Para sa Kapamilya aktres, malaki ang tulong ng mga artista para manghikayat pa ng maraming tao upang tumulong sa mga nangangailangan.

Sabi niya, "Ang mga artista kasi play quite a huge role in terms of pagiging role model ng mga tao.

"Ang kaunting kaligayahan lang naman na naibibigay namin kapag pumupunta kami sa mga relief centers—for me, that’s such a big thing.

“I don’t even have to whip out money from my wallet.

“Nakikita pa lang nila ako, ngumingiti na sila. I find that I’m so blessed just for that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging magandang ehemplo, sabi ni Dawn, “Siyempre, kaming mga artista, tutulong pa rin talaga.

“Parang sinasabi ko na, parang may bonus kami pagdating sa ganyan—makita lang kami, parang natuwa na silang lahat.

“Sana ipagpatuloy na lang lahat ng mga artista, ng industriya namin, ang lahat ng paraan na pwede tayo pang tumulong. Like I said, matagal pa ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN