Toni Gonzaga says she will let go and not plan her 2014

Natutunan daw ni Toni Gonzaga sa taong 2013 ang maging mas matulungin sa mga nangangailangan, bunsod na rin ng nangyaring bagyo noong November 8, 2013. Ngayong Pasko raw, nagdesisyon ang kanyang pamilyang huwag nang magbigayan ng regalo sa isa’t isa, at sa halip ay magbigay ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.


Inilarawan ni Toni Gonzaga ang 2013 na puno ng hamon, hindi lamang sa personal niyang buhay, kundi pati na rin sa buong bansa.

Nag-iwan ng matinding trahedya sa bansa ang super typhoon Yolanda na nanalasa noong November 8, 2013, at maraming taon pa ang bibilangan bago tuluyang makabangon ang mga lugar at mga taong naapektuhan sa eastern Visayas.

"It’s been very challenging for the whole country.

"Parang, sometimes it’s very hard to celebrate the personal success or achievement na nakukuha mo because of what’s happening around you.

"Parang, it taught me so much—this year taught me a lot," ani Toni sa press conference ng upcoming sitcom niya, kasama si John Lloyd Cruz, na Home Sweetie Home, noong December 20, 2013, Friday.

Ano ang mga natutunan niyang ito?

"Be more selfless, be more compassionate, be more aware of what’s going on.

"Reach out.

"Tigilan muna natin ang pagiging makasarili at isipin natin ang kapwa natin para makatulong.

Masarap palang tumutulong," ani Toni.

Sabi ng actress-host, nagkasundo raw ang kanyang pamilya, na wala na muna silang bigayan ng materyal na bagay ngayong Pasko.

"Instead na materyal para sa pamilya o sarili, tulong na lang ang ibibigay kasi unfair naman na mag-celebrate tayo, tapos may mga kapamilya tayong di pa nakakaahon.

"Yung family namin ang nagdesisyon."

Natutuwa raw siya dahil silang dalawa ng boyfriend na si Direk Paul Soriano ay hindi rin materialistic.

"Yun yung ipinagpapasalamat ko, bukod sa tipid na tipid sa bulsa ko," pagbibiro ng aktres.

"Mas gusto niya talaga yung commitment, yung loyalty, yung honesty—yun ang binuo namin."

Nang matanong siya sa kanyang mga plano para sa 2014, sinabi naman ni Toni na hindi na muna siya magpaplano.

"I will just let it go.

"I will go with whatever He’s going to give me and bless me.

"Wala akong ipaplano this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano mga trabaho, proyektong ibibigay, gagawin ko na lang ang best ko," ani Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN