Sharon Cuneta on KC possibly winning Best Actress award: "...mahirap mag-comment diyan...I’m biased ’coz she’s my daughter and she has talent."

"Biased" daw si Sharon Cuneta kung siya ang tatanungin tungkol sa acting performance ng anak na si KC Concepcion sa Boy Golden: Shoot To Kill. Pero sa tingin ba niya, masusungkit ng anak ang Best Actress award sa Gabi ng Parangal? Ani Sharon, "...if you’re gonna ask me, I’m biased ’coz she’s my daughter and she has talent. But I know everyone deserves to win."


Dumalo si Sharon Cuneta, kasama ang asawang si Francis "Kiko" Pangilinan, sa premiere night ng pelikulang Boy Golden: Shoot To Kill, kung saan leading lady ang panganay niyang si KC Concepcion.

Naganap ang screening, na dinaluhan din siyempre ng bidang si ER Ejercito, noong December 23, sa SM Mall of Asia.

Doon nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar, na may pambungad na pahayag matapos panoorin ang pelikula ay, "Ang ganda! Sobrang impressed ako, maging yung love scenes.

"Sabi niya [KC], ’Ma, Ma...Yung tipong ayaw niyang makita.’

“Sabi ko, ’Hindi, anak. Deep breathing lang, deep breathing.

"Very nice! Super!

"Pero mas kinikilig ako sa fight scenes. Oo, dream ko yun, e.”

Saka siya nagkuwento tungkol sa ginawang paghahanda ni KC para sa pelikula.

"…she trained every five hours almost every single working day with a Thai trainor. So, she’s doing mixed martial arts.

"Oh my god! How I wish I was 20 years younger."

At ipinagmalaki niya ang performance ng anak.

Bulalas ng host/ singer/ actress, “I’m so proud of her. I’m so proud, by the way, forgive me, of course, she’s my daughter, I may be biased.

"But as an actress also, parang na-elevate nang konti yung...in my eyes, as an actress, ha.

"I guess it runs in the blood.”

Ang biological father ni KC ay si Gabby Concepcion na isa ring aktor, kaya dugtong ni Shawie (palayaw ni Sharon), “Both sides, siyempre, kung ano ang ipinakain."



INDEPENDENT KC. Kung titingnan nga raw ang roles na tinatanggap ng kanyang 28-year-old daughter ay mapapansin ang pagiging independent-minded nito.

Aminado si Sharon na sinanay niya ang anak na maging independent.

Aniya, "Single mother ako, ‘tapos nagtatrabaho ako. Ayokong mahirapan ang anak ko ’pag aalis ako ng bahay.

"Parang, ’Hay, iiwanan na naman ako.’

"So, she was taught very early on to become independent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero parang medyo sumobra naman. Ha-ha-ha!

"Pero ngayon, close kami...parang she always makes me feel na kahit malaki na siya, she still needs her Mama. It’s very nice, very nice."

Bahagyang napag-usapan ang mga pinagdaanan nila bilang mag-ina.

Saad ng TV5 star, "Of course, I think that’s normal, lalo na’t ’pag mother and daughter, iba talaga ang dynamics.

“Even Mommy [Elaine Cuneta] and I when I was younger, so, half-expected ko na yun.

"Pero with God’s grace, and to add to that, magkaiba kami, e. Magkaiba kami ng personalidad, pero there’s also a lot of similarities.

"I’m very emotional… But I love her, I love her to death."


ACTING AWARD FOR KC? Nasabini ER Ejercito na pang-Best Actress daw ang pagkakaganap ni KC bilang isang babaeng palaban sa buhay.

Sinabi pa ng pulitiko na kung hindi manalo si KC ay dinaya ito.

Sabad ni Sharon, "Naku, mahirap mag-comment diyan. Mahirap sagutin ’yan.

"Kasi, kung titingnan mo, lahat ng aktres sa lahat ng entries ngayon, lahat magagaling, di ba?

"So, I think, everyone deserves to win.

"Siyempre, sabi ko nga, if you’re gonna ask me, I’m biased ’coz she’s my daughter and she has talent. But I know everyone deserves to win."


CHRISTMAS CELEBRATION. Ngayong taon daw, sa Pampanga sila nag-Pasko.

Excited si Sharon sa pagkukuwento: "Usually, kahit noon, sa Pilipinas lang kami but this one’s different kasi sa kapatid ko kami.

"Catching up, kumbaga.

"Kumpletong magpipinsan kasi dalawa lang kami ni Kuya," pagtatapos ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN