Charee Pineda wishes to be more productive in 2014 as actress and politician

Sa pagtatapos ng kanyang show na Akin Pa Rin Ang Bukas, pagkakaabalahan na muna raw ni Charee Pineda ang pagiging konsehal sa mga mamamayan ng ikalawang distrito ng Valenzuela City.


Nagmarka ang kontrabida role ni Charee Pineda bilang si Agatha Morales sa GMA-7 primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas na nagwakas na kahapon, December 27.

Kaya sobrang mami-miss ng Kapuso actress/politician ang kanyang papel sa naging comeback project niya sa bakuran ng GMA.

Inamin ng kasalukuyan ding Valenzuela City 2nd District Councilor na marami ang nag-react sa kanyang pagganap bilang si Agatha, lalo na raw ang fans nina Lovi Poe at Rocco Nacino na kanyang mga naging biktima sa teleserye.

“Marami ang nagalit sa akin, lalo na yung mga fans nga nila Lovi at Rocco.

“Bakit daw sobrang sama ng role ko at gusto rin nila akong saktan!” sabay tawa pa ni Charee nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

THANKS TO DIREK LAURICE. Pero imbes na mairita ay natuwa pa si Charee dahil marami nga ang nag-react sa kanyang role. Ibig sabihin, naging epektibo at mahusay siya sa kanyang pagganap.

“Gusto kong pasalamatan si Direk Laurice Guillen, kasi siya ang nag-motivate sa akin bilang si Agatha.

“Noong una, she was not fully convinced na kaya kong maging kontrabida, pero she gave me that chance.

“Ako naman po, sinunod ko lang ang mga directions ni Direk Laurice. Kung ano ang gusto niyang gawin ko, ginawa ko.

“Hanggang sa nakabuo kami ng character ni Agatha na kakainisan at kakamuhian ng marami.

“Kaya nga noong last taping day namin, naiyak ako. Kasi malaki ang nagawa para sa akin ng show at sa pag-alaga sa amin ni Direk Laurice.

“Mami-miss ko ang buong cast at ang staff ng Akin Pa Rin Ang Bukas. Marami kaming pinagdaanan na puyat at pagod, pero worth it naman ang lahat,” ngiti pa niya.

At kahit nga ginawan niya nang masama ang character ni Lovi Poe bilang si Lovelia, naging very close raw silang dalawa ni Lovi off-camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya parati ang kuwentuhan namin ni Lovi kapag hindi kami kinukunan ng eksena.

“Bago nga kunan yung matinding confrontation scene namin, nagtatawanan pa kami.

“Gusto kasi ni Direk Laurice na walang daya yung sampalan namin. Gusto niya totoo.

“Kaya kami ni Lovi, nag-usap na kami regarding sa scene na iyon. Ayaw din namin na i-rehearse para mas natural ang dating.

“Sa totoo lang, masakit ang sampal ni Lovi!

“Pero okey lang, kasi deserve naman ni Agatha na masaktan siya pagkatapos ng mga ginawa niyang kawalanghiyaan at panloloko,” tawa pa niya.

REQUEST FROM CONSTITUENTS. Bilang konsehal naman ng Valenzuela City, nag-request ang ilan niyang constituents na sana ay hindi na raw masyadong masama ang kanyang role sa next teleserye niya.

“Natutuwa naman ako sa concern nila sa akin. Pero nag-enjoy ako sa pagiging kontrabida.

“Kung bigyan ako ulit ng mala-Agatha na role, okey lang. Kasi dun talaga na-test ang pagiging artista natin.

“Sinabi ko po naman sa mga taga-Valenzuela na intindihin na lang nila ako dahil trabaho lang naman iyon.

“Kilala naman nila ako sa totoong buhay. Hindi ako masamang tao. Kabaliktaran sa napapanood nila,” nasabi na lang ni Charee.

Hindi pa raw alam ni Charee ang next project niya sa GMA-7 kaya haharapin niya muna ang kanyang pagiging konsehal.

“Nag-last taping day kami for Akin Pa Rin Ang Bukas a week before Christmas. Kaya sobra kaming nagpagod lahat.

“Okey lang na wala munang kasunod, kasi marami rin akong kailangang asikasuhin sa Valenzuela.

“Kahit naman kasagsagan ng taping namin, hindi naman ako nagpapabaya sa posisyon ko.

“Ngayon mas marami na akong time para sa mga taga-Valenzuela.

“Hindi naman po ako worried din regarding sa projects with GMA-7. Kasi may exclusive contract ako with them.

“Three years ang pinirmahan ko sa kanila at nakalagay naman doon kung ilang shows ang gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang wala pa akong kasunod na gagawin, Councilor Charee Pineda muna ako.”

WISH FOR 2014. Dasal ni Charee na sa pagpasok ng 2014 ay maging mas productive pa siya bilang artista at politician.

“Naging maganda po ang 2013 para sa akin. Naihalal ako bilang isa sa konsehal ng Valenzuela City at nakabalik ako sa GMA-7 which was my original home network noong naging artista ako.

“I made new friends in showbiz at marami akong natututunan sa mga taong nakakaharap ko bilang public servant.

“Kaya dasal ko na lang ay tuluy-tuloy lang ito. Mas marami pa tayong mapasaya at matulungan,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN