Eugene Domingo thankful to Sam Milby for action scenes in Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel

Malaki raw ang pasasalamat ni Eugene Domingo sa kanyang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel leading man na si Sam Milby. Aniya, “Mahilig siya sa martial arts and action, so feeling ko, na-deliver ko yung action nang maganda because of him.”


Malaki ang ngiti ni Eugene Domingo nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, December 23, sa special screening ng kanyang pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Na-announce kasi na Rated B ng Cinema Evaluation Board ang kanyang pelikula.

"B for box-office!" ang natutuwa niyang pahayag bago maganap ang screening sa Cinema 4 ng Glorietta sa Makati City.

Nakipagkuwentuhan din si Eugene tungkol sa mga pinagdaanan niya para mabuo ang pelikula.

Isa raw sa mga bago niyang ginawa ay ang fight scenes. Action-comedy kasi ang pangatlong Kimmy Dora.

Nagkaroon pa nga siya ng personal trainer ng martial arts para magawa ang ilang eksena nang maayos.

Watch video: Star stands in as stunt practice dummy for Eugene Domingo

"Yung one and two also has action scenes, pero ito talaga specifically, Direk Chris [Martinez] wanted me to train.

“One long sequence na action. So I said, ‘Oo, sige.’ Nagkaroon ako ng training.

“We shot one action sequence for three days. Nangayayat ako," saad niya.

Malaki raw ang kanyang pasalamat sa leading man niyang si Sam Milby dahil tinulungan siya nito sa kanilang mga eksena. May fight scenes ang dalawang artista sa pelikula.

"Madali lang para kay Sam Milby. Kasi natural talaga siya.

"Mahilig siya sa martial arts and action, so feeling ko, na-deliver ko yung action nang maganda because of him."

Dagdag pa ni Eugene, "Yes, mahirap siya. I’m very very thankful dahil very patient siya to wait for me.

“Medyo matagal kong natutunan yung isang part dun. Nakakalito kasi, e.

“It really required serious study of some kind of Bruce Lee martial arts.

Si Bruce Lee ang martial arts legend at movie star na sumikat noong ’70s. Kabilang sa kanyang mga naging sikat na pelikula ang Enter The Dragon, Fists of Fury, Way of the Dragon at Game of Death.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Uge, "Hindi siya madadaan sa projection lang. It really needed skill.

“So si Sam, he was patient enough to teach me also, to wait for me to learn."

BOX OFFICE HIT? Itinanong ng PEP kay Eugene kung may pressure ba na maging box-office hit din ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel tulad ng dalawang nauna rito, ang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme at Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme.

"I have to correct you," paglinaw ni Eugene.

"The first one is not a certified blockbuster.

"It did not reach the P100-million certified blockbuster.

"But it was celebrated because independent siya.

"Considered indie pero ang dami-daming nanood, and it got beautiful reviews.

“The second one is a certified blockbuster, but medyo ganun ang reviews ng second one,” pahiwatig ni Eugene na medyo hindi masyadong maganda ang reviews ng pangalawang Kimmy Dora movie.

Aniya, "I’m really hoping that this third one is a combination of both.

"You want to have good reviews and it will be watched by many, many people."

WHY THIS IS THE LAST KIMMY DORA. Ipinaliwanag din niya kung bakit last Kimmy Dora movie na ito.

"This the last Kimmy Dora. Ang masasabi ko doon, dapat lang. Trilogy na.

“I think kung mauulit man ang Kimmy Dora, puwede siyang mag-venture out into books, comics, ganun."

Hindi naman daw siya hahadlang kung ire-remake man ang kanyang comedy series.

"Kung mauulit man ito in 10 years like Dyesebel or Darna, I really hope Ryzza Mae [Dizon] can do this, or Kiray [Celis], Anne Curtis.

“Biglang nag-Anne Curtis?!?" biro niya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN