Kimmy Dora Director Chris Martinez on Sam Milby: "Credible siya as an action star."

Pahayag ni Direktor Chris Martinez, gusto raw niyang kumita ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, “Para masundan pa, para mas marami pang pelikula ang Spring Films."


Bago pa mag-awarding ay naipaliwanag na ni Chris Martinez, ang direktor ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, na walang pressure mula sa producer nitong mag-top ang pelikula sa Metro Manila Film Festival box-office.



"Wala, wala. I don’t think Spring Films naman operates that way, e. Ano, sila, ang cool-cool nila," sagot ng direktor nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakasali ng pelikula sa MMFF 2013.

Ang Spring Films ang producer ng Kimmy Dora trilogy.

“Wala silang ganung mga objectives,” pahayag pa ni Direk Chris tungkol sa hangaring tumabo nang husto ang pelikula sa takilya.

Nakausap si Direk Chris ng PEP noong December 23, bago mag-special screening ang Kiyemeng Prequel sa Glorietta, Makati City,

Ang bida ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na si Eugene Domingo ang itinanghal na Female Star of the Night sa awards ceremony ng Metro Manila Film Festival 2013, na ginanap kagabi, December 27, sa Meralco Theater.

Patuloy ni Direk Chris, “For example, young first film. Gusto lang talaga nilang i-launch as a solo star si Uge [nickname of Eugene Domingo].

“‘Tapos, yung second one naman, gusto nilang gumawa ng part two.

“Yung third naman, kasi gusto nilang sumali sa MMFF.

"Ganun lang yung mga desisyon nila, ganun sila ka-cool."

ACTION FILM. Kinuwento ng award-winning director ang ilan sa mga pinagdaanan nila para mabuo ang huling pelikula sa Kimmy Dora trilogy.

Sabi ni Direk Chris, action movie raw ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel kaya’t may ilang adjustments na ginawa ang cast.

Hindi raw kasi marunong makipagbakbakan si Uge kaya’t kinailangan niyang mag-training para sa pelikula.

Ani Direk Chris, gusto raw nilang walang daya ang mga action scenes sa pelikula.

"Si Uge, she really trained. Nag-train siya ng muay thai, capoeira.

"Bakbakan yung pinagawa sa kanya.

"Medyo may pagkaseryosong aksyon."

May eksena pa nga raw na tatlong araw nilang nai-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero there are scenes talaga that we had to shoot for, like, three days non-stop.

"Kasi napaka-detailed ng action."

SAM’S A REVELATION. Nagulat naman si Direk Chris dahil competent daw sa action si Sam Milby, ang leading man ni Uge sa pelikula.

Kuwento niya, "Napaka-flexible pala niya. Mataas ang sipa niya.

"Ang galing niyang gumawa ng mga fights, mag-execute nag mga moves.

"Credible siya as an action star!

“Sabi ko nga, ’Uy, Sam, are you the Keanu Reeves of the Philippines?’”

Sagot daw ni Sam sa kanya, “No, I’m the Jason Bourne of the Philippines.”

Si Jason Bourne ang karakter sa blockbuster Bourne movie series, na pinagbidahan nang tatlong beses ni Matt Damon at minsan ni Jeremy Renner.

Hindi rin daw nahirapan si Direk Chris na magdirek ng action movie dahil para lang itong musical.

Nakapagdirek na siya ng musical, ang I Do Bidoo Bidoo, noong 2012.

"Kasi it’s all choreography, e. Hindi naman siya nalalayo.

“Coming from I Do Bidoo Bidoo, medyo hindi siya ganun kalayo as a genre.

“Parang Raid: Redemption, di ba? Violent action.

"After a while, parang, ‘Wow, galing! Parang art.’"

Ang The Raid: Redemption (2011) ay isang award-winning action film mula sa Indonesia.

LAST SEQUEL. Kinumpirma rin ng PEP kay Direk Chris kung totoo ba na last Kimmy Dora movie na ito, gaya ng pahayag ng Spring Films.

"Last na raw, kasi Uge wants a trilogy," sagot niya.

Pero ayon sa direktor, baka raw magkaroon ng spin-off o sequel.

"Depende kung gustong mag-solo ni Dora. O ni Kimmy. Di ba?

“Di natin masasabi, puwedeng spin-off.

"Pero kung Kimmy and Dora, tapos na,” paniniguro ni Direk Chris sa pamosong cinematic twins.

At dahil last movie na ito, may pressure bang malagpasan nito ang kinita ng naunang dalawang pelikula?

"Siyempre, may pressure kasi gusto naman nating kumita,” sagot agad ng writer-director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi naman kasi biro yung in-invest nila sa pelikula.

"Medyo malaki rin yung budget.

“Para masundan pa, para mas marami pang pelikula ang Spring Films."

COMING SOON FROM DIREK CHRIS. Ano naman ang susunod niyang pelikula matapos ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel?

Sagot ng mahusay na writer-director, gagawa siya ng isang sexy comedy under Viva Films, ang The Gifted.

"Nag-start na kami with Anne Curtis, Cristine Reyes, and Sam Milby. Medyo dark comedy.

“Hindi naman dark, pero medyo naughty comedy.

"Basta, hindi ko pa puwedeng sabihin. It’s an adult sexy comedy.

"Hindi infidelity."


Marahil nabanggit ang infidelity ni Direk Chris dahil, nitong mga nakaraang taon, maraming Viva Films ang tumukoy sa infidelity.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN