Camille Prats finds love once more in childhood friend

Camille Prats talks about how she got reacquainted and eventually fell in love with her childhood friend, VJ Yambao: “Actually, siguro what I really liked about him was that when we reconnected again he didn’t directly say na, “A, gusto na kita!’ Hindi ganun, e. Parang talagang he was there as a friend not only to me but to all my other friends. Kasi nga po yung bestfriends ko, Grade Two pa lang ako sila-sila na yung mga kaibigan ko hanggang ngayo


Masaya ang lovelife ni Camille Prats ngayon.

Matagal-tagal din bago muling tumibok ang puso ni Camille, mula noong sumakabilang-buhay ang asawa niyang si Anthony Linsangan noong September 23, 2011, dahil sa nasopharyngeal cancer.

“Okay naman po,” sabay tawa ni Camille nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, December 27, para sa upcoming GMA afternoon serye na The Borrowed Wife.

Pagbibidahan nina Camille at Rafael Rosell ang teleserye, kasama sina TJ Trinidad at Pauleen Luna. Nakatakda itong umere sa Enero 2014.

Sino ang nagpapasaya sa buhay ni Camille ngayon?

Ayon kay Camille, “Hindi ninyo siya kilala e, hindi po siya artista.

"Hindi kasi siya taga-rito, he lives in the States.”

Walang nangyari sa napabalita noong nagkakamabutihan sina Camille at ang Philippine Volcanoes rugby player na si Kenneth Stern.

HOW IT ALL STARTED. Pinoy ang boyfriend ni Camille.

Kuwento niya, “We were grade-school classmates, tapos hindi kami nagkita for a very, very long time.

"Grade Two, ganyan, Grade Three. E, I’m very much in touch with my grade school friends even until now.

“So when I saw him, naalala ko yung mukha niya. Siguro mga two years ago.

"We lived in the same village, magkapitbahay po kami dito [Alabang].

“Tapos I think he was on vacation here. Tapos, iyon, I saw him.

"Tapos sabi ko, ‘Di ba ikaw si ano?’

“Tapos sabi niya, ‘Oo!’

“Tapos parang feeling ko nagulat siya na naalala ko siya kasi the last time that we saw each other, mga nine years old lang kami.

“VJ yung nickname niya—John Jerickson Yambao yung name niya.”

Tinanong namin si Camille kung ano ang naramdaman niya noong unang pagkikita nila muli two years ago.

Paglinaw niya, “A, wala yun, we were friends.

"Hindi kami super-friends, pero we would be in touch once in a while.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging ano lang po, e, actually hindi siya yung talagang tipong...”

Bakit may post siyang “anniversary” sa kanyang Instagram account?

Paliwanag ni Camille, “Hindi, kasi yung one year na yun, it was a summary of everything else.

"From the moment we started, kumbaga parang inano lang namin na ito yung umpisa na nagkamabutihan na kami.

"Pero hindi siya yung officially na ganun.”

So isang taon silang nagkamabutihan o nagkakilanlang mabuti bago nag-reconnect?

Ayon kay Camille, “Opo. Siyempre, it was a process. Hindi naman basta-basta bigla na lang na nangyari.

"It was a process for me, at the same time it was also a process for him.

“Kasi nga para sa akin, I kept saying that before, na hindi naman ako basta-basta papasok sa isang relasyon na alam kong hindi naman worth it.

“Lalo na sa siguro dun sa everything that I’ve been through.

"Kung para sa akin, wala lang, tapos ano, sakit ng ulo, hindi ko kailangan ng hindi seryoso.”

DEALING WITH “EXCESS BAGGAGE.” Ito ba ang naramdaman niya sa mga nanligaw sa kanya dati?

Sagot ni Camille, “Hindi, kasi marami naman po yung nagpakita ng intensyon.

"But not all of them naramdaman ko na, parang, ‘Do you actually know what you’re getting yourself into?’

“Kasi iyon ang unang tanong dun, e. ‘Do you realize na I have a son? Do you realize that I’m a widow?’

“Hindi ako nakipag-break lang basta.

"So, lahat iyon baggage ko na kailangang intindihin mo, di ba?

“So, iyon yung mga bagay na feeling ko, hindi nila naiintindihan na iyon yung pinapasok nila.

"So hindi rin siya nagtutuloy, ganun.”

GETTING TO KNOW VJ. Ano ang sinabi ni VJ na nakapagkumbinsi kay Camille na siya na nga yata ang karapat-dapat?

“Kasi, nung time na yun, kinumusta pa niya ako. Tapos sabi niya, ‘I’m sorry about what happened to you,’ ganito, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi ko, ‘Oo, medyo ano, one year na rin yung nakalipas mula nun.’

“Actually, siguro what I really liked about him was that when we reconnected again he didn’t directly say na, “A, gusto na kita!’

“Hindi ganun, e. Parang talagang he was there as a friend not only to me but to all my other friends.

"Kasi nga po yung bestfriends ko since Grade Two, sila pa rin yung mga kaibigan ko hanggang ngayon.

“Kaya nung nakita ko siya, tinawagan ko silang lahat. Sabi ko, ‘Natatandaan ninyo ba si John Jerickson? Naku nakita ko siya!’

“Kasi, kumbaga, ganun kami ka-close.

"Even until now, na lahat may pamilya na, lawyer na yung bestfriend ko, pero we never fell apart.

“So, feeling ko, kaya din niya gustong makipagkaibigan kasi gusto niyang makipag-reconnect sa grade-school friends.

“Kaya sabi ko, ‘Uy, sige yayayain ka namin kasi lagi kaming magkakasama.’

“So, it was basically because we had common friends,” saad ni Camille.

Binata raw si VJ.

Dagdag pa ni Cams (palayaw ni Camille), “Nandito pa siya, he’s on vacation pero he’s gonna go back to the States.”

So magiging long-distance ang kanilang romansa. Hindi ba mahirap iyon?

“Mahirap pero, kumbaga, ano pa naman po, e, mahabang panahon pa naman,” pag-amin ni Camille.

Kung sakaling maging permanente na ang kanilang relasyon, uuwi ba si VJ dito o si Camille ang mamamalagi sa Amerika?

Aniya, “Hindi pa namin napag-uusapan yun, e.

"Basta ngayon, ang goal ko lang mag-work nang mag-work, siya din mag-work nang mag-work, tapos eventually…”

Paglilinaw nga niya, nagkakila sila habang nagbabakasyon dito si VJ, pagkatapos ay bumalik ito sa U.S.

Patuloy ni Camille, “Tapos, nag-reconnect kami thru Facebook, tapos umuwi siya.”

Magkasama sila nitong Pasko. Ano ang regalo nila sa isa’t isa?

“Secret!” natatawa niyang pahayag.

Sa tingin ba ni Camille ay si VJ na ang “the one”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panalangin nito, “Sana.”

CLOSE TO SON NATHAN. Close daw si VJ sa anak ni Camille.

Pagmamalaki niya, “Sobra, sobrang close.

"Actually, noong una medyo natatakot ako na nagiging close yung anak ko sa kanya.

“Kasi nung time na yun, hindi pa ako masyadong... kumbaga, may fears pa kasi ako na paano kung hindi ito?

"Tapos malapit yung anak ko sa kanya?

“Tapos paano pag hindi din siya nag-work?

"Ayoko lang yung feeling na parang iisipin na naman ng anak ko na, ‘Bakit wala na naman?’

“Alam mo yung ganun? So, parang, ayoko lang nang ganun.”

Ngayong mas nakilala na niya si VJ, may ganoon pa siyang fear?

“Wala naman na po, wala naman na po. Ngayon, so far okay naman lahat.

"Okay naman kami, so sana kung mag-work out din yung mga plans namin for each other.

"Of course we talk about plans, future plans pero sana mag-materialize.

“Matagal na panahon pa naman,” pag-ulit ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN