Mariel Rodriguez says her husband Robin Padilla only makes purpose-driven films

Mariel Rodriguez says she has always encouraged her husband Robin Padilla to continue with his "relevant" movie ideas: “Ang dami niyang ideas pero gusto niya lagi yung may purpose. Yung may katuturan. Ayaw niya ng wala lang. Robin Padilla doesn’t make ’wala lang’ movies. So, minsan nasi-shake kami na, ’Hala, di ata naa-appreciate ng mga Pilipino ang mga movie na may kabuluhan.’ Minsan mahirap, e. Yung moments na ganun, ako na


Hindi masidlan ang katuwaan ng TV host na si Mariel Rodriguez matapos itanghal bilang Best Actor ang kanyang asawang si Robin Padilla sa katatapos lang na Gabi Ng Parangal ng 39th Metro Manila Film Festival.

“I’m so proud. I’m so happy for him. He truly deserves it."

Ito ang bungad ni Mariel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ibang entertainment media ilang minuto matapos ang awards ceremony kagabi, Biyernes, December 27, sa Meralco Theater, Ortigas Avenue, Pasig City.

Nanalo si Robin para sa makatotohanan niyang pagganap bilang si Gabriel Molino Alcaraz, isang pulis na kumalaban sa sindikato ng kidnap-for-ransom groups.

Ang pelikulang idinirihe ni BB. Joyce Bernal ay hango sa buhay ng dating senador na si Panfilo Lacson, ngunit hinaluan ng fiction para maging exciting action film.

Si Joyce Bernal ay nanalo ring Best Director noong gabing yun.

Pahayag pa ni Mariel, “When I watched the film, nasabi ko kaagad na pang-best actor talaga ang acting ni Robin.

“Talagang sineryoso niya.

"Actually, lahat sila sa cast ay talagang sineryoso ang roles nila.

"Pinortray [portrayed] nila nang husto, ang galing.

“They all deserved the awards they got tonight.”

Dugtong pa niya, “In my heart, sinasabi ko na na mananalo siya, e.

"By the time I watched the film, alam kong magwi-win siya.

“Tonight, magkaiba kami ng punto.

"Tinetext ko na siya, ’You’ll win the best actor.’

"So, enjoy lang kami. Hindi niya rin ini-expect.

“Morning pa lang, sinasabi niya na, ’Hindi ’yan. Iba ang mananalo. Si Vice ’yan.’"

Ang tinutukoy ni Robin ay si Vice Ganda, na gumanap bilang apat na karakter sa panlaban naman nitong pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Inakala ni Robin na magwawagi si Vice Ganda bilang Best Actor.

“The whole day, sinasabi niya talagang si Vice ’yan,” nakangiting kuwento pa ni Mariel.

“Si Vice ang mananalo kasi apat ang role ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ako talaga, lagi kong sinasabi sa kanya na he’s going to win.

“Kaya nang manalo siya, sabi ko sa kanya sa upuan, ’I’m so proud of you.’

"Yun lang ang sinabi ko sa kanya.”

FAMILY SUPPORT. Maging ang pamilya ni Robin ay naka-support din sa aktor noong gabing tinanggap nito ang kanyang kauna-unahang MMFF Best Actor trophy.

“Yeah, nandito yung ibang members ng family niya,” pagmamalaki ni Mariel.

“Actually, kasama ko silang nag-boost kay Robin na pumunta siya.

“Malaki rin yung nagawa nila kung bakit napapayag siyang dumalo dito [sa awards night]

“Si Direk Joyce nga, noong ginagawa ang film, ang sabi niya, ’Basta enjoy lang tayo dito, ha?’

“Pero, after mapanood niya yung buong film, sabi niya, ’Oy Robin, punta ka sa awards night, mananalo ka.’

“True enough, nanalo nga.”

Dagdag na reaksyon ni Mariel nang malamang ito ang kauna-unahang MMFF trophy ni Binoe (palayaw ni Robin): “First time? Oh really? Wow, special.

“I didn’t know this.

"So, alam ko na kung ano ang nararamdaman niya tonight.

"Kaya pala, sobrang happy, sobrang proud talaga siya.

“He must really be jumping with joy.”

BINOE’S MORALE BOOSTER. Si Mariel naman bilang maybahay ng award-winning action superstar, ano ang suportang ibinibigay niya sa mister?

“Ako namin kasi, pag kasama ko si Robin, masi-shake ka talaga sa mga pelikulang gusto niyang gawin,” sabi niya.

“Ang dami niyang ideas, pero gusto niya lagi yung may purpose.

"Yung may katuturan. Ayaw niya ng wala lang.

“Robin Padilla doesn’t make ’wala lang’ movies.

“So, minsan nasi-shake kami na, ’Hala, di ata naa-appreciate ng mga Pilipino ang mga movie na may kabuluhan.’

"Minsan mahirap, e.

“Yung moments na ganun, ako naman yung laging nagbu-boost ng morale niya.

"I do share ideas at basta, nasa likod lang niya ako parati.”

MORE AWARDS FOR ROBIN NEXT YEAR? Sa susunod na taon ay malaki kaya ang pag-asa ni Robin makatanggap ng tropeo bilang pinakamagaling na aktor mula sa iba’t ibang award-giving bodies?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, hindi ko alam,” sagot ni Mariel.

“Kasi, hindi natin masasabi, di ba?

“Ang dami ring magagaling na aktor na umarte ng bonggang-bongga this year, we really can’t tell.

“But, I hope. I really hope.

"Asawa ko ’yan, di ba? I only want the best for him.

“Tingnan natin... I don’t wanna expect."

Dahil ba sa panalong ito ng kanyang mister, sa palagay kaya niya’y mas magiging aktibo ito sa paggawa ng pelikula sa 2014?

Aniya, “Ay, naku, hindi ko alam.

“Kasi, meron na tayong momentum, di ba?

"Wala pa naman akong alam, pero sana ay gumawa siya [ng movie uli].

“Kasi nga magaling siya.

"Heto, na-prove na si Robin Padilla talaga ay walang kupas.”

NO FINAL DEAL WITH ABS-CBN YET. Samantala, naitanong ng entertainment editor ng isang tabloid kung babalik na ba si Mariel sa bakuran ng ABS-CBN?

Nag-aalangang sagot ng dating Kapamilya TV host, “Wala pa namang final [na usapan].

“Di ba, siyempre, alangan naman na sabihin ko na, ’Oy, babalik na ako,’ na wala pa namang final deal.

“I can’t give any [information] talaga kasi nothing has been said.

"Nothing is on writing, nothing is fixed. So, there’s really nothing to say.”

Tanong naman ng PEP kung nami-miss na niya ang magtrabaho uli sa ABS-CBN.

“I can’t answer that yet,” sagot uli niya.

“’Coz right now, I’m really happy not working.

“Right now, nag-e-enjoy kami [ni Robin]. Sobra kaming nag-e-enjoy.

“Masaya lang kami, so, there’s no pressure,” pag-amin ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN