Jurors of 39th Metro Manila Film Fest revealed

The Metro Manila Film Festival 2013 entry 10,000 Hours won majority of the trophies handed out during the MMFF Gabi ng Parangal.


Tila dumaan sa butas ng karayom ang mga pelikulang lumahok sa 39th Metro Manila Film Festival.

Ito ang pahayag ni Kris Aquino, na nagsilbing co-host ni KC Concepcion, sa ginanap na awarding ceremony sa Meralco Theater sa Pasig City, noong Disyembre 27.

Ayon kay Kris, may mga kategoryang apat o lima lang ang nominees dahil daw mataas ang pamantayan ng MMFF Board of Jurors para sa mga mananalong artists at films.

Sabi pa ni Kris, “So, just the fact that all those people are being nominated now is enough of an honor.”

Naging mahigpit din ang MMFF Board of Jurors pagdating sa confidentiality ng listahan ng mga nominado at listahan ng mga nagwagi.

“Wala ngang list of nominees na inilalabas,” dagdag ni KC.



CRITERIA FOR JUDGING. Ayon sa panuntunan ng MMFF—na nakalathala sa mmda.gov.ph—ang mga sumusunod na criteria ang ginamit na basehan sa pagpili ng official entries sa festival:

40 percent: story creativity, writing excellence, innovativeness at thematic value.

50 percent: commercial viability o box-office appeal ng isang pelikula.

10 percent: historical at cultural value ng isang pelikula.

Ang schedule ng film screening para sa MMFF Board of Jurors ay ginanap mula December 16 hanggang December 19.

Ayon pa rin sa panuntunan ng MMFF, hindi maaaring bumaba sa 75 percent ang gradong makukuha ng nominees mula sa bawat hurado sa bawat kategoryang pinaglalabanan ng mga kalahok.

Nakasaad din na maaaring baguhin ng Board of Jurors ang kategorya kung saan ilalagay ang kalahok na aktres o aktor, base sa ipinamalas nilang galing sa pag-arte sa sinalihang pelikula.



Para naman sa pagpili ng Best Picture, narito ang sinasabing mga criteria ng MMFF: 25 percent for artistry and creativity, excellence, innovativeness and global appeal; 25 percent for technical excellence & innovativeness; 25 percent for content; and 25 percent for Filipino cultural and/or historical value.



BOARD OF JURORS. Ilan sa mga huradong sumuri sa MMFF entries ngayong taon ay may kani-kaniyang kakayahan o lugar sa lipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang listahan ng mga jurors ng MMFF 2013:

Laurice Guillen. Ilan sa mga pelikulang idinerehe ni Laurice ay ang Sa ’Yo Lamang (2011); Tanging Yaman (2001); Santa Santita at American Adobo (2002); Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993); at Salome (1981).

Romeo Vitug. Isang multi-awarded cinematographer ng mga pelikulang tulad ng Atsay (1978); Pagputi Ng Uwak... Pag-itim Ng Tagak (1978); Paano Ba Ang Mangarap (1983); Sinasamba Kita (1982); at Kapag Langit Na Ang Humatol (1990).

Edgardo “Boy” Vinarao. Isang premyadong film editor, siya ang namahala sa editing ng mga pelikulang The Flor Contemplacion Story (1995); Birador (1998); Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990), at marami pang iba.

Emmanuel Borlaza. Isang beterano at kilalang writer/director, ginawa niya ang blockbusters na Dyesebel (1996, 1973); Oras-Oras, Araw-Araw (1989); Blusang Itim (1986); Lipad, Darna, Lipad (1973). Sa kasalukuyan, siya ang vice-chair ng Movie Television Review Classification Board (MTRCB).

Felipe de Leon Jr. Kasalukuyang chairman ng National Commission for Culture And The Arts (NCCA), isa rin siyang professor ng humanities, aesthetics, music theory, at Philippine arts and culture sa Universidad ng Pilipinas.

Rowena Reyes. Dean ng College of Liberal Arts at founding director ng Institute of Communications sa Colegio de San Juan de Letran.

Father Tito Caluag. Isang paring Katoliko, siya ang vice-president for Alumni Affairs ng Ateneo de Manila University.

Fr. Jacinto Padua. Padre parokya ng Sto. Niño de Tondo Parish Church.

Ariella Arida. 2013 Miss Universe third runner-up.

Christine Dayrit. Chairperson ng Cinema Evaluation Board (CEB) at isang writer/columnist ng The Philippine Star.

Maan Lopez ng Theaters Association; Romilda Amago na housewife from Manila; Lorna Luna na student from Makati; Rex Ado na teacher from Mandaluyong; at Larry Anido na driver from Muntinlupa.



WINNERS. Sa mismong awarding ceremony ng MMFF noong December 27 ay inanunsiyo ang mga nanalong kalahok para sa iba’t ibang kategorya.

Ngunit hindi na binanggit kung ano ang gradong nakuha ng bawat nanalong pelikula, at pati na rin ang mga artistang tumanggap ng karangalan ay hindi na binanggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para sa Best Picture category, tatlong winners ang inanunsiyo: My Little Bossings bilang 3rd Best Picture; Girl Boy Bakla Tomboy bilang 2nd Best Picture; at 10,000 Hours bilang Best Picture.

Para sa Best Actress category, ang mga nominado ay sina KC Concepcion (Boy Golden); Maricel Soriano (Girl Boy Bakla Tomboy); Eugene Domingo (Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel); Kathryn Bernardo (Pagpag: Siyam Na Buhay); at Bela Padilla (10,000 Hours).

Si Maricel ang itinanghal na Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy.

Para sa Best Actor category, ang mga nominado ay sina Laguna Governor ER Ejercito (Boy Golden); Vice Ganda (Girl Boy Bakla Tomboy); Vic Sotto (My Little Bossings); Daniel Padilla (Pagpag: Siyam Na Buhay); Rocco Nacino (Pedro Calungsod: Ang Batang Martir); at Robin Padilla (10,000 Hours).

Si Robin ang itinanghal na Best Actor para kaniyang pagganap sa action-drama film na 10,000 Hours.

READ:10,000 Hours dominates MMFF 2013; Robin Padilla and Maricel Soriano win top acting awards

Samantala, ipinaabot ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Francis Tolentino ang kanyang pagbati at pasasalamat para sa lahat ng nakiisa sa MMFF nitong 2013.

“Lahat ng entries, kahit hindi nanalo, deserving naman. And we appreciate their participation,” maiksing pahayag ni Atty. Tolentino sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media noong Gabi ng Parangal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN