TJ Trinidad welcomes baby girl Renata Christianne

TJ Trinidad talks about being a dad twice over: “I realize kasi now. having the two, really the attention that you give, kailangan talaga... I mean you have to give as much as you can, di ba? I mean of course the one is a newborn, so nandun lang yun, natutulog. But based on my experience with my first child, you wanna be able to give the same amount of attention and baka maubos ka, mapapagod ka talaga.”


Isinilang na ang pangalawang anak ni TJ Trinidad.

Noong December 21, nanganak ang asawa niyang si Margarita “Marga” Valdes ng isang baby girl, na pinangalanan nilang Renata Christianne.

Maaga itong Christmas gift para sa mag-asawa.

“Yeah, yeah, the best!” pag-ayon ni TJ nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center nitong nakaraang Biyernes, December 27.

Ito ay para sa press conference ng upcoming GMA afternoon serye na The Borrowed Wife.

Ikinasal sina Marga at TJ noong December 28, 2011.

Ayon kay TJ, naka-quota na raw silang mag-asawa. Ang panganay nilang anak na lalaki, si Alonzo, ay isinilang noong July 26, 2012.

BEST GIFT EVER.” Dahil mayroon na silang boy at girl, nangangahulugan bang hindi na nila susundan si Renata?

“I realize kasi now, having the two, really the attention that you give, kailangan talaga... I mean you have to give as much as you can, di ba?

“I mean, of course, the one is a newborn, so nandun lang yun. But based on my experience with my first child, you wanna be able to give the same amount of attention and baka maubos ka, mapapagod ka talaga,” natatawang kuwento ni TJ.

Kaya naman naging masaya raw ang pagdiriwang nila ng Pasko.

Dugtong ng aktor, “Sa bahay lang, of course, but it’s... ang sarap, the best gift ever! So tuwang-tuwang ako."

KONTRABIDA ROLE. Sa The Borrowed Wife na ipapalabas na sa GMA Network sa Enero 2014, bad guy na naman ang papel ni TJ.

Kontrabida rin siya sa kakatapos lang na seryeng Genesis.

Sabi niya, “It’s okay, nakakapagod talaga mag-play ng antagonist, e. Nakakapagod so that’s where the challenge comes in talaga—to try to bring on a fresh take."

Hindi ba siya nagre-request sa GMA na bigyan siya ng mabait na papel sa isang teleserye?

“Yeah, but I dunno. It’s ano, e... siyempre they have to, they have assignments to give you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You can request but there’s no guarantee that mabibigay nila yun or maku-consider nila yung request mo right away, kasi nakalatag na yung mga shows na ’yan, e.

“So you just have to bide your time and wait,” paliwanag niya.

Nakakontrata si TJ sa kanyang manager na si Annabelle Rama at sa GMA hanggang sa 2015.

Masaya raw siya sa pamamahala ng mga ito sa career niya.

Aniya, “Yeah, super, can’t complain.”

COSMETIC SURGEON. Sa The Borrowed Wife, gaganap si TJ bilang Earl, isang cosmetic surgeon na babaguhin ang mukha ni Maricar (Camille Prats) at eventually ay magugustuhan niya.

Nagpakalayu-layo si Maricar nang matuklasan ang pagtataksil ng asawang si Richard (Rafael Rosell) at bestfriend na si Tessa (Pauleen Luna). Naaksidente ito, na naging sanhi para i-retoke at tuluyan nang ibahin ang hitsura ng kanyang mukha.

May preparasyon pa bang ginawa si TJ para sa papel niya, bilang nagampanan na rin niya ang pagiging isang cosmetic surgeon?

Saad niya, “Ah, you just read the script, and then parang get the idea on how to do things.

“Medyo quiet naman itong lalaking ito, e. Si Earl, he’s a little bit reserved. He’s not like the one in Genesis na laging galit na talagang masama.

“Hindi naman talaga masama, may pinanggalingan naman na kung bakit naging masama si Paulo dun sa Genesis e, di ba? So almost the same premise.”

DRAINING BUT CHALLENGING ROLE. Madalas na nagiging masama ang karakter niya dahil sa sobrang pagmamahal, tulad ng nangyari sa Stairway To Heaven, sa Genesis, at ngayon, sa The Borrowed Wife.

Kahit sa pelikula noon na The Promise, ganito rin ang role ni TJ.

“Nababagay lang siguro sa akin. They feel, and it’s also nice that they can trust difficult roles to me.

"And, you know, parang it’s a compliment na feeling nila na kaya kong i-pull off yung mga ganung klaseng complex characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I’m flattered.

“Draining lang talaga kasi nga madalas na dun napupunta yung arko ng character sa istorya, parang may lost or unrequited love,” sabi pa niya.

Hindi ba mahirap gawin yung ganung karakter, lalo na para kay TJ na masaya sa tunay na buhay, kasama ng misis at dalawang anak?

“Oo, mahirap nga e,” pag-amin ni TJ.

“So, I have to go to work and I have to be, like, angry or sad. But when I leave my house, I’m quite happy, you know, and say goodbye to my family. And I got to work, and I have to be like this evil-plotting person.

“Scheming, trying to make everything go his way, you know, and manipulate every thing, so it’s okay.”

Mahusay naman niya itong nagagampanan, banggit namin kay TJ.

Sagot naman niya, “I hope so.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN