Senator Grace Poe bats for local film tourism development in 2014

Senator Grace Poe (in photo, with son Brian Llamanzares) on her plan to push for local film tourism development in 2014: “So, yung film tourism, itutulak natin ’yan para magkaroon ng funding every year. Nilagay ko... libre naman ang mangarap, nilagay ko one million dollars a year for a film industry to be able to promote it abroad.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Grace Poe pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng 39th Metro Manila Film Festival, noong Biyernes, December 27, sa Meralco Theater.

Ang senadora at ang kanyang anak na si Brian Llamanzares ang nag-present ng Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence sa mga nagwaging producers ng pelikulang 10000 Hours na sina Neil Arce, Boy2 Quizon, at Nick Juban.

Kahit paalis na ay nagpaunlak pa rin siya ng isang maikling panayam sa amin.

Ayon kay Senator Grace, ang film festival ay isang masayang dibersiyon ng mga Pilipino matapos tayong hagupitin ng iba’t ibang klaseng trahedya at kalamidad, na ang pinakahuli ay ang bagyong Yolanda na malaki ang naging epekto sa Kabisayaan.

Aniya, “Alam mo, naghahanap ang ating mga kababayan ng, siyempre, yung pagbibigay sa kanila ng saya kahit papaano.

“Kaya kung mapapansin niyo, malakas ngayon ang mga pelikulang pampamilya.

“Tsaka hanap nila yung magaan ang tema kasi nga dahil sa mga nangyari.

“Pero isang indikasyon kasi ’yan na kapag malakas ang pestibal, kapag pumapasok tayo sa Bagong Taon, merong kumpiyansa na ang industriya natin ay buhay at malakas ang ekonomiya.

"At ang mga kababayan natin ay merong excitement, di ba?

“So, importante yun.”



FULFILLING HER PROMISES TO SHOWBIZ INDUSTRY. Inalam din ng PEP kay Senator Grace kung tuloy pa ba ang plano niyang pagpapalago sa local showbiz industry, na naipangako niya noon sa mga taga-industriya bago pa man ang May 2013 senatorial election.

Sagot ng anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at ng Movie Queen na si Susan Roces, “Oo naman. Maaalis ba yun?

“Kaya nga kinuha ko yung Public Information Committee kasi dun ’yan.

“So, yung film tourism, itutulak natin ’yan para magkaroon ng funding every year.

“Nilagay ko... libre naman ang mangarap, nilagay ko one million dollars a year for the film industry to be able to promote it abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, number two, na magkaroon ng closed caption [subtitles] para sa mga hearing impaired.

“Dapat kasi, di ba, digital terrestrial na tayo?

"Dapat ’yan ay may option tayo na mababasa ’yan sa TV because it will help the hearing impaired, pati na yung senior citizens natin.

“At saka, ang mga bata ay natututong magbasa, di ba?

“It’s really important that they see that.”

Ang digital terrestrial television ay isang bagong broadcasting format na nakapagbibigay ng mas malinaw na audio at video signals kumpara sa dating analog format.

Ang paggamit ng closed caption ay isa lamang sa options na puwedeng piliin ng mga manonood sa bagong digital terrestrial format.

Ang mga serbisyong ito ay magsisilbing malaking tulong sa mga bingi, bulag, at iba pang mga may kapansanan.

BALANCING WORK AND FAMILY LIFE. Samantala, nadako ang aming usapan sa pagiging isang ordinaryo niyang ina ng tahanan.

Kumusta naman siya sa labas ng Senado at sa loob ng kanilang tahanan?

Nangingiting sagot ng 45-year-old mother, “Ngayon? Bilang isang ordinaryong nanay? Aligaga...

“Kasi alam niyo, marami tayong binabalanse.

"Salamat na lamang na ang panganay ko [Brian] ay tinutulungan ako.

“Katulad niyan, naghahanda ka kasi magkakaroon ng debate sa Senado tapos biglang, ’Mom, can I go out tomorrow?’—na iba talaga.

“You really have to learn how to balance kasi sa puno’t dulo naman nito, ginagawa naman natin ito para sa kinabukasan ng mga anak natin, di ba?”

Dagdag pa niya, “Kasi importante ang karera kahit sa babae.

“Pero isipin mo rin na, ’Paano ko ba maano ang mga anak ko?’

"Kasi kapag may nangyari sa kanila, balewala naman ang lahat ng ’yan.

“Kaya nga importante ang maging isang ina, pero siyempre kailangan mo rin yung karera.”



BRIAN ENTERING SHOWBIZ? Si Brian ang nagsilbing escort ni Senator Grace sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapabalitang papasok na rin daw ito sa mundo ng showbiz.

Totoo ba ito?

Sagot ni Senator Grace, “Kahit papaano ay nagwu-workshop naman siya.

“So, tingnan natin kung mapipilit. Mahirap namang pilitin, di ba?”

Pagkatapos nito ay binalingan niya ang kanyang anak kasunod ang isang tanong.

“Ikaw, ano ba ang mga ginagawa mo ngayon?” tanong niya sa kanyang anak.

Sagot naman ni Brian, “Ako, hindi pa po ako handa.

“Siyempre, nag-aaral ako ng pag-arte tapos yung singing ay nahihirapan ako.

"Pero kahit papaano, at least, nag-aaral ako.

“Kahit sa pagta-Tagalog, nahihirapan pa rin ako... hindi kasi maalis yung accent, e.”

Singit namang komento ng kanyang ina, “Ipagdasal niyo naman na mawala yung accent. Yun ay importante.

“Pero, naano na niya ang kulturang Pilipino—yun ang pinakaimportante.”

Lumaki sa Amerika ang panganay na anak ni Senator Grace.

CELEBRATING NEW YEAR AT HOME. Dahil malapit na ang New Year, tinanong namin kay Senator Grace kung paano sila magse-celebrate nito.

Saad niya, “Sa bahay lang.

“Yun ang pinaka-ultimate luxury para sa atin, ang pahinga.

“Tapos, yun nga, magluluto. Simple lang ako magluto pero sa totoo lang ay marunong akong magluto.

“Like noong Christmas, dahil sobra akong busy, ang inihanda namin yung mga iniihaw na pagkain.

“Para alam mo na, madaling i-prepare.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN