Shamcey Supsup ties the knot with Lloyd Lee in simple but solemn Christian ceremony

Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup and Lloyd Lee exchanged wedding vows earlier this afternoon at the Church of the Risen Lord, U.P. Diliman campus, Quezon City. Among the many guests in the solemn Christian wedding were Shamcey’s beauty-queen friends Ariela Arida and Venus Raj.


Natunghayan ng Philippine Entertainment Portal ang katatapos lang na kasal ni Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup sa kanyang fiancé na si Lloyd Lee.

Ang simple at solemn Christian wedding ay ginanap sa Church of the Risen Lord, U.P. Diliman, Quezon City, kaninang 2 p.m.

Naging emosyunal sina Shamcey at Lloyd sa pagharap sa altar, lalo na nang binanggit na nila sa isa’t isa ang kanilang wedding vows.

Dinaluhan ito ng mga naggagandahang beauty queens na kaibigan ni Shamcey sa Binibining Pilipinas, tulad nina Bianca Manalo, Ariela Arida, at Venus Raj na magkakatabi sa upuan.

Siyempre, hindi nawala sa kasal si Stella Araneta, isang former Miss International at nanay-nanayan ni Shamcey simula pa noong nanalo ang huli sa Binibining Pilipinas.

Si Madame Stella ay tumayo bilang isa sa mga ninang sa kasal.

Sakay si Shamcey ng isang magara at kulay puting limousine. Nagpalakpakan ang lahat nang bumaba siya ng limousine suot ang kanyang kulay-champagne na Chantilly lace gown na gawa ni Cherry Veric. Suot naman ni Lloyd ang isang kulay-champagne ding suit.

Hindi nawala sa entourage ni Shamcey ang kanyang ilang kaibigang beauty queens, tulad nina MJ Lastimosa, Queenie Rehman, at Pia Wurtzbach.

Matapos lumabas ng simbahan nina Shamcey at Lloyd, patungo sa kanilang reception sa EDSA Shangri-La Hotel, ay nakapanayam sila ng ilang miyembro ng entertainment press. Itinanong ang bagong kasal tungkol sa kanilang nararamdaman.

Pahayag ng dalawa, “Masayang-masaya kaming dalawa at natapos na ang aming kasal, medyo puyat-puyat pa sa preparation.”

Hindi pa pala agad-agad magaganap ang honeymoon nila. Ayon kay Lloyd, “Mga bandang Holy Week pa namin balak mag-honeymoon.”

Sa tanong naman kung ilang anak ang gusto nila, sagot ni Shamcey, “Isa muna, gusto namin na babae ang aming magiging panganay.”

VIEW WEDDING PHOTOS OF SHAMCEY AND LLOYD


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN