Rafael Rosell spent meaningful Christmas with relatives in Cebu

Sa Daanbantayan, Cebu, ipinagdiwang ni Rafael Rosell ang nakaraang Pasko, kasama ang kanyang mga kamag-anak na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sabi ni Rafael, "Personally, I think it’s one of the most meaningful Christmases that I’ve had dahil hindi ako nagbigay ng materyal na bagay, hindi ako nagbigay ng pera. We’re just there to celebrate and spread fun and share knowledge and wisdom, keep up the morale, lift the spirits talaga, to


Makabuluhan ang naging selebrasyon ng Pasko ng Kapuso actor na si Rafael Rosell.

“Pumunta ako ng Daanbantayan, Cebu, sa north part ng Cebu.”

Nasalanta rin ng bagyong Yolanda ang naturang lugar.

“Eighty percent ng mga bahay dun sa Daanbantayan, walang bubong.

"They’re slowly recovering naman.

“We went there, we spent Christmas in the streets with the children.

"We threw the children a party, we played games, we shared food, and we put up disco lights—street party talaga.”

Kasama ni Rafael na nagpunta roon ang mga magulang niya at bunsong kapatid.

Hometown ng kanyang ama ang Daanbantayan.

Kuwento pa niya, “Lahat ng relatives namin, walang bahay.

"Yung relatives namin sa bahay namin, naka-evacuate na. Three-fourths lang [ng bahay namin], nakatayo.

“So, doon kami.

"Very intimate, very... well, in the eyes of the public, very poor, but it was very meaningful.

"Personally, I think it’s one of the most meaningful Christmases that I’ve had dahil hindi ako nagbigay ng materyal na bagay, hindi ako nagbigay ng pera.

"We’re just there to celebrate and spread fun and share knowledge and wisdom, keep up the morale, lift the spirits talaga, to continue the battle."

Dugtong nito, “Pero yung sobrang fascinating dun is how the power of joy can overcome the power of sorrow, e.

"So joy and love and happiness are really powerful forces talaga once used properly.

“Kaya nung pumunta ako dun, that’s all we’re spreading, e, just to make everyone happy.”

Mula December 23 hanggang December 26 namalagi sina Rafael sa Daanbatayan.

“Actually, from Manila’s point of view, or from the rest of the world’s point of view, we always see it na parang it’s so bad.

"Pero we forget the strength of the people, e. They don’t have it as bad as we think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nawalan sila ng materyal na bagay, but I think that only led them to be awakened, to think na material things are really not that important, e.

“Like if you give someone a Christmas gift this year, I promise you, like seventy to eighty percent would have forgotten that Christmas gift two months, three months later on.

“So, why spend on money? Give love!

"Dahil love will never die, e, di ba? Memories will never die.

“And to approach someone and make them smile nung Christmas eve, without giving them anything, I think that’s more valuable than giving something or money, which is worthless naman, e.

“It’s just trees cut down and made into a piece of paper and given value, di ba? It’s just an illusion, e.

"But love is not an illusion, it’s the only thing that’s real.”

May pagkakataon pa raw na nanghiram siya ng van sa isang kamag-anak niya doon at “kinidnap” niya ang mga nakababata niyang pinsan at dinala niya sa beach at nag-bonding lang sila.

“Kuwentuhan lang, sharing ng mga lessons sa buhay. So, very meaningful Christmas talaga.”

Noong December 29 ay bumalik si Rafael sa Cebu upang doon naman magdiwang ng Bagong Taon.

Pero this time ay sa mismong city naman sila pupunta.

“Kaya kung sino ang kaya naming dalhin na kamag-anak sa city, doon kami magnu-New Year,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN