Aiza Seguerra says she’s a better actress because of Liza Diño; talks about close bond with Vic Sotto and Kris Aquino

MMFF 2013’s Best Supporting Actress Aiza Seguerra says that her girlfriend Liza Diño often gives her constructive criticisms. “Kasi, I’ve always been an actress since I was young. But I think of it as energy. That energy has always been there, but Liza gave me that direction—where to take it, how to harness it, and make it more effective."


Itinanghal si Aiza Seguerra bilang Best Supporting Actress ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang My Little Bossings.

Nang tanggapin niya ang tropeyo sa ginanap na Gabi Ng Parangal noong December 27, sa Meralco Theater, Pasig City, inihandog ng singer-actress ang tinamo niyang karangalan sa nobya niyang si Liza Diño.

“Love, thank you. Because of you, I learned so many things in acting. I love you," sabi ni Aiza patungkol kay Liza sa kanyang acceptance speech.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media reporters si Aiza pagkatapos ng awarding ceremony, ipinaliwanag niyang si Liza ang kanyang inspirasyon upang mas pahusayin ang kanyang pag-arte.

“Kasi, I’ve always been an actress since I was young. But I think of it as energy.

“That energy has always been there—but Liza gave me that direction where to take it, how to harness it, and make it more effective.

“Never ako nag-workshop. Never ako nag-anything. Siya yung critic ko.”

Ayon pa kay Aiza, hindi matatawaran ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang nobya.

“May mga mapapanood ako na scenes na I thought ok ako. Pero sasabihin niya, ‘Love, parang ano, dapat ganito, dapat ganyan.’ Pinafine-tune niya ako.

“Because of that, parang pinafine-tune ko yung sarili ko na, parang, ‘Ah, ganito pala.’ So, it’s all her.”

Si Liza ay dating beauty queen, na nanalo bilang Mutya Ng Pilipinas-Tourism International noong 2001.

Bukod sa pag-arte sa telebisyon, naging aktibo rin si Liza sa paggawa ng iba’t ibang indie films, tulad ng Compound (2006), Sa Pagdapo ng Mariposa (2008), at In Nomine Matris (2012).

Magkasamang nagbabakasyon ngayon sa New York sina Aiza at Liza bago sila muling magbalik-trabaho sa kani-kanilang proyekto rito sa Maynila.



BOX-OFFICE SUCCESS OF MY LITTLE BOSSINGS. Samantala, malaki ang pasasalamat ni Aiza sa tagumpay ng family comedy-drama na My Little Bossings, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at James "Bimby" Yap Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa totoo lang, yung pagiging box-office hit ng My Little Bossings, it’s a very personal thing for me."

“Kasi alam ko it’s a stretch for Bossing na umalis sa Enteng Kabisote franchise because, of course, it’s a sure win na, e."

Bossing ang tawag sa industriya kay Vic Sotto, na tuwing MMFF ay gumagawa ng Enteng Kabisote spin-off, at halos taon-taon ay nagnu-number one sa takilya.

“And now that he did this, isa kasi ako sa mga nag-udyok na, ‘Sige Bossing, let’s do this.’

“Gusto kasi naming ipakita sa mga tao na he’s a good actor. Hindi lang siya pang-comedy, but he has a heart talaga and he’s a really good actor.

“Sobrang masaya kami na nakita niya na all it takes is a good story, good actors, good direction, and it will still be a hit. I’m happy na nakikita rin ng mga tao.”

Umabot ng P50.4 million ang kinita ng My Little Bossings noong December 25, ang unang araw ng paglabas ito sa mga sinehan.

Sa program proper ng Gabi ng Parangal noong December 27, nabanggit ni Kris Aquino, na kabilang sa cast at co-producer ng My Little Bossings, na nabawi na nila ang kanilang ginastos sa pagpo-prodyus ng kanilang entry.

Ang production outfits na nag-produce ng My Little Bossings ay ang OctoArts Films, M-Zet Productions, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions.



WORKING WITH VIC. Minsang mag-guest si Vic sa ABS-CBN news program na Bandila para sa segment na “Ikaw Na!” pinapili ito ng TV host na si Boy Abunda kung sino ang pipiliin niya kina Aiza at Ryzza Mae.

Pareho kasing nagsimula ang careers nina Aiza at Ryzza Mae sa Eat Bulaga, sa pamamagitan ng contest ng show na "Little Miss Philippines," at tumanyag dahil na rin sa pagsuporta ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanatili si Aiza sa Eat Bulaga mula 1987 hanggang 1997, habang si Ryzza Mae naman ay nung 2012 nagsimula ng career.

“Tabla” ang naging sagot ni Vic kay Boy, dahil hindi maitatatwang parehong malapit ang loob ni Vic kina Aiza at Ryzza Mae.

Ano ang masasabi ni Aiza tungkol dito?

Sagot ng singer-actress, “Si Bossing, ever since naman, malapit sa bata ‘yan. He really knows how to take care of kids. Honestly, wala akong masabi sa kanya.”

Inilahad din ni Aiza na malaki ang naitulong ng magandang samahan nila ni Vic upang maging epektibo ang dramatic confrontation scene nilang dalawa sa My Little Bossings.

“Hindi kami takot mag-explore, how to go deeper sa character namin, yung rift na meron kami.

“Kumbaga, mata pa lang kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. It helped.

“Kung hindi gano’n ang relationship namin, I don’t think it will come out as effective.”



BONDING WITH KRIS. Ang magandang samahan sa set ng My Little Bossings ay isa sa pinakanagustuhan ni Kris Aquino.

Kaya naman nais ng actress-TV host na manatiling malapit ang anak niyang si Bimby sa cast ng pelikula kahit tapos na ang kanilang proyekto.

Sabi ni Aiza tungkol dito, “Nakita niya kasi how we are, yung family namin sa Eat Bulaga.

“Ako, matagal na akong wala sa Eat Bulaga. I mean, hindi na ako regular kagaya before. Pero iba pa rin yung turingan namin, e.

“Nung nakita niya yun, sobra siyang nabilib na sa mundo ng showbiz na ang akala nating lahat e lahat, temporary, lahat hindi permanente, lahat superficial.

“Pero may nag-e-exist na gano’n pa rin, na totoong nagmamahalan, nagsusuportahan sa isa’t isa.

“When she saw that, sobrang na-’Wow!’ siya.”

Maging kay Aiza ay napalapit din si Kris.

Sa katunayan, todo-suporta ang huli nang tanghaling Best Supporting Actress si Aiza noong nakaraang MMFF Awards Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman kami suportahan sa pelikulang ito. Yun ang masaya. Kaya kami masaya.

“Even with Ryzza, talagang tulungan dito. Kaya panalo ng isa, panalo ng lahat,” pagtatapos ni Aiza.

Ang My Little Bossings ang itinanghal bilang Third Best Picture noong nakaraang Gabi Ng Parangal ng MMFF.

Nanalo rin si Ryzza Mae bilang Best Child Performer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN