Rocco Nacino admits to wooing Lovi Poe; says he is willing to wait for her decision

It’s still wait-and-see in the relationship between Rocco Nacino and Lovi Poe. The actress says, "We’re just enjoying what we have and let’s see if it’s going somewhere.” Rocco responds, "Yun ang masaya sa experience na ito, you’ll never know what’s gonna happen.”


Magkasamang dumating ang Kapuso stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, noong December 27 sa Meralco Theater.

Si Rocco ang bida ng MMFF entry na Pedro Calungsod: Batang Martir, at si Lovi ay sumama sa awards night bilang suporta sa kanya.

Pinagbidahan nilang dalawa ang nagwakas nang GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Bago pa pumasok sa loob ng venue ang dalawa ay nakapanayam na sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media.

Hindi pa raw napapanood ni Lovi ang pelikula ni Rocco at gusto niyang sabay silang manood nito.

Sabi naman ng aktor, “Sabi ko, pag nanonood siya, siya lang ang tatawa dun.”

Hindi man nasungkit ni Rocco ang best actor award na napunta kay Robin Padilla para sa 10000 Hours, nauna na niyang sinabi na hindi siya umaasa.

Ang nais lang daw niya ay kumita ang kanilang pelikula.

Kumusta naman ang Christmas nila?

Nakangiting tugon ni Lovi, na nakasuot ng gold turtle neck gown, “Good, fun, happy Christmas. Ako, I celebrated it at home.”

Sabi naman ni Rocco, “Sa ospital. May nangyari sa lola ko, and we spent our Christmas there.

"Medyo stable naman, sana mailabas na sa ICU [Intensive Care Unit]. We just think positive na lang."

Natanggap na raw ni Rocco ang Christmas gift sa kanya ni Lovi, pero hindi raw niya ito suot-suot sa awards night.

Paliwanag niya, “Suot ko itong bigay ng daddy ko. Kasi formal itong suot ko.

"Yung bigay niya [Lovi], pang-macho.”

Naka-white top tuxedo si Rocco noong gabing iyon.

Ano naman ang regalo niya kay Lovi?

“Something na para sa bahay,” sagot ni Rocco.

Nabanggit dati ni Lovi na kung bibigyan siya ng Christmas gift, kahit hindi raw mahal basta pinag-isipan.

Pinag-isipan ba ni Rocco ang iniregalo niya kay Lovi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Separate pa yun, e,” tugon agad ni Rocco.

“Aside from the gift for the house, I took her out for dinner.

"Nag-dinner kami na first time naming ginawa.

"Nakakatuwa kasi tawa lang kami nang tawa.

“Nangyari ‘yan before Christmas.”

THE REAL SCORE. Madalas silang makitang magkasama, at sa magkahiwalay na interviews, laging magaganda ang nababanggit nila tungkol sa isa’t isa.

Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa?

“Masaya kami,” nakangiting sagot ni Lovi.

Dagdag naman ni Rocco, “Masaya kami sa kung anuman ang nangyayari sa amin.

"Inamin ko naman sa kanya na humahanga ako sa kanya. So, tignan natin.”

May “mutual understanding” na ba sa pagitan nila?

“I don’t know,” sagot agad ni Lovi. “It’s hard for me to say.

“Pero sa ngayon we’re just enjoying what we have, and let’s see if it’s going somewhere.”

Singit ni Rocco, “Yun ang masaya doon, e.

"Yun ang masaya sa experience na ito, you’ll never know what’s gonna happen.”

Wala pa bang pormal na ligawan?

Biglang tumingin si Rocco sa katabi at nagsalita na parang nagpu-propose, “Ahm, Lovi Poe, maaari ba akong manligaw?”

Nagkangitian lang ang dalawa pagkatapos.

Patuloy ni Rocco, “Paano ba? Paano ko ba sasabihin?

"Yun nga, mahirap kasi nga e we’re ano... We’re happy kung ano ang nangyayari ngayon.”

Pahabol naman ni Lovi, “Let’s leave it at that siguro.”

Pero para matapos na ang mga ispekulasyon, kailangan na nang malinaw na sagot.

Kaya diretsahan nang tinanong ng PEP si Lovi kung sila na ba talaga ni Rocco.

“No,” diretso rin at mabilis na sagot ng aktres.

Nanliligaw na ba si Rocco?

Alinlangan si Lovi sa kanyang sagot, “Ahm... I should not be the one…”

Napatingin si Lovi kay Rocco na tila sinasabi nitong dapat ito ang sumagot sa tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deklara naman agad ni Rocco, “Oo, nililigawan ko siya.”

Ngayong umamin na si Rocco na nanliligaw nga siya, ano naman ang masasabi ni Lovi rito?

“He’s very sweet naman right from the beginning,” ani Lovi.

Consistent din daw si Rocco sa panliligaw nito sa kanya, kahit na marami itong showbiz assignments.

Kaya sa ngayon daw ay hindi sila tuluyang makapag-commit sa isa’t isa, dahil abala rin si Lovi sa sarili niyang career.

“No, I think this thing kasi, you have to give it time, di ba?

"It’s not just me, it’s also him. We both are very busy.

"So, we wanna focus on ourselves, but at the same time, the fact is we enjoy each other’s company,” paliwanag ni Lovi.

Nagsimula ang pagiging close nina Lovi at Rocco nung una silang magsama sa Yesterday’s Bride ng GMA-7.

Kuwento ni Rocco, “Maganda kasi, nagsimula kami bilang magkaibigan.

"So, we started from that and nag-grow siya.

"Nakilala namin ang isa’t isa.”

BEFORE VALENTINE’S DAY. May plano na ba sila for Valentine’s Day?

“Valentine’s agad? Ang bilis, ah?

"Birthday niya muna!” nangingiting banggit ng morenong aktor.

Sa February 1 ang kaarawan ni Lovi, at 25 years old na siya ngayong taon.

May naisip na bang birthday gift si Rocco para kay Lovi?

“Wala pa. May panahon pa tayo para pag-isipan ‘yan.

"At saka mas magaling ako ’pag impromptu,” may pagmamalaki pang pahayag ni Rocco.

Hindi katulad ng ibang lalaking nagbabago ng iginagawi kapag nanliligaw ng babae, wala naman daw iniiba si Rocco sa kanyang sarili.

“Kung ano ako, gano’n lang ako. At ina-appreciate niya yun.

"Mananatili akong gano’n.

"Alam ko naman na nag-i-enjoy siya sa mga corny jokes ko,” pahayag ni Rocco.

2014 PLANS. Tinanong ng PEP kung ano ang mga plano nila ngayong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang sumagot si Lovi: “I just hope that I’ll do better, be better in everything that I do.

“I don’t have any plans in the future. I never plan ahead that much.

"But then, I just hope I’ll be better in everything that I do.

“When it comes to personal life, ayun, I’m just happy now and know who my real friends are.

"And I’m very happy with what I have now, with my family.

“So, I think I can’t ask for more.”

Kasama ba si Rocco sa mga sinasabi niyang real friends?

“Yeah, matagal na, matagal ko na siyang mabuting kaibigan.

"Naks! Ha-ha-ha!”

Gaya ni Lovi, wala rin daw plano si Rocco sa mga magiging kaganapan ng kanyang buhay at career sa 2014.

Sana raw maging busy siya sa taong ito sa acting projects.

“Hopefully, maging busy nga,” pag-asam pa niya.

Sa mga nauna nang pahayag ni Lovi, nabanggit nito ang pagka-abala nilang pareho sa kani-kanilang careers kaya hindi pa makapag-commit sa isang relationship.

Handa bang hintayin ni Rocco kung kailan naisin ni Lovi na pumasok sa isang relationship?

“Sinabi ko na ‘yan sa kanya, handa akong maghintay,” nakangiting sagot ni Rocco.

At sana raw ay manatili ang saya sa panliligaw niya kay Lovi.

“Oo naman, it brings more excitement to the relationship,” aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN