THE TOP LIST: Viral stories, photos, videos of 2013

The PEP scoop on Anne Curtis’s "embarassing night" at a private luxury club went viral and was picked up by various news outlets. It also became the source of a viral photo meme.


“Viral” ang isa sa pinakagamit na salita nitong 2013.

Ayon sa merriam-webster.com, ang “viral” ay isang adjective, “1: of, relating to, or caused by a virus infection> 2: quickly and widely spread or popularized especially by person-to-person electronic communication viral video>”

Sa Pilipino, isa itong pang-uri na tumutukoy sa kahit na anong kumalat, nakakahawa, o napagpasa-pasahan.

Sa Internet nitong 2013, maraming istorya, videos, photos, at pauso ang pinagpasa-pasahan kaya nilagyan ng salitang “viral.”

Sa pamamagitan ng social media sites tulad ng Facebook, Twitter, YouTube, at Instagram, kumalat ang viral stories ng 2013.

Katulad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) article ni Rose Garcia kay actress-politician Lani Mercado.

Sa kainitan ng isyu tungkol sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang Pork-Barrel scam, natanong si Bacoor, Cavite Representative Lani kung pabor siya sa tuluyang pag-abolish nito ng Supreme Court.

Ang sagot ng actress-politician: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao.”

Insensitive ang dating ng komentong ito ni Lani sa karamihan ng netizens, lalo na’t damay pa sa kontrobersiya ng pork-barrel scam ang asawa niyang si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Dahil sa mainit na pagkondena ng netizens sa statement ni Lani, pinulot ng iba pang news outlets ang statement, na tanging PEP lang ang naglabas, gayo’t may ilan pang reporters na kasamang nag-interbyu kay Lani.

Ang isa pang istoryang nagsimula sa PEP na naging viral, at pinagmulan pa ng isang Internet “meme,” ay ang “embarrassing night” na nangyari sa aktres na si Anne Curtis sa isang luxury club.

Sa eksklusibong interview ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon sa Circuit Magazine editor-publisher na si JR Isaac, ikinuwento ng huli kung paano nagwala at nanampal ng tatlong katao si Anne.

Dahil din sa istoryang ito ay nagkaroon ng “I can buy you, your friends, and this club!” meme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kahulugan ng meme, ayon muli sa merriam-webster.com, ay “an idea, behavior, style, or usage that spreads from person to person within a culture.”

Sa isang photo meme—na kumalat gamit ang linyang binitiwan ni Anne sa kapwa niya Viva Artists Agency at ABS-CBN talent na si Phoemela Baranda—ipinapakita ang isang kuha ni Anne na napapatungan ng naturang linya.

Sa ibaba o sa gilid ng photo meme ay ang sagot kunyari ng personality na ginamit katapat ni Anne.

Ilang versions pa ng photo meme ang lumabas at naging viral din.

Sa viral video department naman nitong 2013, pinagpasa-pasahan at kinatuwaan ang YouTube video ni Cheridel Alejandrino—o mas kilala sa Internet bilang ang “Funny Elevator Girl” ng SM Olongapo.

Ayon sa karamihang nakapanood ng video, nakakatawa at nakakaalis ng stress ang pagiging masayahin at masigla ni Cheridel habang nagtatrabaho.

Marami tuloy ang humanga sa kanyang dedikasyon at sigla sa pagtatrabaho kahit isa lang siyang simpleng elevator girl.

Pero bago matapos ang taon, dalawang viral videos ang naging kontrobersiyal dahil sa mga kilalang personalidad na sangkot.

Ang “Yolanda Mar Roxas Telling off Tacloban Mayor Alfred Romualdez” at ang “3 Dasma guards who stopped Binay convoy held, freed.”

Para sa kumpletong istorya at iba pang naging viral nitong taong 2013, mag-CLICK DITO para sa PART 1 at DITO para sa PART 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN