Alessandra de Rossi stops accepting horror projects: "Para sa akin, fear is an emotion that you don’t need at all in your life."

Kung mayroon mang isang gustong gawin si Alessandra de Rossi sa hinaharap, ito ay ang maging isang direktor. Ngunit, aniya, "Parang feeling ko, sa sobrang perfectionist ko, baka sumakit lang ang ulo ko. E, bilang hindi nga ako masyadong nagagalit, iiyak na lang ako sa gilid, ‘Ang pangit-pangit ng pelikula ko!’ Charot!"


Nasa estado na raw ng kanyang career si Alessandra de Rossi na hindi na parang laro lamang ang lahat, na tanggap na lang siya nang tanggap ng proyekto para lamang may trabaho siya.

Saad ng aktres, “Dati kasi, parang tanggap ka lang nang tanggap. Basta’t may work, happy ako.

“Ngayon, talagang iniisip ko, ‘Nakaka-inspire ba ito? Nakaka-educate ba ito? May information ba silang makukuhang maganda dito? Meron ba silang necessary emotions na kailangang makuha from this project?’

“Kaya hindi ako gumagawa ng horror. Hindi na, dati kasi gumagawa ako, e.

“Alam naman nila yun, tinatanggihan ko naman talaga.

“Kasi, parang feeling ko, hindi ninyo naman kailangan yung fear, e.

“For me, it’s a… para sa akin, fear is an emotion that you don’t need at all in your life.

“So what’s the point?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra sa taping ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig bago magtapos ang 2013.



ALESSANDRA’S CONTRIBUTION. Sa palagay ba ni Alex, palayaw ng aktres, ay may naiambag na siya sa industriya ng pelikula at telebisyon?

Sagot niya, “Feeling ko naman... feeling ko naman.

“Sa mga projects na ginagawa ko, yung mga movies, ha, maraming na-inspire diyan.

“Sa mga ganoong klase ng pelikula, kapag pinanood mo, marami kang matututunan.”

Kabilang sa memorable movies ni Alex ay ang mga sumusunod: Hubog (2001), Azucena (2001), Homecoming (2003), The Maid (2005), Independencia (2009), Manila (2009), Presa (2010), Busong (2011), at Sta. Niña (2012).

May dream role pa ba si Alessandra?

“Sabi ko, gusto kong maging babaeng maganda.

“Hindi pa nangyari sa akin yun—yung magandang-magandang babae!” biro ng 29-year-old actress.

Pero dagdag niya, “Gusto ko ng something na sobrang lapit sa pagkatao ko siguro.

“Ito, yung ganito lang na role,” pagtukoy niya sa ginagampanang role sa Magkano Ba Ang Pag-ibig.

“Kasi, usually kasi, ang bida natin lagi, api-apihan, sweet-sweet-an, kulot ang buhok, naka-heels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung parang, ‘Excuse me, try nating gumawa ng normal na taong naka-jeans lang siya, hindi siya nagpapaapi, pero hindi siya nang-aapi, hindi siya nakikipag-away, pero it doesn’t mean na hindi niya na alam yung ginagawa mo sa kanya. Pinag-iisipan niya yun pag-uwi niya.’

“Yung mga ganun.”

O kaya raw ay ang tungkol sa buhay nilang mga alagad ng sining.

“Yeah, yung mga pinagdadaanan namin, yung ganyan.

“Actually, marami akong stories in mind na gusto kong isulat.”



FUTURE DIRECTOR. Gusto rin daw maging direktor ni Alex balang-araw.

“Parang, pero parang feeling ko, sa sobrang perfectionist ko, baka sumakit lang ang ulo ko.

“E, bilang hindi nga ako masyadong nagagalit, iiyak na lang ako sa gilid, ‘Ang pangit-pangit ng pelikula ko!’ Charot!

“Basta siguro one day, kapag ready na akong magdirek. Tingnan natin.

"Minsan naman hindi rin siya ganun.

“Baka sa emotional side lang pala ako magaling, tapos sa teknikal… or chaka yung mga shots ko or whatever.

“Hindi natin masasabi iyan, di ba?

“Hindi pala ako ganung ka-creative pagdating sa storytelling, pero marunong ako sa emotions... so hindi ko alam.

“Tsaka merong mga direktor na ang galing magturong umarte, pero pag sila na yung umaarte, hindi nila kaya.

“Yung mga ganung level.”



CHRISTMAS AND NEW YEAR. Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay nasa bahay lang si Alessandra dahil pagkatapos ng holidays ay tuloy na ang trabaho niya.

“Kaya wala ka talagang chance na lumarga o magpagod,” sabi niya.

Ano ba ang Christmas wish niya?

“Pera!” natatawang bulalas ng aktres.

“Cliché ba yung sagot? E, iyon talaga yung totoo, e.”

Ano naman ang New Year’s resolution ni Alessandra?

“Actually, ang sinabi ko last, last year, na mas magiging open at mas vocal na ako sa mga nararamdaman ko.

“Pero hindi rin, hindi naman nangyayari, huwag na!

“New Year’s resolution ko? Hindi ko alam... wala siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy, wala naman akong… feeling ko ngayon na kailangan kong baguhin sa sarili ko, sa ngayon, ha!

“Parang masaya naman ako, wala naman akong anything na nega na nasa isip or nega na ugali na feeling ko nakakasagabal sa akin.

“Hindi ako perfect, pero happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN