Katrina Halili admits to struggling financially because of diving resort in Palawan

Bagamat gusto ni Katrina Halili na magpatuloy sa pagganap ng kontrabida roles, hiling niya na, ’Gusto ko sana, may mga lalim naman yung mga character, na parang kagaya ng mga role ni Miss Eula [Valdes], ni Miss Jean [Garcia]. Gusto ko yung mga ganun. Hindi lang basta ka lang nagmamaldita, di ba?"


“Siyempre, sino bang may ayaw, di ba?”

Ito ang sagot ni Katrina Halili nang tanungin kung masaya na siya sa pagiging kontrabida at kung ayaw niya bang gumanap na bida.

Natatawang dagdag pa ng Kapuso actress, “Gusto naman. Pero okay lang din.

“Yun ang business, e. Dun malakas ang bentahan!

“Pero gusto ko sana, may mga lalim naman yung mga character, na parang kagaya ng mga role ni Miss Eula [Valdes], ni Miss Jean [Garcia].

“Gusto ko yung mga ganun. Hindi lang basta ka lang nagmamaldita, di ba?

“Ipapakain ka sa buwaya, mga ganun! Napakawalanghiya di ba ng role, ipinapakain sa buwaya?

“Gusto ko ihe-hate ako, pero yung parang makikita mo bakit mo siya hineyt.

"Ila-love mo din siya, di ba? Hindi puro hate, puro hatred.

“Parang ako, kunyari sa totoong pagkatao ko, may masama akong ginawa, oo, alam ng mga tao ‘yan, pero meron din naman akong good side.

“O, di ba, itinaas ko yung sarili kong bangko, beh! Hayaan mo na!”

Kasama ngayon si Katrina sa afternoon soap ng GMA na Magkano Ba Ang Pag-ibig.



PEACE OF MIND. Nang tanungin naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging Christmas wish niya, ito ang natatawa ring sagot ni Katrina: “Ano, peace of mind. O!”

Paliwanag niya, “Kasi, hindi niyo lang alam, no, halos isang taon, simula October 2012, dyusko, buwan-buwan, sakit-sakit ng ulo ko!”

Naresolba na ba ang problema niyang ito?

“Na-solve na,” sagot ni Katrina.

Hindi raw tungkol sa kanila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence ang naturang problema, kundi sa ipinapagawa niyang diving resort sa El Nido, Palawan.

Saad niya, “Ang dami kong bills!

“Kasi nung nabuntis ako... pinlano namin ng kapatid ko, kasi hindi pa ako buntis, e, yung pagpapagawa.

“So, nung nabuntis na ako, may nakuha naman akong pera, as in guaranteed ko na magiging pera ko kahit hindi ako mag-work, naoohan ko yung gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na hindi ko naisip na may monthly bills pa pala ako, so nagkasabay sila. Naubos.

“Naloka ako! Ang hirap… ang hirap.

“As in, buwan-buwan, pero okay naman na ako, nakaka-survive.

“Okay na ako.

“Hanggang sa inayos. Kasi yung contract ko [sa GMA], per year, e.

“So, every year, pagkatapos ng contract ko makukuha yung pera ko, so winorkout ko na may makuha ako monthly.

“Pero bago iyon, nakapag-loan-loan pa ako, ha? Pero okay na ako.”



DIVING RESORT. Paglalarawan pa ni Katrina sa kanyang diving resort, “May apat na rooms na, tapos may diving, pang-negosyo.

“Ang nagastos ko dun, nasa mga five to six [million] na.”

Pera raw niya ang ginastos sa pagpapatayo nito at kapatid naman niya ang magma-manage.

“Naloka ako kasi, di ba, last year, dyusko, wala akong pera. Nagkanda-utang-utang ako, pramis!

“Bukas na siya, pero hindi pa tapos, pero may four rooms na.

“Sabi ko, ‘Sandali lang, pakitain muna natin, tapos pahinga muna ako, relax lang, chill. Chill muna tayo.’

“Pero ako, okay naman ako. Kasi sa akin, naisip ko, at least nandiyan na ‘yan, e.

"Wala kaming nire-rent, lupa namin yun. So, wala namang mawawala sa amin.

“Yun nga lang, hindi ko talaga naisip na may monthly bills ako.

“E, yung bahay ko [sa New Manila], binabayaran ko, e—130 [thousand] a month.

“Tapos, nung kinulang pa ako, nag-loan na ako ng three [million].

“Kasi, three [million] yung nagastos ko dun na pera ko, tapos three, na-loan ko.

"So, six [million], di ba?

“Binabayaran ko yun monthly, 150 [thousand].

“So, bahay ko, 130, plus 150, magkano na yun?

“Plus yung mga bills ko pang iba, grabe!

“Kaya puwede peace of mind ang Chrismas wish ko?” ulit pa niya.

Nalampasan naman daw niya iyon.

“Basta may dumadating, na-survive ko na siya.

“Okay naman na po ako, kasi hindi naman kami lugi, kasi sa amin naman yun. Walang rent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung mawalan man ako ng work, meron naman akong babagsakan.

“Yung bahay namin sa town [sa Palawan], ipinagawa ko na sa nanay ko, lodging house, so ginawang eleven rooms.

“Wala kaming bahay, dun na kami natutulog!

“Pag may customer, dun kami sa farm, itsapuwera kami.

“Sabi ko, ‘Paano pag may nag-rent pa ng farm? Sa van tayo!’” natatawang kuwento pa ni Katrina.



BIGGEST BLESSING. Pinakamalaking blessing daw para kay Katrina ang anak nila ni Kris Lawrence na si Katrence o Katie.

“Binibigyan ako ng blessings, maraming-maraming-marami na.

“Unang-una si Katie, tapos yung kontrata ko [sa GMA].

“Kasi actually, nung tinanggap ko si Katie, pinapapirma nila ako.

“Hindi pa nila alam na buntis ako, pinapipirma nila ako.

“Sabi ko, ‘Hindi na po ako magsa-sign.’

“‘Bakit?’

“Akala nila lilipat ako. Sabi ko, ‘Buntis po ako.’

“‘Ha? Okay ka naman? Masaya ka ba?’ Ganyan-ganyan.

“‘Opo.’

“Tapos, natuwa naman ako, kasi hindi ko na ini-expect, e.

“Sabi ko nga, ‘Wala na. Next year siguro, wala na. Okay lang.’ Pero tinanggap ko.

“Tapos, hindi ko na-expect na tinanggap pa rin ako ng GMA.

“Na, ‘Sige, gawin na lang natin yung contract mo, kagaya kay Miss Regine [Velasquez] na habang hindi siya nagwo-work, naka-stop yung contract.’

“Sabi nila, ‘Kailan mo gustong mag-start, dun natin iro-roll yung contract mo.’

“Sabi ko, ‘January 7 [2013] po.’

“Tapos, tuwang-tuwa ako, kasi parang sabi ko, naging blessing.

"Sabi ko, siguro tinanggap ko kasi yung baby.

“Siguro dahil tinanggap ko na okay lang kahit mawala na lahat, nandiyan naman ang baby ko, may baby naman ako.

“So, iyon, masaya!”

Patuloy ni Katrina, “Ako, naniniwala ako, sa dami na ng pinagdaanan ko, na hindi tayo bibigyan ni God ng problema na hindi natin kaya.

“Sinusubukan lang tayo kung hanggang saan natin kaya, pero siya pa rin ang nagpo-provide.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN