(2ND UPDATE) Kris Aquino offered by Manny V. Pangilinan to leave ABS-CBN

Maraming bersiyon ang mga balitang kumakalat ngayon tungkol sa diumano’y maaaring pag-alis ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Kasalukuyang nasa London si Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, para sa dalawang linggong bakasyon.


Isang top-level executive ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may offer ang chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan sa Kapamilya host-actress na si Kris Aquino upang lumipat ng network.

Ayon pa impormasyong nakalap ng PEP, nagkaroon ng dinner meeting sa pagitan ni MVP at ni Kris bago umalis papuntang London ang tinaguriang Queen of All Media.

Nasa London ngayon si Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, para sa dalawang linggong bakasyon.

Ngunit nilinaw ng top-level executive na bagamat nagkaroon na ng meeting sina MVP at Kris, mahaba pa raw na usapin ito.

TV5 OR GMA? Ang hindi lang malinaw sa ngayon ay kung sa anong network lilipat si Kris kung saka-sakali.

Bagamat si MVP ang siyang chairman ngayon ng TV5, usap-usapan ng mga Kapatid insiders na "40 percent share" ng GMA Network ang bibilhin ni MVP.

Sinabi pang ang shares umano ni Atty. Felipe Gozon, ang chairman and CEO ng Kapuso network, ang bibilhin ni MVP.

Pero walang kumpirmasyon ang PEP tungkol sa actual percentage ng ownership ni Gozon sa GMA Network.

Ang hatian kasi ng shares noon ng private owners na sina Menardo Jimenez, Gilberto Duavit, at Gozon ay 35, 35, 30, respectively.

Subalit noong nagbenta sila ng shares, ang sinasabing "collective stake" ng tatlong pamilya ayon sa mga lumabas na business reports ay "over 68 percent."

Pero hindi pa raw ito nabibili ni MVP, ayon sa top-level executive na kausap ng PEP. Patuloy pa rin daw ang pag-uusap tungkol dito.

NEWS ITEMS. Bago magtapos ang 2013 ay kumalat sa mga pahayagan at news websites ang tungkol sa balitang lilipat na raw ng network si Kris.

Noong December 26, 2013, lumabas sa Bandera tabloid ang tungkol sa isyung ito.

Bahagi pa ng balitang may mga espekulasyong sa TV5 lilipat si Kris at may offer pa raw rito na maging network president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa text ni Kris sa kolumnistang si Regee Bonoan, sinabi nitong: “Not true, no decision has been made.”

October 2013 pa raw nag-expire ang kontrata ni Kris sa ABS-CBN, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw nagre-renew ang TV host-actress.

Sa kasalukuyan, isa lang ang programa ni Kris sa ABS-CBN—ang daily talk show cum travel show na Kris TV.

December 30, 2013 naman ay may dalawang magkasabay na reports tungkol pa rin sa isyung paglipat diumano ni Kris.

Sa isang news website ay sinabing "90% sure" na raw ang paglipat ni Kris.

Ngunit sa halip na sa GMA ay sa TV5 daw lilipat ang bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino.

Ang hakbang daw na ito ni Kris ay magdudulot ng “shakeup” sa mundo ng telebisyon sa taong ito.

Noon ding December 30, naiulat sa Pilipino Star Ngayon tabloid ang tungkol sa halos plantsado na raw pagtalon ni Kris sa GMA.

Ayon sa source ng entertainment editor na si Salve Asis, malapit na raw maging Kapuso ang Queen of All Media.

Sinabi pa raw ni Kris sa ilang malalapit sa kanya na “no amount of pressure from anybody” ang makapipigil sa desisyon niya.

Ayon pa sa source ni Salve, “Kasi the professional and financial side, hindi matanggihan.”



INTRIGUING POSTS. Kahit nasa London si Kris ay nagpu-post pa rin siya ng mga mensahe sa kanyang Instagram account na @krisaquino214.

Mga kasabihan o salawikain ang karamihan ng posts ni Kris, ngunit kapansin-pansin ang mga kahulugan nito.

Narito ang ilan sa kanyang Instagram posts:

Marami namang followers niya ang nagbigay ng pahayag sa napabalitang paglipat niya ng network.

Bagamat marami sa kanila ang tutol dito, may ilang nagsasabing okay lang naman na sundin niya kung ano gusto ng kanyang puso.

May iba ring nagsasabing hindi naman daw si Kris ang lilipat, kundi ang anak na si Bimby lamang ang magiging Kapuso dahil sa pinaplanong sitcom daw na My Little Bossings sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang My Little Bossings ang pelikula nina Kris at Bimby, kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Ang iba naman ay nagsabing okay lang kung sa GMA siya lumipat, huwag lang sa TV5.

Nagpaaalala pa ang ilang tagahanga ni Kris sa pamamagitan ng pagbigay ng ehemplo kina Sharon Cuneta, Derek Ramsay, at Willie Revillame na tumalon mula ABS-CBN papuntang TV5.

Sa Twitter naman, may mga nagsasabing baka palutang lang ito o kaya ay nagpapataas lang ng offer si Kris mula sa ABS-CBN.

Ayon naman sa isang ABS-CBN insider, hindi rin daw nila alam kung lilipat nga ba si Kris.

Halos labimpitong taon na si Kris bilang Kapamilya talent.

Mula GMA ay lumipat si Kris sa ABS-CBN noong 1996.

Kabilang sa mga talk show na ginawa niya ay ang The Buzz, Today With Kris Aquino, at Morning Girls with Kris and Korina.

Pinahanga rin ni Kris ang bansa sa galing niya sa paghu-host ng game shows gaya ng Pilipinas, Game Ka Na Ba?, Deal Or No Deal, at Wheel of Fortune; at dating variety show na Pilipinas, Win Na Win.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN