Sam Milby has not yet introduced Jessy Mendiola to his parents

Sam Milby on courting Jessy Mendiola: "We always hope for the best. But if it doesn’t work out, then you know naman na it just wasn’t meant to be, and we’re better off as friends."


Hindi pa raw nakakahanap ng tamang pagkakataon si Sam Milby upang maipakilala ang nililigawan niyang si Jessy Mendiola sa kanyang mga magulang.

“Hindi pa nangyayari. We haven’t had much time to see each other.

“Sobrang busy din niya. But we still keep in touch,” pag-amin ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters ang Kapamilya actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 27.

Matatandaang nabanggit ni Sam, sa nakaraang panayam sa kanya ng entertainment press, na balak niyang ipakilala ang babaeng nililigawan sa kanyang pamilya.

Nagkataon kasing nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas ang mga magulang ng aktor na nakabase sa Ohio, U.S.A.

Ngunit pareho raw abala sa trabaho at hindi nagtutugma ang schedule nina Sam at Jessy.

Tutok si Sam sa pag-promote ng MMFF entry na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, habang si Jessy naman ay abala sa taping ng teleseryeng Maria Mercedes at isang out-of-town show.

Patuloy na paliwanag ni Sam, “Kahit ako, I haven’t been able to spend as much time with my family.

“May trabaho pa rin. And they understand naman na may work.

“It was just nice, at least, nung Pasko, we were able to spend time with each other.”

Kailan ang tamang panahon para ipakilala niya si Jessy sa kanyang mga magulang?

Sagot ni Sam, “The right time is pag may time. Yun lang. Tingnan natin.”

Bagamat bukas ang aktor sa pagsasabing nililigawan niya si Jessy, hindi nagmamadali ang Rockoustic Heartthrob na magbunga ang panunuyo niya sa Maria Marcedes star.

“We always hope for the best.

"But if it doesn’t work out, then you know naman na it just wasn’t meant to be, and we’re better off as friends,” saad ni Sam.

NEW YEAR. Noong December 31, nag-post si Sam sa Instagram ng larawan kasama ang kapatid niyang si Ada Milby sa kanilang beach escapade.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang isang simpleng caption na nagsasabing, “Fun last day with for 2013 with my sis @adamilby #NewYearsEve.”

Samantala, sinalubong ni Jessy ang Bagong Taon sa Boracay kasama ng dalawa niyang non-showbiz friends.

Nagpahiwatig din ang young actress na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay handa na siyang umibig muli ngayong 2014.

Nakasaad sa bahagi ng caption ng Instagram post ni Jessy kahapon, January 1: “To new happiness, opportunities and love. Are we ready for 2014?? Hell yeah!!!!! 2014 better be ready for us! ❤ #alamna hahaha! Happy New year everyone!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN