Jason Francisco reveals Angelica Panganiban apologized to him

Jason Francisco on Angelica Panganiban’s effort to settle their rift: "Sobra nga akong nahihiya kasi, alam mo, mahirap sa isang tao na sikat na katulad ni Ate Angel na marunong siya mag-apologize at walang pride. Kaya sobra talaga ako sa saludo sa kanya at lalo pang tumaas ang tingin ko at respeto ko kay Ate Angel."


Nagkaayos na sina Angelica Panganiban at Jason Francisco bago pa man nagtapos ang taong 2013.

Matatandaang bago ikinasal sina Jason at Melai Cantiveros noong nakaraang buwan, bahagyang sumama ang loob ng magkasintahan kay Angelica.

Ito ay sa kadahilanang kinukuwestiyon umano ni Angelica—at iba pang malapit na kaibigan at co-star ni Melai sa Banana Split—ang kapasidad ni Jason na bumuhay ng isang pamilya.

Read: Angelica Panganiban not invited to Melai Cantiveros’s wedding to Jason Francisco

Sa panayam ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBNNews.com noong December 31, kinumpirma ni Jason na humingi ng tawad si Angelica kung nasaktan man daw nito ang kanyang damdamin.

Sabi ni Jason, “Oo naman [nagkapalitan] kami ng text. Ang tagal nga ng conversation namin.

“Saka nag-sorry na siya sa akin at saka sa pamilya ko kung naka-offend daw siya.

“Sabi ko naman, wala naman na talaga sa akin yun. I-explain ko na lang din sa family ko.

“Humaba lang ang issue kasi nasa showbiz nga, pero sobrang maliit lang talaga ’yan.”

Na-appreciate din daw ng comedian ang ginawang pagpapakumbaba ni Angelica sa kabila ng kanilang di pagkakasunduan noon.

Ayon kay Jason, “Sobra nga akong nahihiya kasi, alam mo, mahirap sa isang tao na sikat na katulad ni Ate Angel na marunong siya mag-apologize at walang pride.

“Kaya sobra talaga ako sa saludo sa kanya at lalo pang tumaas ang tingin ko at respeto ko kay Ate Angel.

“Kasi, sino ba naman ako, hindi ba? Compared sa katayuan namin sa showbiz?”

Sa huli, sinabi ni Jason na umaasa siyang magiging mabuting magkaibigan rin sila ni Angelica, gaya ng pagiging malapit ng aktres sa kanyang asawang si Melai.

“Kaya sana nga maging magkaibigan din kami balang-araw.

“With Melai naman, I think okay na sila. Di ko na lang talaga pinapakialaman ang usapan nila.

“Looking forward to a good friendship someday.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, noong December 25 ay nag-post sa Instagram si Angelica ng palitan ng text messages nila ni Melai.

Dito ay makikitang wala nang bakas ng anumang sama ng loob ang dalawa sa isa’t isa.

Sabi pa ni Angelica sa caption ng naturang Instagram post: “Totoong Merry ang Pasko... Maligayang pasko sa inyong lahat.

“Tahimik na ang puso naming lahat :) peace and love para sa lahat. Happy holidays!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN