PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas declares: Jejomar Binay is my President in 2016!

Hindi nag-atubili si Ai-Ai delas Alas na sabihin sa kanyang eulogy na si Vice President Jejomar Binay ang kanyangh manok sa pagka-Pangulo ng bansa sa 2016.

Aniya, “Binay ako. Kasi si Vice, masyadong personal, e. Kahit noon pa, noon pa. Tinatawagan niya ako talaga, ‘Uy, Ai, Merry Christmas!’ ‘Ay po, opo,’ yung ganun. ‘Happy birthday.’”


Isa sa nakiramay kay Ai-Ai delas Alas sa pagkamatay ng kanyang yumaong ina ay si Vice President Jejomar Binay.

Kagabi, January 2, 2014, ang huling lamay ng namayapang ina ni Ai-Ai na si Gloria Hernandez delas Alas, 87, sa Ascension chapel ng Arlington sa Araneta Avenue, Quezon City.

Read: Ai-Ai delas Alas on bidding goodbye to biological mom: “Quota na ’yan, okey na ’yan.”

Halos lagpas isang oras nagtagal si Vice President Binay sa lamay, nakipag-usap kay Ai-Ai at sa mga kamag-anak nito, at nakihalubilo sa mga taong naroon.

Sa eulogy ni Ai-Ai, ipinakilala niya si Vice President Binay bilang "future President of the Republic of the Philippines."

Deklara pa ng komedyana, "Siya ang president ko sa 2016."

Umani ng palakpakan ang naturang deklarasyon ng komedyana.

"BINAY AKO!" Sa pag-upo ni Ai-Ai para sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inusisa namin siya na baka maisyu ang kanyang deklarasyon na si Binay ang kanyang ieendorsong kandidato sa 2016.

Walang prenong sabi nito, “Ay, Binay ako!

“Binay ako, kasi si Vice kasi, masyadong personal, e.

"Kahit noon pa, noon pa. Tinatawagan niya ako talaga, ‘Uy, Ai, Merry Christmas!’ ‘Ay po, opo,’ yung ganun. ‘Happy birthday.’”

Hindi rin daw naging hadlang ang posisyon nito bilang pangalawa sa pinakamakapangyarihang lider ng bansa sa kanilang nabuong pagkakaibigan.

Saad niya, “Wala, kaya nga gustong gusto ko ‘yan, e, personal e.

"Yung parang, ‘Ay, naku, Vice President… sorry po, sorry po.’

“Tsaka ganyan ‘yan, personal umatake. Tumatawag sa phone, nag-aano, nagte-thank you.

"Ako rin, tinatawagan ko siya, ‘Vice President, happy birthday po,’ ganun.”

KRIS & VICE. Inusisa rin ng PEP kay Ai-Ai ang tungkol sa pakikiramay ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

Nakasuporta ba lahat ng mga kaibigan niya ngayong namatay ang kanyang ina?

Sagot niya, “Oo, oo.”

Sila Kris Aquino?

“Wala,” sabi ni Ai-Ai.

Nasa London ngayon si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Vice Ganda?

Tugon ni Ai-Ai, “Wala, ngayon lang nagpadala ng flowers.”

Si Kris, nagpadala rin ba ng mga bulaklak?

Sagot niya, “Wala.”

May samaan ba sila ng loob?

Ani Ai-Ai, “Hindi, wala... ewan ko sa kanila.

"Trip nila yun, e, hayaan niyo sila sa trip nila.”

Nagbigay ba ng mensahe sa kanya si Kris nang pumanaw ang kanyang ina?

“Yesterday night, nag-message siya.”

So, wala namang samaan ng loob?

Sagot ng 49-year-old comedian, “Okay lang. Hayaan na natin sila. Huwag na natin silang pag-usapan.”



“WITH A BLAST…” Matapos maihatid sa huling hantungan ang ina at makapagpahinga, magpapakaabala naman daw si Ai-Ai sa trabaho ngayong 2014.

Aniya, “With a blast ako ngayon. Work, work so hard.

"Lahat gagawin ko para maging magaling akong artist. Lahat gagawin ko, super work ako talaga.

“Oo, super work ako.

“Yes, yes, super blast.”

Pero pagdating daw sa usapin ng lovelife, wala daw muna ito sa kanyang mga plano.

“Wala muna, wala muna.”

Matatandaang naging masalimuot ang pagpapakasal ni Ai-Ai sa businessman na si Jed Salang noong nakaraang taon.

Matapos kasi silang magpakasal sa Las Vegas noong Abril 2013, naghiwalay naman kaagad sila matapos ang isang buwan na humantong pa sa demandahan.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN