Ai-Ai delas Alas reveals most painful moment before her biological mom’s death

Walang nararamdamang hinanakit o sama ng loob si Ai-Ai delas Alas (in photo, with son Sancho) sa kanyang yumaong ina dahil ipinamigay siya nito noong sanggol pa lamang siya. Pahayag ni Ai-Ai, "Nasasaktan ako para sa kanya, kasi pag humihingi siya ng tawad sa akin na napamigay ako, ang sakit para sa akin. Kasi, ayokong maramdaman niya yung pain na yun, kasi wala naman akong resentment nung ibinigay niya ako, e. Hindi ako nagbigay ng, kumbaga, ill feelings, kasi alam ko ginawa niya


Ngayong araw, January 3, inilibing ang tunay na ina ni Ai-Ai delas Alas na si Gregoria Hernandez delas Alas sa Eternal Gardens, sa Baesa, Quezon City.

Kagabi, January 2, ay nagkaroon ng necrological service sa pinagburulan nito sa Ascension chapels ng Arlington, sa Araneta Avenue, Quezon City.

Isa sa mga kaibigan ni Ai-Ai na dumalo ay ang Kapuso actress na si Marian Rivera, na tinapos ang buong service.

Nagkasama sina Ai-Ai at Marian sa pelikulang Kung Fu Divas.

PREPARING HERSELF. Emosyunal si Ai-Ai sa kanyang mga pahayag dahil isa raw sa ikinalulungkot niya ay namatay ang kanyang tunay na ina na hindi na siya nakikilala nito.

Nagkaroon ng Alzheimer’s disease ang ina ni Ai-Ai bago ito pumanaw sa edad na 87.

Pero kahit paano ay napaghandaan naman daw nila itong magkakapatid.

Nung ipinasok nila sa hospital ang kanyang ina bago mag-Pasko, naramdaman daw ni Ai-Ai na susunod na ang kanyang ina sa ama niyang sumakabilang-buhay noong December 31, 2011.

Sabi ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ni-ready ko na rin ang sarili ko.

"And sinabi ko na rin sa mga kapatid ko na ready na sila, kasi eto na yun.

“Pero kahit papa’no, naparamdam ko sa nanay ko na nandito ako for her.

“Pero parang kulang pa rin, na sana nung nawala siya, kilala pa niya ako, kasi may Alzheimer siya, e.”

Dagdag pa niyang kuwento, “Four days before siya namatay, kilala na niya lahat.

“And nung Pasko, kaya medyo may dramatic moments din ako, kasi sabi niya dun sa ate ko…

"Kasi hinuhugot niya yung kumot niya, pinipigilan siya ng ate ko. Sabi niya [Ai-Ai sister], ’Nanay, huwag mong ganyanin yung kumot mo.’

“Sabi niya [Ai-Ai’s mom], ’Hindi, ano ito, kay Ineng [Ai-Ai] ito.’

“So, parang medyo ano ako… kasi yung memory niya, nung baby ako, hindi ako lumaki sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa memory niya, hindi niya inalis na baby ako.

“Nakakaiyak na hindi ko maintindihan.”

NO NEED TO APOLOGIZE. Ang isa raw sa masakit kay Ai-Ai ay kapag humihingi ng tawad ang kanyang ina dahil ipinamigay siya nito nung bata pa lang siya.

Ang kinilalang ina ni Ai-Ai ay ang kanyang tiyahin na si Justa delas Alas, na kapatid ng ama niya.

Noon daw kasing ipinagbubuntis pa lang ng kanyang ina si Ai-Ai, sinabihan na ng tiyahin ni Ai-Ai ang kanyang amang si Rosendo delas Alas na hihingan niya ito kapag babae ang kanyang isinilang.

Emosyunal na pahayag ng Kapamilya actress, “Nasasaktan ako para sa kanya, kasi pag humihingi siya ng tawad sa akin na napamigay ako, ang sakit para sa akin.

“Kasi, ayokong maramdaman niya yung pain na yun, kasi wala naman akong resentment nung ibinigay niya ako, e.

“Hindi ako nagbigay ng, kumbaga, ill feelings, kasi alam ko ginawa niya yun nang hindi niya sinasadya.

“Kumbaga, sumunod lang siya sa asawa niya.

“Alam kong mahina yung personality niya, so sumunod lang siya kung ano ang gusto ng father ko.”

Hindi na napigilang maiyak ni Ai-Ai nang magbigay ng eulogy kagabi dahil gusto raw niyang iparamdam sa kanyang ina na wala itong dapat ihingi ng tawad, at wala rin daw siyang nararamdamang sama ng loob sa ina.

“Yun ang pinaka-painful sa akin, pag humihingi siya ng tawad, kasi no need.

“Kasi, unang-una, she’s my mother. Ako, anak lang ako.

“Kasi hindi niya magawang mawala yung guilt na napamigay niya ako.

“And I know the feeling, kasi nanay ako.”



STARTING THE NEW YEAR WITH A BANG. Maraming mabigat na pinagdaanan si Ai-Ai noong 2013, kaya nung sinalubong niya ang bagong taon ay nagpasabog siya nang husto at gumastos nang malaki sa fireworks.

Ito ay para maalis na raw ang lahat na negative vibes at mga kamalasang dumating sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong 2014, lahat masaya na, saka lahat pasabog,” nakangiting sabi ni Ai-Ai.

Hindi naman daw kinukuwestiyon ni Ai-Ai ang Diyos, sa halip ay ipinagdarasal niyang malagpasan niya ang lahat ng pagsubok sa tulong na rin at suporta ng mga taong nagmamahal sa kanya.

“Minsan, sabi ko nga, grabe… sabi ko, ang bagsik din ng pagkatao ko pag ganun, parang ang tibay ko naman.

“Siyempre, kay God ako humuhugot ng lakas, sa pamilya ko—lalung-lalo na sa mga anak ko.

“Alam kong mahal na mahal nila ako, and nandiyan sila for me.

"At sa lahat ng mga tao, mga kaibigan ko na nagmamahal sa akin."

Medyo natatawa niyang dagdag, “Kumbaga, inatasan ako ng Panginoon magpatawa, magpaligaya ng mga Pilipino, hindi lamang dito sa buong mundo, kaya yun ang gagawin ko.

“Siguro, sabi ni Lord, ‘Ai-Ai, ano ka lang muna, break muna. O, sige, ikaw naman ang umiyak ngayon.’”

Isa sa matinding pinagdaanan ni Ai-Ai nung nakaraang taon ay ang hiwalayan nila ni Jed Salang.

Balita pa ngang balak daw sana ni Ai-Ai na dumalaw sa burol ng ina ng komedyana.

Pero sabi ni Ai-Ai, hindi pa sila puwedeng magkita ng estranged husband, dala ng Permanent Protection Order mula sa korte.

Aniya, “Hindi kami puwedeng mag-usap, and ayoko siyang kausapin.

“Okay na yun. Siguro, in time, in God’s time, baka puwede.

“Pero ngayon, hindi pa.”

Hindi pa rin siya puwedeng magsalita tungkol sa inaayos na divorce nila ni Jed, pero umaasa raw siyang malapit nang ibaba ang desisyon nito.

“So far, wala pa, pero ongoing yung divorce,” sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN