Kimmy Dora 3 producers express disappointment over MMFF snub

“It was very unfortunate that Kimmy Dora Ang Kiyemeng Prequel and its lead actress, Eugene Domingo, did not get the right recognition due them. Its director, Chris Martinez, was not even nominated based on the merits of the film,” says producers of Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel in a statement questioning the MMFF snub on the third installment of the comedy film franchise.

In this photo, Eugene Doming


Dismayado ang mga producer ng pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel sa naging resulta ng Metro Manila Film Festival Awards Night noong December 27.

Wala ni isang award na nakuha ang ikatlong installment ng Kimmy Dora sa nasabing awards night.

Ang pagkadismayang ito ay inihayag ng mga producer ng Kimmy Dora na sina Erickson Raymundo, Piolo Pascual, Joyce Bernal, at Shayne Sarte sa pamamagitan ng isang statement.

Ang statement ay natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, January 3.

Sina Erickson, Piolo, Joyce, at Shayne ay bahagi ng movie production outfit na Spring Films, na siya ring nag-produce ng dalawang naunang installment ng Kimmy Dora.

Ayon sa statement: “It was very unfortunate that Kimmy Dora Ang Kiyemeng Prequel and its lead actress, Eugene Domingo, did not get the right recognition due them.

“Its director, Chris Martinez, was not even nominated based on the merits of the film.

“Likewise, a lot of people from various sectors in the industry share our sentiment by means of their articles and blogs citing the film’s production excellence.”

Ang Best Director award ay naiuwi ni Joyce para sa pelikulang 10000 Hours. Si Joyce ay direktor ng naunang dalawang pelikula ng Kimmy Dora.

Ang Best Actress award ay iginawad kay Maricel Soriano para sa kanyang pagganap sa comedy film na Girl Boy Bakla Tomboy.

Karamihan ng mga iginawad na award ay nakuha ng action film na 10000 Hours.

Kabilang dito ang major awards tulad ng Best Picture, Best Actor (Robin Padilla), Best Cinematography, Best Editing, Best Story, at Best Screenplay.

Read: 10,000 Hours dominates MMFF 2013; Robin Padilla and Maricel Soriano win top acting awards

Sa kabila nito, ikinatutuwa na rin ng producers ng Kimmy Dora ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang pelikula.

“As producers, we feel what matters more now is that moviegoers enjoy the film and leave the theaters delighted and happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOMINATIONS EXPLAINED. Sa isang artikulo ng PEP, ipinaliwanag kung paano pinipili ang mga nominado para sa mga kategoryang paglalabanan sa Metro Manila Film Festival.

Hindi lahat ng mga kalahok na pelikula sa taunang festival ay awtomatikong kasali sa mga kategoryang paglalabanan.

Ngayong taon, ayon sa isang panayam kay Kris Aquino, na bahagi ng MMFF entry na My Little Bossings, may mga kategoryang apat o lima lang ang nominado dahil daw sa mataas na pamantayan ng MMFF Board of Jurors.

Naging mahigpit din ang MMFF Board of Jurors pagdating sa confidentiality ng mga nominado, na maaaring dahilan kung bakit walang lumabas na listahan ng mga nominees.

Ang MMFF Board of Jurors ay kinabibilangan ng mga kilalang personalidad sa industriya tulad nina director Laurice Guillen, cinematographer Romeo Vitug, film editor Edgardo “Boy” Vinarao, writer-director Emmanuel Boralza, at National Commission for Culture And The Arts (NCCA) chairman Felipe de Leon Jr.

Kasama rin dito ang dean ng College of Liberal Arts at founding director ng Institute of Communications sa Colegio de San Juan de Letran na si Rowena Reyes, ang paring Katoliko na si Fr. Tito Caluag, padre parokya ng Sto. Niño de Tondo Parish Church na si Fr. Jacinto Padua, 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida, ang chairperson ng Cinema Evaluation Board (CEB) at isang writer/columnist ng The Philippine Star na si Christine Dayrit, at Maan Lopez na mula sa Theaters Association.

Mula naman sa public sector, kinuha ng Metro Manila Development Authority, na siyang namamahala ng MMFF, sina Romilda Amago, isang housewife mula sa Manila; Lorna Luna, isang estudyante mula sa Makati; Rex Ado, na isang guro mula sa Mandaluyong; at Larry Anido, isang driver mula sa Muntinlupa.

Dahil sa mahigpit na pagpili ng mga hurado, sabi ni Kris, “Just the fact that all those people are being nominated now is enough of an honor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jurors of 39th Metro Manila Film Fest revealed


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN