Bing Loyzaga describes relationship with husband Janno Gibbs as living harmoniously apart

Bing Loyzaga on unconventional setup with husband Janno Gibbs: “Basta we’re happy in our position. Kapitbahay ko pa rin siya. Nandoon lang siya sa kabila. Mas harmonious naman, di ba? Maybe that’s we really need—a little space. But that doesn’t mean na... he’s still my husband at the end of the day. Wala naman siyang choice, e. If this is the relationship na mas harmonious, tanggap ko na, di ba? Kesa nagbabangayan kami.”


Matatawag na "unconventional" ang setup ng mag-asawang sina Bing Loyzaga at Janno Gibbs.

Kahit nagsasama pa sila ay hiwalay naman sila ng tirahan.

Sabi ni Bing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Basta we’re happy in our position.

"Kapitbahay ko pa rin siya. Nandoon lang siya sa kabila.

"Mas harmonious naman, di ba?

“Maybe that’s we really need—a little space.

"But that doesn’t mean na... he’s still my husband at the end of the day.

"Wala naman siyang choice, e.

"If this is the relationship na mas harmonious, tanggap ko na, di ba?

"Kesa nagbabangayan kami.”

“Basta pareho kaming nandiyan sa mga anak namin.

"And right now, we’re really in a good position, in a good relationship."

Dagdag pa ng aktres, “Okey kami. At least masasabi ko na ngayon we get along.

"Walang away. Asaran, pero laging kasama ang mga bata.

"Kung anuman ang kailangan na desisyon na concern ang mga bata maasahan kaming dalawa.”

Nakausap ng PEP si Bing sa last taping ng teleserye niya sa TV5, ang Positive.



BING’S DAUGHTERS. Malalaki na rin ang dalawang anak na babae nina Bing at Janno.

Ang panganay nilang si Alyssa ay 24 at ang bunso nilang si Gabby ay 16.

Wala bang interes sa showbiz ang kanilang mga anak?

Sabi ni Bing, “A, nagge-guest lang sila kapag birthday ni Janno.

"Guesting-guesting, ganoon lang si Alyssa.

“Sabi niya, ’What if ganyan?’ Pero kita mo hindi yun ang priority.

“She likes what she’s doing right now and she encourages also her sister to go into college.

"Gabby is graduating na sa high school. She wants to do something with computer graphics.

"Ano siya, e, magaling ang kamay niya.”

Mag-aartista ba si Gabby?

Ngumiwi muna si Bing bago nagsalita.

"Huwag na. Ang hirap magbantay!" natatawang sabi niya.

Ayaw niyang maging stage mother?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As is na nga! Stage mother na ako wala pa sila sa showbiz, super ano lalo sa kanila.

"Hindi naman dahil sa nangyari sa akin noon.

"Ay, hindi, mas magaling ang mga anak ko!”

May boyfriend na ba sina Alyssa at Gabby?

“Si Alyssa, yes, may boyfriend na siya.

"We all know him and he’s not from showbiz.

“Gusto kong ma-enjoy nila yung regular life, kumbaga.

"If they want to enter [showbiz] one day, why not?

“Pero hindi ko sila pinu-push. At hindi ko rin naman nakikita na ganoon sila ka-interested na pumasok sa showbiz.

"Mga walanghiya ang mga anak ko, ano ba?

“Naku, imagine mo nga ang tatay at nanay na si Janno at ako, mga walanghiya rin ang mga ’yan, ano ba kayo?

“Prangkahan lang tayo. They’re very frank din kasi.

"They will say what they want to say.

"If they think that’s the right thing to do, they will [do it].

“Hindi naman sila yung ano, wala.

"Wala sa mga anak ko yung pa-shy!” tawa na naman niya.

Kuwento pa ni Bing tungkol kay Alyssa, “Meron kasi siyang business in-open with her best friend, into clothing sila.

"It is called Neon Island. It’s an online thing. Nagde-design sila.

“Pero ang maganda lang sa kanila, it’s all Filipino-made—all their materials, all their designs, all their... anything.

“Bags, shirts—lahat Philippine-made.

"Tapos, nag-join din sila ng parang boutique ng Gawad Kalinga.

"So, ini-endorse rin sila ni Senator Bam [Aquino] kasi nga all-Filipino made. They have a small store sa Trinoma.

"Kasama sila sa big-groups of different entrepreneurs. Tapos nandun din sila.

"They join bazaars. They have online.

"Tapos once in a while makikita ninyo na suot ni Heart [Evangelista] o kaya suot ni Solenn [Heussaff].

"Siyempre, kilig na kilig sila.

"E, sabi ko, ’Anak ko, habang bata, sige, go, go!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN