Bing Loyzaga happy to be caregiver to dad Caloy Loyzaga

Masaya raw si Bing Loyzaga dahil natapos ng kanyang pamangkin na si Diego Loyzaga ang high school. "I think that’s the biggest gift he can give to his mom," sabi ni Bing.


Si Diego ay anak ng nakatatandang kapatid ni Bing na si Teresa Loyzaga sa aktor na si Cesar Montano.


Masaya si Bing Loyzaga dahil ipinagdiwang niya ang Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang mga magulang na tumira nang matagal sa Australia.

Kuwento ni Bing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I brought them back here. They’re staying with me.

"This time, nagse-celebrate kami with them.

"Yun ang exciting doon, nakasama namin ang mommy at daddy ko."

Ang basketball legend na si Carlos “Caloy” Loyzaga ang ama ni Bing at ang kanyang ina naman ay si Vicky Cuerva Loyzaga.

Kapatid niya ang mga sikat na pro basketball players noong ’80s na sina Chito at Joey Loyzaga at ang dating actress-singer na si Teresa Loyzaga.

Sabi pa ni Bing tungkol sa kanyang mga magulang, “Dito na sila [her parents] sa akin. For good na sila dito. Sa akin na sila mag-i-stay.

"Kasi nga, since na-stroke siya [Bing’s dad]], siyempre iba na yung kilos, iba na yung sitwasyon.

“So, sabi namin, ’Aba, e, kung may mangyari kay Mommy, paano niya tutulungan si Daddy? A, hindi, iuwi na natin sila.’

"My mom is 74.

“It’s about time na ako naman ang mag-alaga sa kanila.

"Kaya kapag wala akong taping, caregiver!

"Pero kung sila lang naman, I wouldn’t want it any other way.

"I’m happy to have them with me.”



SISTER TERESA. Kuumusta naman ang kanyang nakatatandang kapatid na si Teresa? Nasa Australia pa rin ba ito?

Ayon kay Bing, “Oo, I have two sisters and a brother na nasa Australia pa.

"Yung dalawa magkasama sa Sydney. Si Teresa sa Perth.”

May bagong lovelife ngayon si Teresa?

“Wala, huwag na rin.

"Maganda na ang posisyon niya doon. Flight stewardess pa rin siya sa Qantas.

“But her elder son is with her, si Sefi.

"Si Diego is here.

"They’re living harmoniously also.

"The kid is working, so okey naman sila doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON NEPHEW DIEGO. Kay Bing ba nakatira ang anak ni Teresa kay Cesar Montano na si Diego?

Sagot ng aktres, “Right now, hindi. Meron na siyang sariling place niya.

"But he goes to the house once in a while.

"Kapag may problema or kapag nami-miss lang kami, or bibisita sa lolo’t lola niya.”

Nagsosolo na si Diego sa condo niya?

“Nasa edad na, e. He’s 18.

"But thank God natapos niya ang high school,” sabi ni Bing.

Ibinalita rin niya ang pagbabalik-artista ni Diego sa ABS-CBN.

"Kasama siya sa Mirabella with Julia Barretto.

"But thank God natapos niya ang high school niya.

“Pinatapos namin siya sa OB Montessori.

"Pinilit namin siya na tapusin muna yun!" tawa ni Bing.

Hindi ba si Cesar ang nagpaaral kay Diego?

"A, alam mo na? Ganoon lang!" tawa na naman niya.

“Ang ano kasi, kahit na sino hindi magagawa, hindi magagawang isabay ’yan, so it’s a choice.

"Ang point ko kasi, ang showbiz nandiyan lang ’yan, e. Kahit na anong edad ka pa, e.

"Yung youth, minsan lang ’yan, e.

"Ang high school, kapag na-miss-out mo ’yan ngayon, ay, wala na! Mami-miss out mo na talaga ’yan.

“So, I’m very proud that he finished, he graduated. At least, di ba?

"So, happy ako for him na nagawa niya yun.

"I think that’s the biggest gift he can give to his mom,” deklara niya.

Ano nga ba ang ginagamit ni Diego na screen name: Diego Loyzaga o Diego Montano?

Ani Bing, “Legally, Loyzaga. Doon tayo sa legal.

"Kasi, hindi naman sila [Cesar and Teresa] married, e.”

Hindi na niya gagamitin ang Diego Montano?

Paglinaw ni Bing, “Ay, nasa sa kanya na yun.

"Pero sa ABS, Diego Loyzaga siya.”

Hindi pinabago ni Cesar ang apelyido ni Diego?

Pabiro niyang banggit, “Ay, siya na lang ang tanungin ninyo doon. Echos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami niyang isyu, huwag na lang din natin siyang tanungin.”

Kumusta naman ang lovelife ni Bing?

“Ngee, wala. Magki-caregiver muna ako. Haha!” pabiro rin niyang sabi.

STILL BEAUTIFUL. Kapansin-pansin na blooming pa rin ang beauty ni Bing hanggang ngayon.

Hindi ikinaila ng aktres na malaking tulong ang pagpapakonsulta niya sa beauty specialist na si Dra. Vicki Belo.

“Oo, matagal na ako kay Dra. Vicki.

"Time immemorial, ever since.

"Nakakahiya man sabihin, pero talagang matagal na ako sa kanya!

“Nag-billboard pa kami noon for lipo [suction].

"Kaya I’ve been Dra. Belo’s baby for quite some time.

"Tapos yung usual facial lang,” pag-amin ni Bing.

Ilang taon na ba siya ngayon?

“I’m proud to say I’m 43,” pagmamalaki ni Bing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN