Heart Evangelista deeply hurt by mom’s public rebuff in Greenbelt before Christmas Day

Heart Evangelista on ending her rift with parents: “...I’ve lost my hope na talaga. Parang kumbaga, the ball is in their court. I think in this situation, hindi sa hinihintay ko sila or sa kanila dapat manggaling, but really, reality is, sa kanila na lang talaga.”


Ayaw magkomento ni Heart Evangelista sa nasagap na kuwento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa insidenteng nagkasalubong sila ng kanyang inang si Cecilia Ongpauco sa Greenbelt, Makati City, bago mag-Pasko.

Isang reliable source ng PEP ang nakasaksi na noong nagkita ang mag-ina, kumaway raw muna si Heart sa Mommy niya, at bilang sagot, tumango si Mrs. Ongpauco.

Lumapit daw si Heart para humalik sa kanyang Mommy, pero hindi ito natuloy dahil hinarang umano ni Mrs. Ongpauco ang kanyang kamay sa mukha ng aktres.

Hindi itinanggi ni Heart ang naturang insidente nang usisain namin siya tungkol dito, pero iniwasan niyang magbigay pa ng anumang detalye.

Pangungulit naming tanong: ano ang naramdaman niya nung oras na iyon?

Aniya, umiyak siya nang umiyak pagkatapos ng insidente.

Ayon sa source ng PEP, marami ang nakasaksi at halatang napahiya raw si Heart, na bumili na lang daw ng pagkain saka umalis.

Sabi ni Heart, tumuloy na lang daw siya sa kotse at doon siya umiyak.

CHIZ TO THE RESCUE. Agad daw tinawagan ni Heart ang kasintahang si Senator Chiz Escudero para ikuwento ang nangyari.

"Nung nangyari yung sitwasyon, tinawagan ko siya [Chiz], sabi niya puntahan na lang kita sa bahay mo, ipag-pray na lang natin ‘yan. Wala na talaga tayong magagawa,” kuwento ng Kapuso actress/TV host.

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag ang ina ni Heart, pero nagtanong lang ito sa text kung saan namin nakuha ang kuwento.

Hindi na siya nag-text muli matapos namin siyang sagutin.

SAD CHRISTMAS. Naitanong na rin kay Heart ng Startalk, Saturday talk show ng GMA, ang tunay na kalagayan ng relasyon niya sa magulang.

Aniya, ganun pa rin daw.

Bagamat okay na sila ng daddy niya, wala pa raw silang pagkakataong magkita o magkausap.

Kaya kahit masaya siya sa piling ng senador nitong nakaraang Pasko, nandiyan pa rin daw ang lungkot dahil hindi pa rin siya okay sa kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It never changed naman. Nagkita kami ng Daddy ko before, but after that, it never changed,” pakli ng aktres.

Sabi pa nito, “I’ve accepted na Christmas, whatever season, it cannot be settled. ’Di mo talaga kayang pilitin ang mga bagay-bagay."

I’VE DONE MY PART.” Masakit man daw isipin pero nasa punto na raw siyang kailangan niyang tanggapin na ganito ang lagay niya sa mga magulang.

Pahayag ni Heart, “Actually kasi, I’ve accepted that this is just the way I guess my world is. Nobody has a perfect life.

“So I’ve learned to accept it. I just prayed na okay din sila sa kanilang mundo, and I just pray for God’s will.

“Kasi, at this point, I really don’t know what to pray for anymore. But, I’m better.

“I got to a point na, you know, I’ve accepted, I’ve done my part.

"I’ve always done my part naman. Kung may mga pagkakamali, nobody’s perfect,” tugon pa ng 28-year-old star.

Nakakaramdam na raw siya ng pagsuko at kawalan ng pag-asang magkaayos sila, dahil nagawa na raw niya ang lahat.

Pagtatapat ni Heart, “Actually, to be honest, I’ve lost my hope na with that area.

“Kasi, kung sa anything, if it was for me, I gave my all. So, I know kung hanggang saan na ang sukatan ko.

"But I’ve lost my hope na talaga.

“Parang kumbaga, the ball is in their court.

"I think in this situation, hindi sa hinihintay ko sila or sa kanila dapat manggaling, but really, reality is, sa kanila na lang talaga.

“Nung na-interview pa nga ako sa H.O.T. TV [defunct GMA talk show], sabi nila, bakit halos wala na akong luha.

“Because I cried a river, so that’s why at the end of the day, you just think na, ’God, it’s up to You, kasi I’ve done my part na,’” seryoso niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING HER DAD AND SISTERS. Ang ikinalulungkot ni Heart ay sobrang nami-miss na raw niya ang kanyang ama, pati ang mga kapatid na bihira niyang makita.

“My sisters, yes. Pero naiipit sila, e,” medyo naaalangan niyang sabi.

“Kasi meron silang kundisyon na they’re not allowed to see me if I’m with other people.

"And this is my life, I’m always with other people.

"But, you know, I always kept calls for my sisters, ganyan.

“That’s the sad thing, and you know it’s Christmas, and if there’s any realization, I’ve realized way beyond my realization, kumbaga tinanggap ko na and everything.

“Parang the situation got worse because of something that I don’t understand what we did wrong.

"So, I cannot do anything anymore,” malungkot pang pahayag ng Kapuso actress.

Tinanong namin kung paano nila ito napapag-usapan ni Chiz.

“Actually, pareho na lang kami pagod,” sagot na lang nito sa amini Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN