Mat Ranillo III’s old legal case links Jinggoy Estrada and Loi Ejercito to alleged PDAF-scam mastermind Janet Napoles

Senator Jinggoy Estrada and his mom Loi Ejercito have denied any transaction with actor Mat Ranillo III.

In 2005, Ranillo presented vouchers supposedly issued by JLN Corporation to the senator and his mother as court evidence to evade a legal suit. The vouchers have resurfaced in connection with the pork barrel investigation as these reportedly show the connection between Jinggoy and Loi and the alleged PDAF-scam mastermind Janet Lim-Napoles.


Bago nagtapos ang 2013, may nadiskubreng bagong dokumentong diumano’y magpapatunay na may kaugnayan si Senator Jinggoy Estrada at ina nitong si former Senator Loi Ejercito sa kontrobersiyal na pork-barrel scam.

Ito ay ang payment vouchers na may tatak na "JLN Corporation" na isinumite ng aktor na si Mat Ranillo III bilang court evidence kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya ng naturang kumpanya noong 2005.

Ang JLN Corporation ay ang negosyong pag-aari ni Janet Lim-Napoles, na itinuturong utak sa pagtayo ng bogus non-government organizations (NGOs) na diumano’y tumanggap ng sampung bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng ilang sangkot na mambabatas.

Ayon sa ulat ng GMA Network news program na 24 Oras noong December 24, nakalagay ang pangalan nina Jinggoy at Loi sa tatlong JLN Corporation vouchers na isinumite ni Mat sa korte.

Sa JLN Corporation voucher No. 4289, na may petsang August 11, 2005, ang nakasulat ay “payment for 50% of 30M Rebate charge from Senator Jinggoy” na nagkakahalaga ng P1.14 million.

Sa JLN Corporation voucher No. 5787, na may petsang January 13, 2005, ang nakasulat ay “payment for 5% Commission charge to Sen. Loi Estrada PDAF-DA 10M” na nagkakahalaga ng P475,000.

Sa JLN Corporation voucher No. 5472, na may petsang December 12, 2005, ang nakasulat ay “50% Rebate/Commission of 71M 2004 Full Payment of the commission charge to Sen. Loi Proj.” na nagkakahalaga ng P1.2 million.

NAPOLES’S CASE AGAINST MAT. Ayon pa rin sa nakalap na impormasyon ng 24 Oras, nagsampa ng kaso ang JLN Corporation laban kay Mat at asawa nitong si Erlinda Tupaz Ranillo, sa Makati Regional Trial Court, dahil sa hindi umano nila pagbabayad ng sasakyang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Ang komisyon at incentives mula sa JLN Corporation ang dapat sana’y ipambabayad umano ni Mat sa binili niyang sasakyan, kapalit ng ipapasok niyang bagong pagkakakitaan ng kumpanya.

Ngunit ayon sa kampo ni Napoles, hindi tinupad ni Mat kung anumang transaksiyon na balak sana niyang ipasok sa JLN Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, pinanindigan ng aktor na tumupad siya sa kanilang kasunduan, at patunay nito ang mga isinumite niyang JLN Corporation vouchers sa korte.

Sagot naman ng kampo ni Napoles, dinuktor diumano ni Mat ang mga iprinisinta niyang mga dokumento bilang court evidence.

Ito ay sa kadahilanang nakapagsumite rin ang JLN Corporation ng vouchers na may kaparehong voucher number na pinanghahawakan ni Mat.

Ang kaibahan nito ay pangalan ng ibang tao at hindi kina Jinggoy at Loi ang makikita sa vouchers na isinumite ng kampo ni Napoles sa korte.

Ngunit sa huli ay nagkasundo rin sina Mat at ang JLN Corporation kaya’t na-dismiss ang kaso.


EVIDENCE AGAINST NAPOLES AND SENATORS INVOLVED IN PDAF SCAM. Hindi malinaw kung ano ang eksaktong transaksiyon na pinaggamitan ng JLN Corporation vouchers na isinumite ni Mat sa korte.

Ngunit naniniwala ang legal counsel ng ilan pang whistleblowers, si Atty. Stephen Cascolar, na ang mga nadiskubreng vouchers mula sa kumpanyang pag-aari ni Napoles ay posibleng may kinalaman sa PDAF scam na kinasasangkutan ng businesswoman ngayon.

Dagdag pa ng abugado, mas mapagtitibay ng mga naturang dokumento ang mga pahayag ng whistleblowers tungkol sa isiniwalat nilang pork-barrel scam.

Ito ay kaugnay ng kasong plunder, graft, at corruption of public officials na isinampa ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of The Ombudsman laban kay Napoles noong September 16.

Ang mga sangkot na mambabatas na sina Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, at Senator Juan Ponce Enrile ay sinampahan din ng kasong plunder, malversation, at graft ng DOJ at NBI sa Office of The Ombudsman.

Paliwanag pa ni Atty. Cascolar tungkol sa nadiskubreng JLN Corporation vouchers ni Mat: "Makakatulong po talaga dahil ito po ay actual documents na, dati, dine-describe lang.

"Ngayon, nahahawakan na natin.

“Pamilyar tayo sa bintang, sa alegasyon ng mga witnesses na may mga shinred silang documents, mga vouchers na may pirma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ay positive development for the case kasi some of the documents ay na-preserve sa korte.”

Ang mga naturang vouchers ay pirmado ni Benhur Luy, na siyang pangunahing whistleblower ng PDAF scam, second cousin ni Napoles at dating empleyado ng JLN Corporation.

Sa isinumiteng sinumpaang salaysay ni Benhur sa Special Task Force ng NBI na nailathala sa www.rappler.com noong November 3, inilahad ng whistleblower na ang nagpakilala kay Napoles sa appointments secretary ni Senator Jinggoy Estrada na si Pauline Labayen ay nagngangalang Lyn Ranillo at Mat Ranillo.

Sinabi rin ni Luy na kasama niya sina Lyn, Mat, at driver ni Napoles na si Fernando Ramirez, na personal na nag-abot ng pera kay Labayen sa isang bahay sa Dasmariñas Village sa Makati City.

Ito ay kaugnay ng maanomalyang pakikipagtransaksiyon ni Napoles, kung saan inaalok umano ng businesswoman ang mga piling pulitiko ng “rebates sa anumang halaga ng projects na ibibigay sa kanya galing sa pondo ng PDAF."

Dito rin tinukoy ni Luy si Labayen na siyang tumatanggap umano ng kickback para kay Senator Estrada.

Ngunit hindi malinaw kung ang tinutukoy ni Luy na si Mat Ranillo sa kanyang sinumpaang salaysay at ang aktor na si Mat Ranillo III ay iisa.

SENATOR ESTRADA DENIES LINK TO MAT. Samantala, mariing pinabulaanan ni Jinggoy ang alegasyong nakipagtransaksiyon siya kay Mat kaugnay ng vouchers na isinumite ng aktor bilang court evidence noong 2005.

Tumanggi rin siyang magbigay pa ng anumang komento tungkol sa lumutang na JLN Corporation vouchers, na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang ina na si Loi Ejercito kay Napoles.

Sabi ni Senator Estrada sa ipinadala niyang official statement sa 24 Oras, noong December 24:

“I never dealt with him. I have no transactions with him.

"I don’t want to further comment because the case has already been dismissed.

"I only know him [Mat] because he is an actor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN