Kris Aquino renews contract with ABS-CBN

Kris Aquino confirms she remains a Kapamilya on her Instagram post: "I have been w/ ABSCBN for 18 years & like any other family we’ve had our ups & downs and sometimes unavoidable "tampuhan"- but we remain FAMILY..."


Kapamilya pa rin si Kris Aquino.

Matapos ang ilang linggong espekulasyon tungkol sa paglipat niya sa ibang istasyon, inihayag ni Kris sa kanyang Instagram post ngayong araw, January 6, na pumirma siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

Nag-expire ang kontrata ni Kris sa ABS-CBN noon pang Oktubre ng nakaraang taon.

“My manager Deo Endrinal continued talks w/ our ABS bosses during the Christmas break & it is w/ much joy that I share w/ you that we have RENEWED my ABSCBN contract.

“I am grateful to my ABS CBN bosses, Sir Gabby, Ma’am Charo, and tita Cory for the trust, value & importance they have given me,” saad ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post, kalakip ng logo ng Kapamilya network.

Bukod dito, pinabulaanan din ng Queen of All Media ang kumalat na balitang malaki ang posibilidad na lumipat siya sa GMA Network.

Ang tanging nakausap daw niya ay si Manny Pangilinan, chairman ng TV5, na dalawang beses niyang naka-meeting noong nakaraang taon.

Ngunit ayon kay Kris, hindi matatawaran ang 18 years na iginugol niya sa ABS-CBN, na siyang nagbigay-daan upang marating niya ang tagumpay bilang isang host, entertainer, at producer.

Nagpasalamat din siya sa top executives ng ABS-CBN—Chairman Gabby Lopez, President and Chief Executive Officer Charo Santos-Concio, at Channel Head Cory Vidanes—na patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang artista.

Nagbigay-pugay rin si Kris kay FMG o Freddie M. Garcia, dating presidente ng ABS-CBN, na humikayat sa kanyang bumalik ng Kapamilya network mula sa karibal na istasyon (GMA) noong 1996.

Sa ngayon, walang nabanggit si Kris na anumang detalye tungkol sa mga bagong proyektong gagawin niya sa ABS-CBN, liban sa Kris TV na ipagpapatuloy pa rin daw niya.

Matatandaang sinabi ni Kris sa mga nakaraan niyang posts sa Instagram, na ang pangunahing kunsiderasyon niya sa pagpili ng trabaho ay kung saan mase-secure niya financially ang kinabukasan ng mga anak niyang sina Josh at Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ng Queen of All Media na isinasaalang-alang din niya ang kagustuhan ng mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Narito ang kabuuang pahayag ni Kris na matatagpuan sa kanyang Instagram post ngayong gabi:

“May I set the record straight? 1) I never met w/ any GMA officials but I am grateful to them for the generous coverage they gave My Little Bossings, primarily because of their longstanding partnership w/ Vic Sotto & the Eat Bulaga family.

“2) I had met w/ MVP (Manny Pangilinan) in October & again Dec 23 of 2013.

“3) I have been w/ ABSCBN for 18 years & like any other family we’ve had our ups & downs and sometimes unavoidable "tampuhan"- but we remain FAMILY...

“My manager Deo Endrinal continued talks w/ our ABS bosses during the Christmas break & it is w/ much joy that I share w/ you that we have RENEWED my ABSCBN contract.

“I am grateful to my ABS CBN bosses, Sir Gabby, Ma’am Charo, and tita Cory for the trust, value & importance they have given me.

“What I have become as a host, entertainer & producer came about because in 1996 FMG who was then president of ABS CBN told me, "Come back home."

“I would just like to give a shoutout to @cvvidanes for being an inspiring boss who has not only my respect, but my love.

@montie08 for the patience to work out all the details & have a deal where we are all winners. Boy Abunda for his unwavering faith.

@luiandrada @jasminip & @darlasauler & the whole KRIS TV family because I couldn’t imagine a show of mine w/o you because we’ve learned to love each other unconditionally.

“And the most important THANK YOU is for all the KAPAMILYA viewers, thank you for watching me, enjoying me & making me part of your daily viewing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because of your support I get to continue a job I love & I am also able to provide well for Kuya & Bimb... From my heart, MARAMING SALAMAT KAPAMILYA!!! ❤️❤️❤️”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN