Vice Ganda denies any tension between him and Kris Aquino

Dahil sa sunud-sunod na tagumpay sa takilya ng kanyang mga pelikula, natatakot na raw si Vice Ganda na gumawa ng panibagong pelikula. Saad ni Vice, “Kung i-entertain mo po lahat ng sinasabi, lahat ng naririnig mo, nakakatakot talaga. Kaya hinahayaan ko na lang lahat ng naririnig ko. Hindi ko masyadong kinakarir kung ano ang sinasabi ng tao.”


Halos hindi nagkakalayo ang kinikita sa box-office ng Girl Boy Bakla Tomboy at My Little Bossings sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Ayon sa pinakahuling datos, nangunguna pa rin ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap, at Kris Aquino.

Nasa close second naman ang Girl Boy Bakla Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Dahil dito, hindi maiwasang maintriga ang magkaibigang sina Vice at Kris.

Sa live interview ni Vice sa Buzz Ng Bayan kahapon, January 5, itinanggi ni Vice na mayroong tensiyon sa pagitan nila ni Kris dahil sa kumpetisyon ng mga pelikula nila sa MMFF.

Sabi niya, “Walang ganun. Walang ganung tension.

“Nakakatawa nga ’yang si Kris. Di ba, sa sobrang close nga namin ni Kris, asawa nga ang tawag namin.

“Noong awards night, pagkatapos kong tanggapin ang Second Best Picture, sabi niya, ’Asawa, dito ka dumaan [referring to her seat row].’

“So, doon ako dumaan, tapos bumeso ako.

“Pagbeso niya sa akin, ’Beh, talo ka ni Robin, siya ang mananalo [for Best Actor].’

“Ginanun niya talaga ako. Sabi ko, ’Siya talaga ang mananalo?’

“Sabi niya, ’Feeling ko, beh!’

“So, kami ba, kung hindi kami ganoon ka-close, magaganun niya ako?

“May relasyon kami ni Kris na maayos.”

Si Robin Padilla nga ang nanalong Best Actor para sa pagganap niya sa 10000 Hours.



PRESSURED BY SUCCESS. Samantala, masayang-masaya ang bagong taon ni Vice dahil sa tagumpay ng kanyang pelikula sa takilya.

“Sobrang happy, nakakatuwa. Wala nang paglagyan ng saya,” nakangiti niyang sabi.

Nakapag-relax na ba siya?

Tugon ni Vice, “Noong New Year, nakapag-relax naman, nakaalis naman kaming buong pamilya.”

Dahil pumapatok sa takilya ang halos lahat ng mga pelikulang ginagawa niya, natatakot na raw si Vice na gumawa pa ng panibagong pelikula.

Ito ay dahil na rin sa pressure na malagpasan o mahigitan ang kinikita ng mga pelikula niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung i-entertain mo po lahat ng sinasabi, lahat ng naririnig mo, nakakatakot talaga.

“Kaya hinahayaan ko na lang lahat ng naririnig ko.

“Hindi ko masyadong kinakarir kung ano ang sinasabi ng tao,” sabi niya.

Ang ginawa raw niyang apat na katauhan sa Girl Boy Bakla Tomboy ang una’t huling beses na gaganap siya ng apat na karakter.

“Iniyakan ko na, sinabi ko kay Direk Wenn [Deramas], sinusumpa ko, hindi na ako gagawa ng ganoon.

“Pero sulit naman, sulit naman sa ibinigay na suporta ng mga tao.

“Nakakatuwa, kasi itong Girl Boy Bakla Tomboy, napakaraming nanood.

“Bukod sa pinanood nila, pinuri pa nila... nakakatuwa.”

DEFENDING MARICEL. Dinepensahan naman ni Vice ang isyu sa pagkapanalo ni Maricel Soriano, na gumaganap bilang nanay niya sa Girl Boy Bakla Tomboy, as Best Actress sa MMFF Awards Night.

Kinukuwestiyon ng ilang ang pagkapanalo ni Maricel dahil supporting lamang daw ang role nito sa pelikula.

Ngunit ayon kay Vice, “Ako po talaga, isang malaking karangalan sa akin na nakatrabaho ko ang nanay ko na si Maricel Soriano.

“Lahat ng bakla, e, iniidolo… hindi man lahat, masyado yatang eksaherado kung lahat… pero mas marami ang umiidolo kay Marya.

“Hindi man ito paramihan ng eksena sa pelikula, siguro kung tutuusin, mas marami akong eksena kay Maricel, kasi ako ang pinakabida.

“Pero sa bawat eksena na nilabasan ni Maricel, napatunayan niya na siya ang Best Actress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN