Piolo Pascual to produce more films despite disappointment over MMFF 2013 snub of Kimmy Dora

Piolo Pascual on movie producing: “Producing kasi is a way of giving back to the industry that hones you, that gives you a life. So, parang chance ko rin yun to give others a chance—the actors or the people behind the camera.”


Dismayado ang actor-film producer na si Piolo Pascual sa pang-iisnab ng mga hurado ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 Awards Night sa Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.



Si Piolo ay bahagi ng Spring Films, isa sa mga producer ng pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo sa ASAP, noong Linggo, January 5, inilabas ng aktor ang himutok sa hindi pagkapanalo ng kahit isa man lang award ng pelikula.

Maski ang bida ritong si Eugene Domingo ay hindi man lang na-nominate sa kategoryang Best Actress.

Ani Piolo, “Masakit, kasi siyempre you want a fair game, you want a fair fight.

“But who are you to question? Who are you to judge?

"All you can do is shrug and just hope for the best.”

PAYING IT FORWARD. Ayon kay Piolo, ang nangyari ay hindi naman naka-discourage sa kanya na mag-produce pa ng pelikula.

Paliwanag niya, “Producing kasi is a way of giving back to the industry that hones you, that gives you a life.

“So, parang chance ko rin yun to give others a chance—the actors or the people behind the camera.”

Sa ngayon nga raw ay may mga plantsado nang pelikula ang Spring Films.

“Yeah, we have two movies in the pipeline.

"My son’s [Iñigo] movie is also out, teaser and all.

“There are many concepts that we want to do.

“Kasi marami ang magagaling, may chance, may potential, you just have to give them the opportunity.”

2014 PROJECTS. Tungkol naman sa career ni Piolo bilang aktor, naging maganda raw ang takbo ng 2013 para sa kanya.

“Sobrang saya naman [ang 2013], just like any other year.

“Pero siyempre, mas maganda na maging mas masipag for 2014."

Inisa-isa rin ni Piolo sa PEP ang mga proyektong nakalinya niyang gawin sa taong ito.

“The one with Toni is coming out on Valentine’s day," pagtukoy ng aktor sa pelikula nila ni Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then there’s one with Rhian [Ramos]. Tapos na rin namin ang Silong, it’s a thriller.

“Then there’s this soap.

"So, marami-rami rin akong projects for this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN