Venezuelan beauty queen, husband shot to death in an attempted robbery

Nasawi ang Venezuelan beauty queen na si Monica Spear at ang kanyang asawa matapos silang pagtangkaang nakawan sa Caracas, Venezuela. Nasiraan ng sasakyan sa kalsada ang mag-asawa, kasama ang kanilang anak na babae, nang lapitan ng mga armadong lalaki ang kotse ng mag-anak.


Nasawi matapos barilin ang Venezuelan beauty queen at Latina teleserye star na si Monica Spear at ang kanyang asawang si Thomas Henry Berry sa Caracas, Venezuela, noong January 6, Lunes ng gabi (Martes sa Pilipinas).

Tinangka umanong nakawan sina Spear, 29, at Berry, 39, ng mga armadong kalalakihan na hindi pa nakikilala.

Ayon sa ulat ng eonline.com, nasiraan ang kotseng sinasakyan ng mag-asawa, kasama ang kanilang anak na babae na si Maya Berry Spear, 5, sa Puerto Cabello-Valencia highway sa Caracas.

Ayon sa police report, matapos masira ang Toyota Corolla na sinasakyan ng mag-anak, may mga armadong lalaking lumapit sa kanila, dahilan upang ikandado nina Spear ang mga pinto ng kotse.

Gayunpaman, pinaputukan umano ng mga suspek ang kotse, dahilan upang tamaan ang mga biktima, kabilang ang bata na nasugatan sa paa.

Nakaligtas ang bata ngunit hindi ang kanyang mga magulang.

Sa iba pang ulat, sinabi ng mga awtoridad na sinadya umanong maglagay ng bagay sa kalsada ang mga suspek para masira ang sasakyan nina Spear.

Si Spear ay kinoronahan bilang Miss Venezuela noong 2004 at lumahok sa Miss Universe 2005 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Sa nasabing prestihiyosong pageant ay naging fourth runner-up si Spear.

Ang kandidata ng Pilipinas noong taong iyon ay si Gionna Cabrera.

Pinasok ni Monica ang pag-arte sa telebisyon at nakagawa ng ilang Venezuelan soap operas bago niya napasok ang mga manonood sa Estados Unidos.

Nagbida siya sa mga teleseryeng iprinodyus ng Telemundo—ang Pasion Prohibida (Forbidden Passion) noong 2013 at Flor Salvaje (Savage Flower) noong 2011-2012.

Ang Telemundo ay American Spanish-language television network na pagmamay-ari ng NBC Universal. Ang market nito ay ang mga Amerikanong may lahing Latino at Español sa US.


MISS UNIVERSE 2005. Samantala, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nagpahayag ng kanyang pakikiramay ang Miss Universe 2005 na si Natalie Glebova sa pamilya ni Spear.

Parehong kandidata sina Spear (Miss Venezuela) at Natalie (Miss Canada) sa Miss Universe noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post din ng larawan si Natalie kung saan magkatabi sila ni Spear noong Miss Universe pageant.

Ani Glebova sa kanyang post: “it’s been a sad couple of months with the deaths of close friends, and now I heard of another horrible tragedy. Yesterday a beautiful woman and her husband got killed, leaving their young daughter without parents. She was Miss Venezuela in 2005 the year I won, who made the top 5 in the contest. Here she is in the photo with me…another young beautiful person is taken away too soon. Hope the family will be alright and the daughter has a good life ahead.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN