Kim Chiu losing sleep over brouhaha on Xian Lim issue

Marami ang naintriga sa mensaheng ito ni Kim Chiu sa kanyang Twitter at Instagram, isang araw pagkatapos ng presscon ng pelikula niyang Bride For Rent: "People will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong you stand is what makes you."

Sa presscon ay tinanong siya kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Ang sagot ni Kim: "We don’t owe you any of our personal lives."


Nalagay sa alanganin si Kim Chiu sa presscon ng kanilang bagong pelikula ni Xian Lim, ang Bride For Rent, kagabi, January 7.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang miyembro ng entertainment press ang tugon niyang "We don’t owe you any of our personal lives," nang matanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng ka-loveteam na si Xian.

Read: Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."

Kaugnay ng nangyaring tensiyon sa presscon, nag-tweet ang entertainment editor na si Isah Red na nag-walkout diumano ang nagtanong kay Kim na si Aster Amoyo.

Si Aster ay dating host ng showbiz-oriented talk shows bago pa man siya pumalaot sa corporate world, ngunit nananatili pa rin siyang entertainment columnist.

Ito ang tweet ni Isah:


KIM STAYS POSITIVE. Base sa kanyang tweet kagabi, tila iniisip pa rin ni Kim ang nangyari sa presscon.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga tagahanga ni Kim tungkol sa insidente.

Kaninang umaga naman, January 8, may mensahe si Kim sa kanyang followers sa Instagram at Twitter na tila patungkol pa rin sa nangyari sa presscon.

Kalakip nito ang kanyang larawang nakatalikod na nakasuot ng bridal gown.

Aniya, “people will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong you stand is what makes you." good morning!!!:) today is another day!:) God bless everyone!:) #goodvibes #spreadthelove #thankful #grateful brideforrent jan 15 na!:)”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN