Phil Younghusband admits losing Angel Locsin was the worst thing in 2013

Natutuwa si Phil Younghusband na mas marami pang kabataan ang naeengganyong maglaro at mag-training ng football sa kanilang academy. Saad niya, “It’s good. Siyempre in summer, it’s more popular with the kids. Yes, more kids now [are playing football] compared to maybe two or three years ago.”


Patuloy sa paggawa ng paraan ang Azkals player na si Phil Younghusband para mas palaganapin pa ang larong football sa Pilipinas.

Lalo pa niyang pinapasikat ang naturang sport sa itinayong football academy kasama ang kanyang kapatid na si James Younghusband.

Sa live interview ni Phil kay Boy Abunda sa “Ikaw Na” segment ng Bandila sa ABS-CBN kagabi, Enero 7, ay nag-imbita siya para sa isang football event.

Sabi ni Phil, “We have the opening of the Chelsea Blue Pitch on the 15th of January.

“It’s a Blue Pitch but lot of the programs will be run by the Chelsea Football Academy and the Younghusband Football Academy.

“But it’s a football field na kulay blue, the first full-sized artificial football field na kulay blue in the Philippines.”

Outdoor ang sinasabi ni Phil na Blue Pitch artificial football field na matatagpuan sa Circuit Makati.

Natutuwa si Phil na mas marami pang kabataan ang naeengganyong maglaro at mag-training ng football sa kanilang academy.

“It’s good. Siyempre in summer, it’s more popular with the kids.

“Yes, more kids now [are playing football] compared to maybe two or three years ago.”



SPORTING YEAR. Masasabi ba niyang football year o basketball year ang 2013?

“It was a sporting year,” tugon ni Phil.

Pero parang mas maingay ang basketball last year. Ano ang masasabi niya rito?

“Opo, the Gilas they did very well. I mean, I’m all for sports.

“The Gilas doing well and Manny [Pacquiao] doing well. It’s all for sports.”

Ang Smart Gilas Pilipinas team ay nagkampeon sa 2013 Super Keung Seung Cup sa Hong Kong at pumangalawa sa 2013 FIBA Asia Championship.

Nanalo naman si Manny kontra sa Amerikanong si Brandon Rios sa Macau noong Nobyembre 24.

Ayon kay Phil, hindi naman dapat magkaroon ng kumpetisyon o pasikatan sa pagitan ng basketball at football.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang competition. I don’t think there’s competition.

“I think it’s about sports in general being promoted.”

BEST AND WORST IN 2013. Bilang isang football player, ano ang best thing na nangyari kay Phil noong 2013?

Tugon niya, “For me, winning the UFL [United Football League] Cup.

“It was the first time that Meralco Sparks won a competition.”

Ang Loyola Meralco Spark ay ang local team niya at ng kanyang kapatid na si James.

Ang may-ari nito ay ang businessman at TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan.

Bukod sa UFL, nakapag-participate na rin ang team nila sa Singapore Cup at Menpora Cup.

Pag sinasabing siya ang star player ng Azkals, ano ang reaksiyon niya?

“I smile,” maikli niyang tugon.

Worst thing namang maituturing ni Phil na nangyari sa kanya noong isang taon ang paghihiwalay nila ng aktres na si Angel Locsin.

“The worst thing? Probably losing someone I love,” sabi ni Phil.

Ano ang sinasabi niya kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari?

“I think the good thing is that friends and family, they respect you.”

Paano kung ibang tao na hindi niya kakilala ang nagtatanong, “You’re such a pair. What happened?”

Sagot niya, “I smile and agree.

"I mean, Angel and I are still good friends, which is the best.”

Anong paglalarawan ang puwede niyang ikabit sa pangalang Angel Locsin?


“Good memories,” simple pero makahulugang tugon ni Phil.


In 2014, are you looking for love? Are you ready to fall in love?


“Ngayon? Hindi ko sure...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN