Alma Moreno decides to separate from husband Mayor Fahad "Pre" Salic

Aminado ang actress-politician na si Alma Moreno na, bukod sa pagiging malayo nila sa isa’t isa, ang dahilan kung bakit humantong sa hiwalayan ang pagsasama nila ng asawang si Mayor Fahad "Pre" Salic ay dahil sa kawalan nila ng komunikasyon.


Ngayon lamang nagsalita ang actress turned politician na si Alma Moreno tungkol sa matagal nang napapabalitang pakikipaghiwalay niya sa asawang si Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic ng Marawi City.

Sa exclusive interview ng Startalk kay Alma, na ginanap sa Century Park Sheraton kahapon, January 8, sumabay ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang kumpirmahin ang tungkol sa tunay na estado ng pagsasama nilang mag-asawa.

Kapansin-pansing “Alma Moreno” na ang gamit ng konsehala ng Parañaque, at tinanggal na ang “Salic” sa kanyang apelyido.

Pahayag ni Alma, “Actually, gamit ko ngayon, Alma Moreno.

“Kasi, dun naman talaga ako kilala—Alma Moreno.

“Sa buhay ko ngayon, tinatanong mo, hindi ko kasi masabi kung hiwalay o hindi.

“Kasi masasabi ko lang na hiwalay… kasi sa Muslim rites, may divorce, and kasal din kasi kami sa civil.

“So, yun ‘yon, e.

“Hangga’t hindi naaayos yun, siyempre hindi pa rin ako single.

“Pero kung sabihin mo magkahiwalay, nandun siya sa Marawi.”



DIVORCE AND ANNULMENT. Ikinasal sina Alma at Mayor Salic noong March 21, 2009, sa Cebu City.

Tinanong namin si Alma kung balak na ba niyang ayusin ang divorce sa Muslim rites nila at ang annulment sa kanilang civil wedding para maging single na siya muli.

Sagot niya, “Sa ngayon, hindi ko pa iniisip, e.

“Kasi sa dami ng work ko... dito na ako, e, trabaho na muna.

“Unahin ko muna yun kesa unahin ko yung iba.

“Okay naman kasi ako, e, kahit sabihin mo… dahil wala naman akong plano na meron pang iba.

“So, ang pinakasalan ko, trabaho ko ngayon…

“Ang love ko—number one ang mga anak ko—work.”

Tumanggi si Alma na idetalye ang tungkol sa hiwalayan nila ni Mayor Salic, dahil hindi naman daw niya mailahad lahat kung ano talaga ang dahilan at kung ano ang totoong problema.

Ngunit sa patuloy na pakikipag-usap ng PEP kay Alma, naging emosyunal na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit halatang mayroon pa siyang itinatago, sinabi ng dating sexy star na itutuloy niya ang pakikipaghiwalay dahil halos isang taon na pala silang hindi nagkakausap ng asawa.

“Yung totoo lang, hindi ko siya nakausap.

“Kasi, ang alam ko, hindi siya papayag siguro.

“Basta matagal na kaming hindi nag-uusap.

“May mga ibang tao na lumalapit, ganun. Pero iba kasi kung siya, e.

“Hindi ko alam kung may dahilan din.

“Pero alam ko naman na wala, e… at hindi kami magkagalit na ano, e… wala kaming away.

“Siguro nagkaano lang talaga kasi malayo siya, e.”

DIFFICULT DECISION. Tuluyan nang lumuha si Alma nang inamin niyang nahirapan siya na umabot sa desisyong ayusin na ang legal na hiwalayan ni Mayor Salic.

Pero kailangan na raw niya itong gawin.

Hindi rin itinanggi ng actress-politician na hindi pa niya lubos maintindihan kung ano ang nasa kultura ng kanyang asawa.

Naiiyak niyang sabi, “Siguro dahil ipinagdasal ko din yun, e.

“May mga pagkakataon na, siyempre, nahihirapan din ako.

“Mamimili ka o ano, e, dumating na ako sa ganun.

“Hindi ko mapaliwanag kasi mahirap itong desisyon kong ito.

“Napakahirap, napakasakit.

“Kasi akala mo, tama na ‘to, akala mo kaya mo na. Maa-adjust mo lahat.

“Nandun siya sa malayo, akala mo magagawan mo ng paraan.

“Hindi, e.”

Hindi naman daw niya puwedeng ipagpalit ang trabaho niya sa Parañaque at ang mga anak niya, para makasama ang kanyang asawa sa Marawi.

Pero iba raw pala talaga kung magkalayo ang mag-asawa.

“Mahirap ang relasyon na sobrang magkalayo kayo.

“Wala naman akong masasabi sa kanya, okay naman siya.

“Kaya lang, yung super-layo, yung time.

“Ako naman, hindi ko puwedeng pabayaan ang work ko as councilor ng Parañaque.

“Hindi naman puwedeng kasama rin niya ako, na laging nakatabi sa kanya.

“Na kung saan siya, nandun ako, hindi puwede yun.

“Maipagpapalit mo yung work mo kung may nakikita ka rin na… naintindihan mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap sabihin ang sitwasyon ko, e.”



UNDERSTANDING CHILDREN. Malaki ang pasasalamat ni Alma sa kanyang mga anak na nakasuporta sa kabila ng pinagdadaanan niya.

Kahit hindi nagtatanong ang iba niyang anak, kagaya ni Winwyn Marquez, alam ng mga itong may pinagdadaanan ang kanilang ina, kaya kinausap ni Alma ang mga ito.

“Ang mga anak ko, si Yeoj, si Vandolph, si Winwyn… wala akong nililihim sa mga anak ko, e.

“Every day, alam nila kung ano’ng nangyayari sa akin.

“Pero ang nagpapalakas ng loob ko, naiintindihan nila ako,” sabi ni Alma.

Ayaw lang daw ni Alma na makialam ang mga anak niya sa problema nilang mag-asawa.

“Ang bilin ko lang sa mga anak ko, yung respeto lang nila.

“Kasi minahal na nila si Uncle nila, e.

“Mabait naman kasi, mabait siya.

“Sa mga anak ko, mabait siya, walang problema.

“Yung respeto nila, nandun.

“Sabi ko, ‘In case na makita niyo…’ love naman nila ang uncle nila, e.

“So, huwag silang dumamay sa nararamdaman ko ngayon.”

Dagdag pa ni Alma, “Sobrang pasasalamat ko sa mga anak ko.

“Nagpapasalamat ako, kasi ang mga anak ko, minahal niya, sinuportahan niya, ako, maski papa’no.

“Mabait siya, siguro may mga dahilan kung bakit ganun.

“O dahil sa kultura namin siguro.

“Parang… ewan ko, hindi ko mapaliwanag, so iniisip ko ganun na lang.”



ALMA’S DAUGHTER. Ipinakilala rin ni Alma sa amin ang anak nila ni Mayor Salic na si Alfah, tatlong taong gulang.

Gamit daw ng bata ang apelyido ng ama, at hindi naman daw nagpapabaya si Mayor Salic pagdating sa suporta.

Ayon kay Alma, kung sakaling asikasuhin na nila ang divorce, isa sa gusto niyang maayos ang tungkol sa kanilang anak.

“Ako kasi, tahimik na lang.

“Hanggang kaya, bakit hindi?

“Kahit meron kaming Alfah, may baby ako—si Alfah.

“Okay na rin, basta importante, kaya namin sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman niya pinababayaan ang kanyang anak.”

Hindi lang masabi ni Alam kung kailan nila ito maayos dahil hanggang ngayon ay hindi naman nakikipag-usap sa kanya si Mayor Salic.

Ayaw naman daw umasa pa ni Alma na darating ang araw na magpakita at makipag-usap sa kanya si Mayor Salic para ayusin na ang lahat.

Pahayag niya, “Ako kasi… .pag naghihintay ka, masakit sa akin, e.

“Kasi hintay ka nang hintay, tapos wala… mas masakit sa akin.

“Siguro kakayanin ko, mas maganda na mag-usap nang maayos.

“Palagay ko kasi, alam ko alam niya kung ano’ng nangyayari sa akin, e.”

Sabi pa ni Alma, “Ang hirap, kasi hindi ko alam kasi kung ganun ba talaga sa kultura nila. Iba, e.

“Sa akin naman… kasi ako, mas sanay na tinatawagan, kinakausap.

“Parang iba yata sa kanila, parang ganun.”

Ngunit desidido na raw si Alma na makipaghiwalay at pag-usapan ang lahat ng dapat ayusin.

Aniya, “Darating din siguro dun. May time dun, may panahon dun.

“Iba yung mag-usap kami, magpakita siya.

“Number one sa akin, prayers, e. Ipinagdasal ko na sana maayos lang lahat.

“Maayos, mapag-usapan… saka may baby kami. Kaya yun na yun.

“Hinihintay ko ang sarili ko na ready na ako na gawin ko ang dapat kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN