Marian Rivera wins Best Foreign Artist in Vietnam

Lubos-lubos ang pasasalamat ng aktres na si Marian Rivera sa kanyang Vietnamese fans dahil sa mainit na pagtangkilik sa kanya at pagkakahirang bilang Best Foreign Artist ng taunang Face of the Year Awards sa Vietnam na ginanap kahapon, January 8, 2014.


Nag-post si Marian Rivera sa kanyang Instagram account (@therealmarian) ng pasasalamat sa pagkakahirang sa kanya bilang Best Foreign Artist of the Year, sa Face of the Year 2014 Awards ng Today TV, sa Vietnam.

Ang award na ibinigay kay Marian ay ginawa sa pamamagitan ng botohan.

Sa nasabing post ni Marian ngayong araw, January 9, pinasalamatan ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang fans sa Vietnam dahil sa karangalang ibinigay sa kanya.

Aniya pa, mahalaga para sa kanya ang pagtangkilik ng Vietnamese fans sa trabaho niya.

Narito ang buong caption ng post ng aktres:

“My most gracious thanks to the Vietnamese audience for giving me the honor of being your Best Foreign Artist of the Year. It means so much to me that the Vietnamese have enjoyed my performances and my work. I will always strive to be even better to deserve your support. Hen Gap Cac ban... To I - Yu Cac Ban Vietnam.”

December 2013 pa lamang ay naiulat na sa local news sites ang tungkol sa pagkakahirang kay Marian bilang Best Foreign Artist of the Year.

Ang Today TV mismo ang tumawag sa kampo ng aktres tungkol sa kanyang karangalan.

Ngunit hindi nakarating si Marian sa awarding ceremony kahapon, January 8, dahil abala ang Kapuso actress sa taping ng kanyang upcoming primetime teleserye sa GMA—ang Carmela.

Nag-text ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa business manager ni Marian na si Rams David ngayong hapon upang hingan ng karagdagang impormasyon.

Ayon kay Rams, nag-tape sila ng acceptance speech ni Marian na ipinalabas noong awarding ceremony.

FAMOUS IN VIETNAM. Matatandaang lumipad si Marian sa Vietnam noong November 2013 dahil na rin sa imbitasyon ng Today TV, na nagpapalabas ng kanyang mga teleserye doon.

Noong mga panahong iyon ay dalawang teleserye ni Marian ang ipinapalabas sa Vietnam—Dyesebel at Temptation of Wife.

Sa isang panayam, sinabi ni Marian na hindi niya inasahan ang napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga Vietnamese.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas din ang mga larawan at videos sa social media na nagpapakita kung paano pinagkaguluhan ang Kapuso actress nang dumating siya sa airport sa Vietnam.

Sabi ni Marian, “Hindi ko ini-expect, yung sa airport pa lang, ang dami ng tao!

"Basta, nandoon sila, mga Vietnamese lahat, mga locals silang lahat.

"May mga banner, sobrang unexpected.”

Read: Marian Rivera hesitant to talk about Vietnam visit: “Para naman kasi akong nagbubuhat ng sarili kong bangko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN