Cristine Reyes still loveless after breakup with Derek Ramsay

Cristine Reyes on being part of Honesto: “Happy ako kasi napapanood nila ako every night. ’Nurse Marie’ ang tawag nila sa akin o kaya naman ’Marie.’ Nakakatuwa, kasi ibig sabihin, nanonood sila, tumatatak sa kanila yung character ko.”


Bagamat nauwi sa breakup ang wala pang isang buwan nilang relasyon ni Derek Ramsay noong 2013, masasabi ni Cristine Reyes na naging maganda at mabunga ang nakaraang taon para sa kanya.

Saad ng Kapamilya star, “Parang feeling ko, parang blessed na blessed.

“Kasi 2013 yung napakaraming trabaho, naging okay kami ng family ko.

“And wala naman akong masabi na di maganda, except lang sa buong Pilipinas sa nangyari—sa Yolanda.

“So far, yun lang siguro.

“Hindi ko naman maku-consider na di okay ang 2013 ko, kasi wala naman akong nakitang highlight na hanggang ngayon, dala-dala ko.

“Wala naman akong dadalhin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa ASAP noong Linggo, January 5.

Simple lang daw ang naging pagdiriwang ng kanilang pamilya noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Sabi ni Cristine, “Bahay lang kami, buong pamilya.

“Happy kami kahit sa bahay lang.

“Hindi ganun kabongga ang handa, pero happy naman kami.”



STILL FRIENDS. Ikinuwento rin ni Cristine sa PEP na binati siya ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay noong New Year.

“Oo naman, nag-aasaran pa kami.

“Sabi niya, ‘Happy New Year!’

“Sabi ko sa kanya, ‘Sad New Year to you!’

“Wala, nag-aasaran lang kami.

“Ganun pa rin ang friendship namin ni Derek, which is ganun naman talaga ang gusto naming mangyari.”

Sa ngayon ay may mga nanliligaw naman kay Cristine, pero wala pa raw nagpapatibok muli ng kanyang puso.

“Wala naman akong time para makipag-date.

“Kasi kung may time naman ako para makipag-date, ide-date ko na lang muna ang mga pamangkin ko.

“Parang di muna ako para dun.

“Wala pa, wala pang nagpapatibok.

“Kung mayroon namang nagpapatibok, why not?

“Hindi naman sa huwag muna ngayon, kaso wala.”



HONESTO. Samantala, masaya si Cristine na bahagi siya ng toprating ABS-CBN primetime series na Honesto.

Sabi niya, “Kahit di man ako kasama sa simula, naging part ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako kasi napapanood nila ako every night.

“’Nurse Marie’ ang tawag nila sa akin o kaya naman ’Marie.’

“Nakakatuwa, kasi ibig sabihin, nanonood sila, tumatatak sa kanila yung character ko.”

Bukod sa Honesto ay dalawang pelikula ang tinatapos ni Cristine.

“Ayun, resume kami uli agad nila Direk Andoy [Ranay], Derek, Heart [Evangelista], and John Estrada for Trophy Wife.

“Magre-resume na rin kami for Gifted with Anne [Curtis] and Sam Milby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN