Paulo Avelino stars in new primetime series; ignores favoritism issue

Simula Pebrero, rorolyo na ang kamera para sa bagong teleserye ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, kung saan kasama si Paulo Avelino. Kasalukuyang umeere pa rin ang Honesto, na kinabibilangan din si Paulo, kaya naman hindi maiwasang may magkomento na tila paborito yata ng network executives ang aktor.

Depensa niya dito, “Well, hindi naman siguro… I think, kumbaga kung ano man yung estado ko ngayon, pinagtrabahuan


Kahit umeere pa ang Honesto, may panibagong proyekto muli si Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Isa siya sa magiging leading men ni Bea Alonzo sa primetime series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Sabi ng aktor tungkol dito, “I feel very blessed this year. Hindi ko rin ini-expect na kahit ongoing pa yung isa, magkaka-project ako kaagad.”

Hindi kaya maging isyu sa ibang artista ng Kapamilya network ang pagkakaroon niya ng magkasabay na proyekto?

Saad ng 25-year-old actor, “Well, hindi naman siguro…

"I think, kumbaga, kung ano man yung estado ko ngayon, pinagtrabahuhan ko rin naman… pinagtrabahuhan at pinaghirapan ko rin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Paulo sa presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon kahapon, January 9, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Paano inaalagaan ni Paulo ang blessings na dumarating sa kanya?

Tugon niya, “May mga dahilan din naman ako kung bakit kailangan kong magtrabaho at magpursigi.

"Para makaipon and kumbaga… mahal ko rin naman ‘tong ginagawa ko.

“Kapag mahal mo ang ginagawa mo at nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo at nag-e-enjoy ka sa trabaho mo, parang kahit siguro araw-araw, puwede kang magtrabaho.

“Kasi, parang hindi na siya trabaho, just part of your daily work or parang nagpo-flow lang siya… just a brilliant thing.”

ON KC CONCEPCION. Nobyembre ng nakaraang taon nang aminin nina Paulo at KC Concepcion na nagdi-date sila.

Sa mga naunang panayam kay Paulo, matipid lagi ang sagot nito tungkol kay KC, na naospital ng apat na araw dahil sa pneumonia.

Dahil sa pagkakaospital ni KC, naitanong kay Paulo kung paano niya inaalagaan ang kanyang kalusugan ngayon.

Natatawang sagot nito, “Ayan, to take care of my health… now na siguro na every day I’ll be working non-stop...

"I mean, maingat naman po ako sa health ko ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from eating healthy food, kumpleto rin ako sa supplements and vitamins, para siguradong hindi ako magkakasakit at walang bumigay sa katawan ko.”

Dinalaw ba niya sa ospital si KC?

“Yeah, I did. I did visit her,” pag-amin ni Paulo.

Paano siya magkakaroon ng panahon para kay KC ngayong sobrang abala siya sa kaliwa’t kanang trabaho?

Napahalakhak si Paulo nang marinig ang tanong.

Pero aniya, “Well, ayun nga, since Feb, I’ll be very busy, so tingnan natin.”

Ano na ba ang lagay ng kanilang samahan?

“The same—dating,” sagot ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN