Dennis Padilla saddened by Raymart Santiago and Claudine Barretto marriage breakdown

Dennis Padilla on Barretto family feud: “Ang pinakamaganda diyan, mag-usap, tapos magpatawaran. Kung sino ang nakagawa ng kasalanan, mag-sorry. Tapos, matutuhang tanggapin... kung may nag-a-apologize sa iyo, may nagso-sorry sa iyo, tanggapin.”


Bagamat matagal nang hiwalay ang comedian na si Dennis Padilla sa aktres na si Marjorie Barretto, may bigkis pa ring nagtatali sa kanila dahil sa tatlo nilang anak.

Dahil dito kaya hindi maiwasang tanungin pa rin si Dennis tungkol sa alitan ng pamilya Barretto—mula sa mga magulang na sina Inday at Mike, at mga anak na sina Gretchen, J.J., Marjorie, at Claudine.

Sabi ni Dennis, “Ang akin, mas magandang i-settle ‘yan out of court.

“Ang pinakamaganda diyan, mag-usap, tapos magpatawaran.

“Kung sino ang nakagawa ng kasalanan, mag-sorry.

“Tapos, matutuhang tanggapin... kung may nag-a-apologize sa iyo, may nagso-sorry sa iyo, tanggapin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng pelikulang Bride For Rent noong Martes, January 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



RAYMART-CLAUDINE. Isa rin daw si Dennis sa nalungkot sa paghihiwalay ng sister-in-law niyang si Claudine Barretto at ng kaibigan niyang si Raymart Santiago.

Aniya, “Nakakalungkot din, kasi nung nabalitaan ko na naghiwalay na rin si Raymart at saka si Claudine, malungkot yun.

“Si Raymart, parang kapatid ko yun.

“Si Randy [Santiago, kapatid ni Raymart], kaibigan ko na since 1987.

“Can you imagine kung gaano kaliit pa si Raymart nung 1987?

“So, parang kapatid ko ‘yan.

“Asawa ko naman nun si Marjorie… si Claudine, bata rin nun.

“There was one time, nung bago pa lang kami ni Marjorie, siguro 1996 or ‘97, tumira pa sa amin si Claudine.

“Mga isang taon na nakatira sa amin yun.”

Patuloy ni Dennis, “Siyempre, malungkot para sa akin, kasi sila Raymart and Claudine, parang mga kapatid ko talaga ang mga ‘yan.

“Sa totong buhay, parang kapatid ko ang mga ‘yan.

“Kaya nung nalaman ko na hiwalay na sila, nalungkot ako.

“Pero sabi ko, ganun talaga, e.

“Minsan mayroon tayong mga gustong goal sa buhay na hindi natutupad… parang sa akin.

“Sino ba ang magsasabi na maghihiawalay pa kami [ni Marjorie] after fourteen years with three beautiful children?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit, mahirap yun.

“Sabi ko nga sa mga interviews ko, it’s very difficult na mahiwalay sa asawa.

“Pero times ten ang mas masakit na mahiwalay ka sa mga anak mo.

“Ang liliit pa ng mga anak nila [Raymart and Claudine].

“Kailangang ma-settle na lang out of court at mapag-usapan na lang sa personal.”



JULIA BARRETTO. Ngayong nasa showbiz na rin ang isa sa mga anak nina Dennis at Marjorie na si Julia Barretto, hindi maiwasang mahingan ito ng saloobin sa masalimuot na pinagdadadaanan ng kanilang pamilya.

Kampante naman si Dennis na kayang itong i-handle ng 16-anyos na anak.

“Hindi, hindi naapektuhan si Julia, alam niya kung paano i-handle.

“Sabi nga ni Julia, ‘Ayokong mag-comment tungkol dun sa mga nangyayari sa mga matatanda.’

“Tapos, sabi ko nga sa kanya, concentrate na lang siya sa work niya at sa studies niya.

“Matalino naman yun, magaling ngang sumagot.

“Maliit pa yun, matalino na.”

Ayon pa kay Dennis, bukas lagi ang komunikasyon niya sa kanyang mga anak, sa kabila na hindi pa rin sila nag-uusap ni Marjorie hanggang ngayon.

“Okay naman, mas madalas kong makasama si Clauie saka si Leon kaysa kay Julia.

“Si Julia kasi, sunud-sunod ang taping, tapos twice a week ang workshop.

“Tapos, may school pa siya ng twice a week sa St. Paul Pasig.

“Kung magkita kami, siguro once in two weeks.

“Si Julia na ang gumagawa ng schedule, so tinatanong ko sa kanya kung anong araw siya malilibre.

“Kung anong araw na malilibre siya, dun ko sinu-shoot yung schedule ko rin.

“Kung saan siya libreng lumabas… mag-dinner o mag-lunch.

“Pag tumatawag kasi ako para mag-schedule, para makita ang mga bata, si Julia na mismo ang tinatawagan ko.

“Tapos sinasabi ko sa kanya, ‘Julia, pakisabi kay Leon o kay Clauie kung kailan kayo puwede.’

“Pag di siya puwede, sinasabi niya sa akin, ‘Pa, di ako puwedeng makipagkita ngayon… si Clauie saka si Leon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, directly, dun na ako sa mga bata nakikipag-usap.”

Tungkol naman kay Marjorie, sabi ni Dennis, “Wala kaming contact, we don’t talk.

“Matagal na, years na rin kaming hindi nag-uusap.

“Actually, nagkita lang kami nung graduation ni Julia, nung graduation ni Clauie.

“So, every graduation ng mga anak namin, dun lang kami nagkikita.

“Pero hindi rin naman kami nag-uusap. Tanguan lang.”



PAPA DENNIS. Ayon kay Dennis, hindi nalalayo ang role niya sa Bride For Rent sa totoong buhay.

“Anak ko si Kim [Chiu], si Lloyd Zaragoza, saka si Matt [Evans].

“Ganun din, kung ano ang role ko sa totoong buhay, yun ang role ko dito.

“Sa totoong buhay, ang dami kong anak.

“Dito [sa pelikula], ang mga anak ko, iisa lang ang nanay.

“Sa totoong buhay, ang mga anak ko, Part 1, Part 2, Part 3.

“Sa una kong asawa, isang 22 years old saka isang 21, na parehong graduate na ng college.

“Tapos yung kay Marjorie, I have one stepdaughter, si Dani. Tapos si Julia, si Clauie, tapos si Leon. Yun ang bunso namin, ten years old.

“Tapos mayroon akong bunso ngayon sa bago kong asawa. Mayroon akong one and four months na baby boy, si Gavin Simeon,” banggit ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN