Zanjoe Marudo on Bea Alonzo: "Natagpuan ko na kay Bea ang babaeng gusto kong makasama kahit araw-araw."

Isang dahilan kung bakit nananatiling maganda ang relasyon nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo ay dahil itinuturing din nila ang isa’t isa bilang kaibigan. Saad ni Zanjoe, "Kasi minsan, kailangan mong makinig as kaibigan, e—hindi as boyfriend. Pag may sinasabi sa iyo ang tao, kunwari may problema o kailangang pag-usapan, minsan, kailangang magkaibigan yung usapan ninyo. Mas hindi kayo nagtatalo. Mas naiintindihan ninyo ang isa’t isa."


Balik-trabaho na si Zanjoe Marudo matapos ang dalawang linggong bakasyon nila ng kasintahang si Bea Alonzo sa Europe nitong nakaraang Holiday season.

Dalawa ang shows ngayon ni Zanjoe sa ABS-CBN—ang drama series na Annaliza at ang gag show na Banana Split.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zanjoe sa ABS-CBN compound noong Martes, January 7, sinabi nitong naging masaya ang bakasyon nila ni Bea at nakapagpahinga naman siya.

Yun nga lang, medyo bitin si Zanjoe sa Europe tour nila dahil London at Scotland lang ang napuntahan nila.

Kuwento pa niya sa kanilang pagliliwaliw, “Nanood lang kami ng musicals saka ng play.

"Mineet namin si Kris [Aquino] and yung family niya [Joshua and Bimby].”

Hindi masasabing tradisyon, pero usapan daw nila ni Bea na mag-travel para makapagbakasyon naman silang dalawa.

“Si Bea, gusto talaga niya magpahinga.

"Pag may bakante, mag-travel, e.

"So, kahit paano, ginagawan talaga namin ng paraan.

“Hangga’t maaari, laging ganun.

"Tapos, kasama yung pamilya. Kasi last year, kasama namin yung pamilya niya, nag-Hong Kong naman.

“Pero as much as possible, sinisiguro namin na yung mga pami-pamilya namin, kasama namin tuwing Pasko.

"Tapos, pag New Year, kami namang dalawa.”

SMOOTH SAILING. Magta-tatlong taon na ang relasyon nina Zanjoe at Bea bilang magkasintahan, ngunit nananatiling smooth sailing ang kanilang samahan.

Sabi ni Zanjoe tungkol dito, “Siguro dahil mas nagsimula kaming magkaibigan.

"So, hindi nawawala yung friendship kahit magkarelasyon kami.

“Yung pagiging barkada namin, maganda rin.

"Di ba, pag ganun ang relationship ninyo, mas nagkakaintindihan kayo, mas nauunawaan ninyo ang isa’t isa?”

Hindi naman itinatanggi ni Zanjoe na may mga biruang barkadahan sila ni Bea. Importante raw ito sa relasyon.

Paliwanag niya, “Kasi minsan, kailangan mong makinig as kaibigan, e—hindi as boyfriend.

"Pag may sinasabi sa iyo ang tao, kunwari may problema o kailangang pag-usapan, minsan, kailangang magkaibigan yung usapan ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas hindi kayo nagtatalo. Mas naiintindihan ninyo ang isa’t isa.

"Hindi yung kailangan laging kakampihan mo.

“Minsan, kailangan mo ring kontrahin, kasi iba-iba ang pananaw.”

Paano nila inihihiwalay ang pagkakaibigan sa relasyon kapag kailangan sa sitwasyon?

Ayon kay Zanjoe, “Siguro depende sa topic or sa isyu kung ano pag-uusapan.

"Kung hindi naman tungkol sa amin at sa ibang bagay, doon lumalabas yung pagiging friend ka sa kanya.

“Pero pag tungkol sa inyong dalawa, nandun yung pagiging magkarelasyon ninyo.”

WEDDING AND HAVING KIDS. Hindi pa ba talaga nila napag-uusapan ni Bea ang kasal?

“Hindi, e," sagot ng 31-year-old actor.

"Kasi pag ganyan, sa topic na ’yan, ilag pa kami dahil bata pa.

"At siguro hindi pa talaga ready. Mahirap namang madaliin.”

May mga nakakapansing tila handa nang maging ama si Zanjoe dahil sa pagkakaroon niya ng attachment sa co-star niya sa Annaliza na si Andrea Brillantes.

Madalas daw kasing nakikita si Zanjoe na kasa-kasama niya ang child actress, at kahit sa mga lakaran nila ni Bea ay karay-karay nila ito.

Tila sumasang-ayon namang pahayag ni Zanjoe, “Actually, para na nga akong tatay nung bata.

"Pag walang trabaho [si Bea], kasama namin siya.

“Sobrang sweet sa amin nung bata. Itinuturing niya akong tatay.

"Tapos minsan, pag wala ako, imi-meet niya si Ate Bea niya.

"Ganun din silang ka-close ni Bea.”

Handa na ba siya maging ama?

Sagot ni Zanjoe, “Siguro ano... hindi ko naman sinadya, e.

"Nagkataon lang na nagkaroon ako ng ganitong show at naging close ako sa isang bata.

“Hindi lang naman sa kanya, lahat naman ng bata doon [Annaliza], close ako. Siguro nangyari na lang.

"Emotionally, parang nagugustuhan ko, ready na ako.

"Pero siguro yung time, hindi pa tama.

“Siguro maganda rin yung nangyayari na ganito, na binigyan muna ako ng ganitong bata, kasi dahil hindi pa puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least, meron akong parang ano... alagaan.”

Ano ba ang gusto munang matupad ni Zanjoe para pagkatapos nito ay ang pagkakaroon naman ng sariling pamilya ang harapin niya?

“Simple lang naman ang gusto ko, e.

"Pag dumating yung puntong ready na si Bea, ready na ako.

"Ready na kami pareho at wala na kaming ibang iniisip na makakaapekto sa career at kung saan man.

"At wala namang pamilyang tumututol.

"So, hindi naman magiging mahirap sigurado sa amin pareho.”

Ibig bang sabihin nito, si Bea na talaga ang gusto niya pakasalan?

“Siyempre naman, wala na akong ibang iniisip na ibang babae sa utak ko.

"Para sa akin naman, wala na akong ibang hahanapin.

“Kumbaga, natagpuan ko na kay Bea ang babaeng gusto ko nang... kaya kong makasama kahit araw-araw.”

PLANS FOR 2014. Ano ba ang mga plano nila ni Bea sa 2014?

“A, yun nga, siguro excited kami pareho dahil maraming magagandang nakaabang sa amin.

"Lalo na sa kanya, dahil meron siyang bagong teleserye [Sana Bukas Pa Ang Kahapon].

"Ako naman, may gagawing bagong movie.

“Hindi pa naman confirmed, pero comedy uli sa Star Cinema. Follow-up uli nung Bromance."

Kailan naman sila ulit magsasama ni Bea sa isang pelikula?

Una silang nagkasama sa 24/7 In Love (2012).

"Ay, hindi ko alam," sabi ni Zanjoe.

"Hindi naman namin iniisip yun.

"Wala naman sa plano namin na, ’Sana magkasama tayo sa isang project. Sana magkasama tayo sa ganitong movie.’

“Kasi ayaw rin naming ihalo sa trabaho yung personal.

"Gusto namin may kanya-kanya kaming career. Kanya-kanya kaming ginagawa.

"Kaya kapag nagkikita kami, meron kaming pinag-uusapang dalawa pag nagkukuwentuhan kami.”

ANNALIZA. Nabanggit din ni Zanjoe na maganda ang pasok sa kanya ng 2014 dahil maganda ang ratings ng Annaliza.

Hinabaan ang pagpapalabas nito sa ere na posibleng umabot pa raw sa buwan ng Mayo. Pag nagkataon, isang taon na sa ere ang Annaliza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa paniniwala ni Zanjoe, malaki ang tulong ng mga tao sa likod ng Annaliza para magkaroon ito ng mataas na rating at magkaroon ng maraming followers.

“Siguro, yun din ang maganda sa show na hindi ganun kalaki yung ini-expect ng tao, tapos maganda yung mangyayari.

“Siguro dahil din sa mga tao sa likod ng kamera, yung creative, yung director, yung production team, kasi nga tinutukan nila itong show.

“Yung mga bata sa show, yun din ang nagdala ng magandang story.”

Ipinagmamalaki rin ni Zanjoe na anim na taon nang bumabandera sa ere ang Banana Split.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN