Pooh happy about reconciliation of Angelica Panganiban and Melai Cantiveros

Ikinatutuwa ni Pooh ang pagkakaayos ng mga kaibigan at kasamahan niya sa Banana Split na sina Angelica Panganiban at Melai Cantiveros. Sabi ni Pooh, "Pinapatunayan lang na magkakaibigan talaga at may patawaran. May naghihingi ng ano… may pagpapasensiya, pagpapakumbaba, ganoon. Kasi, kahit saan, at saan man, kami-kami pa rin."


Natutuwa ang komedyanteng si Pooh sa pagkakaayos ng mga kasamahan niya sa Banan Split na sina Angelica Panganiban at Melai Cantiveros.

Matatandaang nagkatampuhan ang dalawa dahil sa naging pahayag ni Angelica tungkol sa kakayahan ni Jason Francisco, mister ni Melai, na bumuhay ng pamilya.

Ngunit ilang araw pagkatapos ikasal nina Jason at Melai sa General Santos City noong December 9, sinabi ni Jason na humingi ng paumanhin sa kanya si Angelica.

Read: Jason Francisco reveals Angelica Panganiban apologized to him

Sabi ni Pooh tungkol dito, "Bilang ordinaryong tao, magandang nangyari yun.

“Pinapatunayan lang na magkakaibigan talaga at may patawaran.

“May naghihingi ng ano… may pagpapasensiya, pagpapakumbaba, ganoon.

“Kasi, kahit saan, at saan man, kami-kami pa rin."

In a way, naapektuhan din si Pooh nang magkagalit-galit ang mga kasamahan niya sa Banana Nite.

Bukod kina Angelica at Melai, nagkaroon din ng alitan sina Jason at John Prats.

Silently, nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sina Pooh at Melai.

Nagkaayos na rin ba sila ni Melai?

Kuwento ni Pooh, "Nag-text din ako kay Melai.

“May friend kasi ako na may birthday noong December 25.

“So, ang babatiin ko, yung friend ko muna.

“Bago yun, hiningi ko muna kay Angelica yung number ni Melai.

“Kasi, wala nga yung number na nag-a-appear. Tapos, ang nasa isip ko, yung friend ko.

“So, binati ko, ’Happy birthday, ’Nak. Sana maligaya ka ngayong Christmas,’ ganoon.

"Maya-maya, nag-reply, number.

“Sabi ko sa sarili ko, ’Bakit number?’

“Sabi niya, ’Kuya Pooooh, Christmas ngayon, hindi ko birthday.’

"Sabi ko, ’Sandali, sino ba ’to?’

“’Si Melai po.’

“’Ay! Naku, ’nak, pasensiya na! Isusunod na kita na babatiin.’

"Nagkamali-mali lang ng nasa isip ko.

“Ayun, nagkapalitan na kami ng text messages.

“Sabi ko, ’Kumusta na?’ ganoon-ganoon.

“Ayun, okey naman.”

Kasunod na kaya nito ang pagbabati naman nina Jason at John?

Sabi ni Pooh, "Si John Prats, sunod sa agos lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag okey-okey na kami, e, okey na rin ’yan."

Hopefully, bago makapanganak si Melai ay magkabati na raw sina Jason at John.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pooh sa ABS-CBN compound habang dinner break sa taping ng gag show nilang Banana Nite.



BACK TO WORK. Back to work si Pooh pagkatapos magkasakit noong Pasko.

Na-confine siya sa ospital simula December 25 hanggang 27.

Sabi niya sa PEP, "Ano raw, e, acute tonsilitis.

“Saka yung gout, pangmatanda… ay, pang-bagets!”

Sa palagay ni Pooh ay nagkasakit siya dahil sa ilang linggong pagsu-show abroad.

Kuwento niya, "Nag-show kami sa Europe nung last week of November hanggang first week ng December.

“Una sa Milan with Aiza [Seguerra].

“Tapos, sa London naman, kami nina Piolo [Pascual], Shaina [Magdayao], Papa Chen [Richard Yap], tapos ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN