KC Concepcion pursues plan to study abroad

“I realized there’s SO MUCH more I can still learn about this industry,” says KC Concepcion about her plan to study abroad. The actress will enroll in short courses for professional development this first quarter of 2014.


Isasakatuparan na ni KC Concepcion ang balak niyang muling pag-aaral sa ibang bansa.

Inanunsiyo ni KC sa personal account niya sa Twitter noong Miyerkules, January 8, ang planong pag-aaral ngayong first quarter ng 2014.

Kasabay nito ang pagsasabi sa kanyang fans na hindi siya ang gaganap na Dyesebel.

Sa halip, ito ay gagampanan ng kapwa niya Kapamilya actress na si Anne Curtis.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay KC noong December, nabanggit niya na gusto niyang mag-enroll sa isang acting workshop ngayong taon bilang regalo sa kanyang sarili.

Read: KC Concepcion showcases martial arts prowess in Boy Golden: Shoot-To-Kill

Sabi niya, โ€œSiguro mag-aaral ako sa New York for a few months.

"Wala lang, parang siguro mga two weeks na course, like, acting workshop.โ€

Nabanggit din ni KC na naipagpaalam na niya sa kanyang talent management, ang Viva Artists Agency, ang tungkol sa plano niyang ito.

โ€œSabi ko, mag-vacation lang ako for a while.

"Parang si Sarah [Geronimo], di ba, nag-dance siya at sa nag-voice [workshops]?โ€

Sa kanyang Twitter, sinabi ng Kapamilya actress sa kanyang followers na kukuha siya ng short courses for professional development.

Ipinaliwanag din ni KC na bukod sa patuloy na paglinang ng kanyang kakayahan, gusto rin niyang gumawa ng bago para sa sarili.

Sa kabila ng anunsiyong ito, siniguro naman ni KC ang kanyang fans na, โ€œIโ€™m still a Kapamilya & will be back!๐Ÿ’œโ€

Huling napanood sa telebisyon ang 28-year-old actress sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, na pinagbidahan din nina Judy Ann Santos at Sam Milby.

Ang pinakahuling proyekto naman niya ay ang 2013 Metro Manila Film Festival entry na Boy Golden: The Arturo Porcuna Story.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN