Bianca Gonzalez reveals helping ex-boyfriend Lino Cayetano in wooing his wife

Bianca Gonzalez on ex-boyfriend Lino Cayetano: "Isang blessing yung relationship na yun sa akin, and I became super close to the family. Parang incest na nga kapag iniisip ko na we were actually together, because I’m really like an adopted sister to them."


Bago pa man maisapubliko ang engagement at pagpapakasal ng director-politician na si Lino Cayetano sa dating Ateneo volleyball player na si Fille Cainglet noong December 2013, alam na raw ni Bianca Gonzalez ang tungkol dito.

Si Bianca ay ex-girlfriend ni Lino, ngunit nanatiling magkaibigan ang dalawa kahit nag-break na sila.

Kuwento ni Bianca, “I knew beforehand.

“It wasn’t really instant, although it was a whirlwind romance.

“I knew their relationship early on, kasi nga, we’re in touch, and I’m super close pa rin with the family.

“And then, wala, for me kasi, siguro there comes a point in a guy’s life na sakto para sa ‘yo.

“And I think, they are super-bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Bianca sa presscon ng Women’s Health January 2014 issue, kung saan siya ang cover, noong January 7.

Kahit malapit pa rin siya sa pamilya ni Lino, wala raw siya sa mismong kasal ng dating kasintahan.

Imbitado ba siya, pero hindi lang nakarating?

Sabi ni Bianca, “Actually, no.

“But then, alam ko na the wedding was really small.”

Personal rin daw kakilala ni Bianca ang napangasawa ni Lino na si Fille.

“Of course, of course… even before they got married, I met her.

“And, I’m not sure if I’m allowed to say this, but… paano ba?

“Parang when he was making ligaw pa lang, I sort of giving him a few tips.

“So, I really knew.

“Sometimes, boys, alam mo yun, pagdating on how to handle girls?

“So, binigyan ko lang siya ng enlightenment and, in fairness, nag-work naman.

“Kasi, happily ever after naman.”

Paano nila nagawa ni Lino na maging magkaibigan pa rin pagkatapos ng naging relasyon nila?

Kadalasan kasi ay hindi nagiging magkaibigan ang mga dating magkarelasyon.

“Definitely,” nakangiting pagsang-ayon ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman dati, I never thought that exes can become friends.

“But, what happened kasi with me and Lino, two or three years din kaming hindi nag-usap.

“So, by the time we see each other again, super ang tagal-tagal na nung nangyari.

“And parang, I always say, kasi nga, isang blessing yung relationship na yun sa akin, and I became super close to the family.

“Parang incest na nga kapag iniisip ko na we were actually together, because I’m really like an adopted sister to them.”

Aminado naman si Bianca na sa naging ex-boyfriends niya, bukod-tanging si Lino lang ang kaibigan pa rin niya hanggang ngayon.

“Sa kanila lang, siguro kasi I got close to the siblings, and it’s very different.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN