PEP EXCLUSIVE. Willie Nepomuceno’s grandson now stable; recovering from gunshot wounds

“We hope na may mangyari, because hindi naman puwedeng pabayaan na lang ng ganun at malagay sa part of statistics yung kaso ng apo ko,” says Willie Nepomuceno about hunting down the suspects who shot his grandson and friends early Thursday morning, January 9, in Marikina City.


Nasa mabuting kalagayan na ang apo ng kilalang impersonator na si Willie Nepomuceno matapos itong mabaril sa Marikina City, noong madaling araw ng Huwebes, January 9.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Willie kanina umaga, January 11, sinabi nito na “stable” at “on the way to recovery” na ang kanyang 16-year-old na apong si Sean Nepomuceno.

“Na-hurdle naman niya yung very long and critical operation dahil he sustained three gunshot wounds,” kuwento pa ni Willie nang kumustahin ng PEP ang kalagayan ng kanyang apo.

“Inuna [operahan] yung mas kritikal, because mayroon siyang isang tama sa pelvic bone na tumagos at lumabas sa stomach.

“Ang laki ng butas.

"Yun ang kritikal, kasi baka mag-internal bleeding talaga, kaya binuksan na at nilabas yung bituka.

“They found four bullet holes.

"They had to clear it out, cut, and repair kaya matagal.

“After that, nag-rest siya bago inoperahan naman yung sa braso niya.

"At sa hip niya ’ata, may nakuha yatang bala.

“Now, nadala na siya sa recovery room. Kumbaga, hopefully, on the way to recovery.”

Sa ngayon, nagpapahinga ang apo ni Willie sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

“Of course, [recovery] will take a lot of time,” ani Willie.

“Worry lang namin is hindi siya magalaw nang maayos because of that fractured bone.

“Baka any wrong movement would lead to paralysis. Baka maparalitiko pa siya.

“Gusto namin siyang ilipat agad ng ibang hospital for a better service and environment, dahil napakainit doon, kasi government hospital, not well-maintained at kulang ang gamot.

“Although the staff, magagalang naman at efficient naman.

“Hindi lang namin malipat.

“Wala nang choice, kasi doon siya dinala noong nagmalasakit na tricycle driver.

“Kasi, noong una, mayroong malapit na hospital, a private hospital, ayaw siyang i-admit, ni-refuse. Walang choice, so, dinala siya ng tricycle driver sa Amang Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Here, wala rin kaming choice, kasi hindi rin magagalaw naman dahil delikado naman for him. We have to stick with the hospital.”

Bukod sa kanyang apo, nagtamo rin ng tama ng baril ang isa sa tatlong kasama ni Sean nang mangyari ang insidente, si Frank Raven Diocson, 17.

Nabigyan na rin ito ng kaukulang lunas sa Amang Rodriguez Hospital.

Ang dalawa pa nilang kasama ay sina Angelo Abistado, 19 at Sherwin Jerome Malit, 19.

MISTAKEN IDENTITY. Ayon sa kuwentong nakuha ni Willie mula sa mga kaibigang kasama ng kanyang apo—na lumabas na rin sa mga nauna nilang panayam sa media—nasa isang burger joint ang grupo nina Sean para kumain matapos maglaro sa isang computer shop sa Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Habang naghihintay ng kanilang order, isang puting kotse ang huminto at apat na di-kilalang kalalakihan ang lumabas mula rito.

Lumapit ang mga lalaking ito sa grupo nina Sean at pinagbintangan silang sangkot sa gulong naganap sa computer shop.

Pinaggugulpi at pinaputukan nga ng baril ng mga lalaking dumating ang grupo nina Sean, kunsaan nagtamo ng mga tama ng bala ang apo ni Willie at ang kaibigan nitong si Frank.

Sa tingin ni Willie, isang mistaken identity ang nangyari sa kanyang apo at mga kasamang kaibigan.

“It would feel that way. Wala naman kasing ibang logical na anggulo na makita,” sabi ng kilalang personalidad sa showbiz.

“Kasi, these are young boys, fresh from high school.

“Wala, grupo lang ‘yan dito, tumatambay sa barangay namin, nagba-bike, nagkukuwentuhan, nag-i-skateboard. Minsan, madalas mag-sleepover dito.

“Malalaman mo naman kung naughty, hindi naman.

“Kaya lang sila napunta roon, sa area na yun, they found that Internet café, medyo nagandahan sila sa mga games. Matagal na silang naglalaro roon.”

SUSPECT IDENTIFIED. Kahapon, January 10, sa ulat ni Dante Perello ng Balitanghali ng GMA News TV, nadakip na ang isa sa apat na suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinilala ang suspek na si si Mark Bercilla, 30 taong gulang.

Naaresto si Bercilla matapos na maplakahan at ma-trace sa Land Transportation Office (LTO) ang kotseng sinakyan at ginamit sa pag-atake sa grupo nina Sean.

Positibo siyang kinilala at itinuro ng isa mga nabaril na biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag si Bercillo, ngunit pinangalanan naman niya ang isa sa tatlo pa niyang kasabwat sa pag-atake.

Naglunsad na ng malawakang manhunt operation ang Marikina City Police para sa tatlong ito.

May hawak na rin daw na dalawang saksi sa krimen ang pulisya.

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Bercillo sa Marikina City Jail, matapos na sumailalim sa inquest proceedings ng Marikina City Prosecutors Office, para sa kasong frustrated murder, grave threat, at physical injury.

NOT ANOTHER STATISTICS. Sa parte ng pamilya ni Willie, gusto nilang isulong ang paghuli sa mga suspek sa pamamaril sa kanyang apo at mga kaibigan nito.

“Kung may mangyayari ba, e, why not?” sabi ni Willie sa PEP.

Dagdag pa niya, “We hope na may mangyari, because hindi naman puwedeng pabayaan na lang ng ganun at malagay sa part of statistics yung kaso ng apo ko.

“Kaya nga ako, I really want some privacy for myself, pero I had to speak out.

“Who knows, the next time it could happen to you and I, wala akong assurance ng security.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN