Arjo Atayde’s transgender role in Maalaala Mo Kaya earns raves from gay community

Arjo Atayde on the challenges of playing a transgender role: “Sobrang hirap. Ang hirap umarte, kasi may eyelashes ka pa. Ang kapal-kapal. Ang init ng kilay mo... Sabi ko, ang hirap naman pala."


Masuwerte si Arjo Atayde.

Sa loob lang ng halos dalawang taon ay isa na si Arjo sa mga masasabing pinagkakatiwalaang artista ng Kapamilya network.

Masuwerte rin siya dahil sa kanyang talento sa pag-arte na minana niya sa inang si Sylvia Sanchez.

Pagpapatunay nito ang apat na beses niyang pagbibida sa Maalaala Mo Kaya (MMK), na sinasabing showcase ng magagaling na mga artista sa pelikula at telebisyon.

Si Arjo rin ang nagbida sa 2014 opening salvo ng MMK noong nakaraang Sabado, January 4, kunsaan gumanap siya bilang isang transgender.



RAVES FROM LGBT. Pinag-usapan na nga ang episode niya na yun at dahil daw sa kanyang mahusay na pagganap, napahanga raw ni Arjo ang LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community.

Maging ang head ng LGBT Philippines na si Bemz Benedito ay nag-post pa ng pagbati at pagpuri sa ginawang interpretasyon ni Arjo sa papel nito bilang isang transgender.

Kuwento ni Arjo, “Yung mga LGBT, mga personal, direct messages ang ipinadala nila na sobrang na-appreciate ko.

"Hindi kasi ako kampante sa ginawa ko."

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Arjo sa North Park sa Tomas Morato Ave., Quezon City, noong Huwebes, January 9, naikuwento rin nito na hindi raw sana siya ang gaganap sa naturang episode.

Sabi niya, “Na-decline siya dahil sa schedule. So, sabi ko, buti na lang, nagka-schedule.

"Kasi hindi pa ako handang mag-portray ng gay role. Although, naiisip ko rin na sayang na pakawalan.

“Eventually, bumalik.

“So, sobrang sabi ko, destined siyang mangyari na ngayon ko na gagawin ang gay role at isang pasabog siya sa 2014.

“Either pasabog or pawaley, kasi, depende yun sa ide-deliver ko.

"So, before the day of the taping, doon ako nasabihan.

“Noong buong araw, relax na relax ako. Parang, ’Okey… Kaya ko naman.’ Kampante ako kahit paano, pero, kinakabahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos noong gabi, hanggang makatulog ako, nagbabasa ako ng script, ini-imagine ko mangyayari. Sabi ko, ’Kaya.’

“Pero noong nagte-taping na, yun na, sobrang kaba ko na.”

Nakahinga na raw siya nang maluwag nang makatanggap ng mga positibong komento mula sa LGBT community.

Aniya, “Kaya ang laking pasasalamat ko sa MMK. Yung thought lang na, hindi ko kasi ine-expect na ganoon ang kalalabasan.”



TOUGH ROLE. Pero sa susunod daw, gusto naman daw niyang gay role, yung nakadamit lang siya na panlalaki pa rin. Cross-dresser kasi siya sa ginampanang karakter sa MMK, at medyo nahirapan daw siya rito.

“Sobrang hirap. Ang hirap umarte, kasi may eyelashes ka pa. Ang kapal-kapal. Ang init ng kilay mo,” natatawa niyang sabi.

Nabanggit niya noon na hindi niya kaya ang gay role na katulad ng ginawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis.

Sa nasabing pelikula may love scenes na ginawa sina Jake at Joem.

Aniya, “Hindi ko kaya.

“Siguro, depende rin talaga sa takbo ng career.

"Baka later on, hindi rin mangyari. Pero sa ngayon, hindi, hindi talaga.

“At saka, depende rin kung gaano kaganda o kabigat ang script.

"I leave it to Star Magic, kasi sila naman ang magsasabi kung oo o hindi.

“Kung sabihin nilang ’Oo,’ sila naman ang may alam ng path ng career ko, so, bahala na sila," pagpapaubaya ni Arjo.

SECURE WITH HIS SEXUALITY. May nagtanong kay Arjo kung hindi ba nito pinagdududahan na ang sariling seksuwalidad dahil sa pagganap niya ng isang transgender.

“Hindi, ’no? I just enjoyed na lang portraying the role of a gay for two days.

"Ang hirap lang talaga, naka-bra talaga ’ko. Nag-black and blue yung dito ko, sa bra," turo niya sa ibaba ng kanyang dibdib.

"Sabi ko, ang hirap naman pala. Sobrang kapal talaga ng kilay ko.

"Ginu-glue nila para lang yung kilay ko, hindi na i-shave. Parang may butiki sa kilay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya niyang sabihin na “confident” siya pagdating sa seksuwalidad niya?

“Opo,” mabilis niyang sagot.

MODEST ABOUT ACTING TALENT. Sa pakiramdam ba niya, may ibang mga Kapamilya stars na posibleng naiinggit sa kanya?

“Wala po, wala naman,” nangingiti niyang sabi.

“Sila rin naman po, meron din naman.”

Sa MMK unang nagkaroon ng award si Arjo.

Umaasa ba siyang mananalo muli dahil sa ginawa niyang papel bilang transgender?

“Hindi po, hindi ko po iniisip yun.

"Kaya nga very thankful ako na kung anuman ang naging problema ko noon sa MMK, naagapan.

"Napapaisip lang ako, very thankful. Yung nomination, award, nangyayari lang.

"Kahit yung nanalo akong Best Supporting Actor, hindi sana ako pupunta.

“Sabi ko, ano gagawin ko ro’n, e, kasama ko sina Pen Medina, ano naman laban ko ro’n?

“Pero, yun nga po.”

Nanalo sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV sa kategoryang Best Drama Supporting Actor si Arjo nung nakaraang taon.

Pero aminado si Arjo na marami pa siyang dapat matutunan pagdating sa pag-arte.

Aniya, “Yung opinion ko about acting is more on self-opinion. Kasi, wala pa naman po akong alam sa acting ng iba.

“Bilang baguhan, wala pa naman akong karapatang magganun.

"But as far as I’m concerned, ibinibigay ko naman ang kaya ko at alam ko naman na meron naman akong ibubuga.

“Meron din naman akong magagawang unique kahit paano for this industry.”

PURE LOVE REMAKE. Tuluy-tuloy ang suwerte sa pagpasok ng bagong taon para kay Arjo, dahil bida na rin siya sa sariling teleserye.

Sila ni Alex Gonzaga ang magkatambal sa Filipino remake / adaptation ng Koreanovelang Pure Love.

Nakapag-first taping day na raw sila noong December at ngayong Lunes, January 13 daw sila magre-resume.

Wala pa raw siyang ideya kung primetime o afternoon ang serye nila.

“Pero, pinapa-air na po kami, as in very, very soon,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saan man daw sila ilagay na time-slot ay walang magiging kaso sa kanya.

“Kahit ano naman, wala naman akong pinipili. Actually, it doesn’t matter.

"Sa akin, it is just one great show. You have one great show. You’ll get there.

“No need to rush.

“Ang daming taong naghihintay para makapag-primetime. If they’ll give us primetime, then thank you. No need to rush.

“Of course, dinadasal ko rin na sana primetime kasi, yung mga taong kasama ko naman, magagaling din umarte.”

BUILDING FRIENDSHIP WITH ALEX. Ano naman ang mga inaasahang mangyari ni Arjo ngayong katambal na niya si Alex, na inamin niyang matagal na niyang crush?

“I really admire Alex’s personality, very unique.

"Sa lahat ng babaeng nakilala ko na pa-girl, si Alex, very unique ang personality niya. She’s fun to be with. No dull moment.”

Biniro naman namin si Arjo sa pagiging “vocal” niya noon pa man sa paghanga niya sa kapatid ni Toni Gonzaga.

Hindi kaya maging dahilan ito para magbantay sa set nila ang mommy ni Alex na si Mommy Pinty (Gonzaga)?

Nangiti si Arjo at saka sinabing, “I’m not doing anything naman to make anyone worry. Wala naman akong ginagawa.”

Nakikita niya ba ang sarili na posibleng ligawan nga ito?

“Honestly, I don’t know. Sa ngayon, we just talk once in a while.

"I just ask her how she is. Yung pakikitungo ko sa kanya, hindi showbiz.

“I just want to build the friendship because she’s kind. Yung hindi showbiz, for real talaga.”

FRUITFUL 2013. Para kay Arjo, ang 2013 daw ang isa sa maituturing niyang magagandang taon ng buhay niya.

“It was a good year, nothing bad really happened. I’m happy.

"Kasi mas naramdaman ko na yung family ko was really there for me.

“I gained new friends na hindi ko sukat akalain na magiging tunay na tunay na kaibigan ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sina Joseph Marco, Enchong Dee, hindi ko ine-expect na magiging ka-close ko, magiging mabait sa akin.

"I really appreciate these people.

“Small but good things. Kaya very thankful ako sa 2013.”

Noon, si Ejay Falcon na nakasama niya sa Dugong Buhay ang madalas niyang nababanggit at nakakasama.

Pero ngayon, tila hindi na ito kasama roon sa mga itinuturing niyang malalapit na kaibigan.

Wala bang nangyaring hindi maganda sa dating pagkakaibigan nila?

“Wala, wala naman po,” saad niya.

“Busy po kasi siya. At saka, may iba siyang mundo. It’s not in a bad way, ha?" pasintabi ni Arjo sa sinabi tungkol sa pagkakaroon ni Ejay ng "may iba siyang mundo."

"May iba siyang mundo na hindi masama.

"He’s a friend of mine, pero... Gets nyo?

"May iba siyang mundo," pag-uulit ni Arjo.

HOPES FOR MORE BLESSINGS THIS YEAR. Ngayong 2014, ano naman ang mga inaasahan niya?

“Whatever blessing comes, kung may bagong show.

"Sana, patuloy lang ang slowly na pagtakbo ng career ko. Na okey naman kahit paano.

“Sana ganoon lang the whole time. Sana ma-reach ko rin ang goal ko.

"I’m not assuming this year, pero sana, tuluy-tuloy lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN