Miles Ocampo does not feel envious of Goin’ Bulilit batchmates Julia Montes and Kathryn Bernardo

Miles Ocampo confesses to being mesmerized by the natural chemistry between her Home Sweetie Home co-stars John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga: "Kahit hindi po sila in real-life, kapag nagsama sila, tapos, mag-asawa pa sila rito, yung parang makikita mo na, ’Ay, puwede!’ Nagki-click po sila kapag magkasama sila. Natural na lumalabas sa kanila yung kilig scene. Masaya po na manood ng mga ganoon."


Ilang buwang nabakante si Miles Ocampo nang nagkaroon ng pagbabago sa Sunday youth-oriented show ng Kapamilya network na LUV U at nawala ng halos ilang buwan ang orihinal na cast ng programa

Pero ngayon, mapapanood na muli ang young actress sa dalawang regular shows sa ABS-CBN tuwing Linggo.

Bukod sa muli niyang pagbalik sa LUV U, kasama rin si Miles sa bagong sitcom ng Kapamilya network, ang Home Sweetie Home, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga tuwing Linggo ng gabi.

Ayon kay Miles, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw bago magpalit ang taon sa 14th floor ng ELJ Building, “Siyempre po, masaya. Masaya pong gumawa ng sitcom.”

AMAZED BY JOHN LLOYD-TONI CHEMISTRY. Malaking bagay raw kay Miles na ang mga nakakatrabaho niya ay mga artistang tulad nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

“Sobrang blessed ko po na nakakatrabaho ko sila.

"Si Ate Toni po, nakasama ko na po siya sa isang movie.

“Tapos, si Kuya Lloydie po, sa isang sequel ng Sarah-John Lloyd.

"Masaya po ako na dito, iba naman, comedy naman.”

Dugtong pa niya, “Doon din po kasi sa movie namin ni Ate Toni dati, hindi ko rin po siya masyadong nakaeksena. Pero ngayon po, kapatid ko po siya.

"Tapos, si Kuya Lloydie, parang siya yung kuya-kuya ko rito, kasi siya [Toni] ang asawa ni Kuya Lloydie.”

Bumibilib din si Miles kina Toni at John Lloyd na kahit hindi talaga sila in real life, may ibang chemistry daw ang mga ito.

Aniya, “Kahit hindi po sila in real life, kapag nagsama sila, tapos mag-asawa pa sila rito, yung parang makikita mo na, ’Ay, puwede!’

“Nagki-click po sila kapag magkasama sila. Natural na lumalabas sa kanila yung kilig scene.

“Masaya po na manood ng mga ganoon.

“Kahit panoorin mo lang sila, yung mga tao sa paligid mo, sina Ms. Sandy [Andolong], may matututunan ka po talaga sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT ENVIOUS OF JULIA OR KATHRYN. Si Julia Montes ay isa sa mga ka-batch ni Miles sa pinagsimulan niyang show sa Kapamilya network, ang Goin’ Bulilit.

Gayundin si Kathryn Bernardo na isa sa pinakamatalik niyang kaibigan sa showbiz.

Kapag nakikita niya ang dalawang kaibigin, hindi ba siya nakakaramdam ng inggit dahil malayu-layo na rin ang narating nina Julia at Kathryn bilang drama actresses?

Kumbaga, tila naiwan si Miles sa mga comedy roles.

Sabi naman ni Miles, “Siguro po, meron talaga tayong kanya-kanyang forte.

"Hindi naman po puwede na kumbaga, lahat tayo sa drama, hindi tayo mapapansin.

"Kailangan, meron tayo na humiwalay kahit paano.

“Blessed ako, kasi nabibigyan ako ng opportunity sa drama. Tapos sa comedy nga po.”

Hindi siya naiinip, lalo na kapag nakikita niya ngayon ang titinakbo ng career nina Julia at Kathryn?

Sagot ni Miles, “Siguro ang sinungaling ko naman po kung sasabihin ko na hindi.

"Pero darating din naman po ‘yan. May time po kaming lahat.

"Siguro, time pa nila. Darating din po ang time ko.

“At saka, sina Ate Julia at Kathryn, mga kaibigan ko po ‘yan. Nagtutulungan kami kapag napapanood nila ’ko.

“Kapag may gusto silang sabihin, nagtutulungan po talaga kami.

"Kaya wala rin pong inggitan talaga.”

LUV U REFORMATTED. Sa isang banda, pagkatapos ng ilang buwan na mawala sa LUV U sa pagpasok ng bagong batch ng teens dito, muli na namang napapanood si Miles sa youth-oriented show na ito ng ABS-CBN.

Pero hindi pa masagot ni Miles kung lahat ng orihinal na batch ng LUV U ay makakasama niyang babalik.

“Sa ngayon po, ang bumabalik pa lang po, ako, si Kiray [Celis], si Iggy Boy [Flores].”

Sila ni Marco Gumabao ang nakilalang loveteam sa LUV U at nakabuo rin naman sila ng following.

Sa Home Sweetie Home, may ka-loveteam ba siya?

Natatawang sabi ni Miles, “Sabi po nila, marami raw po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang isang alam ko na ka-loveteam, si Ryan Bang.

"Pero sabi po nila, marami raw po akong manliligaw rito kaya yun ang isa sa aabangan nila.”

NO SUITORS, BUT NOT LACKING IN ADMIRERS. Sa tunay na buhay, marami na rin ba siyang manliligaw?

“Wala naman po.”

Pero agad niyang bawi, “Meron naman po na kahit papaano, nagpapakita ng paghanga nila.

"Wow!” natawang sabi ni Miles.

Open na siya sa mga manliligaw?

“Hindi pa naman po super open, pero sinasabi ko rin naman po sa kanila na hindi pa po ako ready.

"Parang okay lang po yung ganyan, yung may humahanga sa ‘yo."

Hindi ba siya nanghinayang sa loveteam na nabuo nila ni Marco sa LUV U?

Sagot niya, “Siguro po ano... nagta-try ng iba?

"Hindi ko po alam. Hindi ko po masabi.

"Pero, siguro po ngayon, tiningnan lang din po kung ano po ang mas bagay sa aming dalawa.

“Kung saan po ang path na mas bagay at mas okay sa aming dalawa.”

Kung siya ang masusunod, mas gusto ba niyang bagong ka-loveteam na lang ang ibigay sa kanya ng Kapamilya network?

“Hindi naman po, pero sa ngayon po, wala pa rin pong ibinibigay na loveteam.

"Siguro po, inaayos pa po.

"Siguro po, babalik din siya sa LUV U.”

CHOICE FOR LOVETEAM PARTNER. May personal ba siyang gusto na maka-loveteam?

Sabi ni Miles, “Maka-loveteam? Yung totoo, wala po akong maisip talaga.

"Siguro kasi, nasanay na ako kay Marco.

"Siguro, wala pa akong naiisip na puwede po sa akin.

“At saka, yung pag-partner na ganyan, mahirap po talaga kung parang pinilit—na masabi lang na meron kang ka-loveteam.

"Mas maganda po kapag yung... makikita nila na magsama kami na, ’Ay, may chemistry!’ Yung ganun po.”

Nakikita niya kung pagbabasehan sina Kathryn at Daniel Padilla na malaking tulong sa artista ang loveteam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo naman, meron din naman po akong ka-loveteam.

"Pero noong mawala ang original sa LUV U, dahil may kailangang pagbabago sa show, na-stop po yun.

"So, hindi pa po natin alam kung kailan mababalik ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN