Kris Aquino admits MMFF competition affected her friendship with Vice Ganda

“Parang ang friendship siguro goes through phases, di ba? There will be moments na ano… It just so happens that this was a rivalry,” says Kris Aquino after admitting that the recent MMFF has affected her friendship with Vice Ganda. Kris’s movie, My Little Bossings, competed against Vice’s Girl Boy Bakla Tomboy for the MMFF topgrosser.


Aminado si Kris Aquino na nakaapekto nang bahagya ang nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pagkakaibigan nila ni Vice Ganda.

Parehong may entries sina Kris at Vice sa taunang film festival.

Kasama si Kris sa My Little Bossings, at bida naman si Vice sa Girl Boy Bakla Tomboy.

Ayon sa pinakahuling tala, nanguna sa takilya ang My Little Bossings at close second ang Girl Boy Bakla Tomboy.

Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto naman ang Pagpag: Siyam na Buhay at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, respectively.

Sa eksklusibong panayam ni Boy Abunda kay Kris—na lumabas sa Kris TV kaninang umaga, January 13—tinanong ang TV host-actress kung naapektuhan ba ang pagkakaibigan nila ni Vice.

Pag-amin ni Kris, “Yes. Let’s be honest, siyempre may effect sa amin.”

Ngunit agad naman daw naayos ang isyung ito sa pagitan nilang dalawa.

Kuwento ni Kris, “He said, ‘Lakas talaga,’ gano’n ang sabi niya.

“Then I told him, ’Tapos na ’yan, ha?’

“Sabi niya, ’Oo naman. Nagulat lang ako na ganun sila kalakas.’

“Tapos sinabi ko, ’Bata e,’ ‘yon lang.

“Since that time, we’ve been texting. We are okay.”

Tampok din sa My Little Bossings sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at ang bunsong anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.

Para kay Kris, itinuturing niyang isang “phase” lamang ito ng pagiging magkaibigan nila ni Vice.

Aniya, “Parang ang friendship siguro goes through phases, di ba?

“There will be moments na ano… It just so happens that this was a rivalry.”

Dahil rin sa pagiging magkalaban ng kanilang mga pelikula, sinubukan daw ni Kris na intindihin ang nangyaring isyu.

“I tried to tell myself na it’s really not about me and Bimby.

"It could be about the two noontime shows.

"Parang trinay kong to look at it from that perspective."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Kris ay ang pagiging magkatapat ng timeslot ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN kung saan isa sa mga host si Vice, at Eat Bulaga!, ang noontime show ng GMA na kinabibilangan nina Vic at Ryzza Mae.

Patuloy niya, “Then, I also tried to look at it from that perspective na six years old na si Bimby and Vice is in his late 30s.

“So, parang sinabi ko, lifelong sa kanya [Bimby]. Ito, once lang ‘to sa kabataan ng anak ko.

“Naisip ko na lang na happy-happy, we all won.”



KRIS APOLOGIZES TO AI-AI. Naging pagkakataon din ang panayam para humingi ng paumanhin si Kris sa isa pa niyang malapit na kaibigan—si Ai-Ai delas Alas.

Bago matapos ang 2013, nagluksa si Ai-Ai sa pagpanaw ng kanyang biological mom.

Read: Comedy Queen Ai-Ai delas Alas mourns biological mom’s death from Alzheimer’s disease

Noong mga panahong iyon ay nagbabakasyon si Kris sa London, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Kaya sabi ni Kris, “I want to apologize to Ai-Ai because when she was grieving, we’re all not here, even sisters.”

Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa tinaguriang Comedy Concert Queen sa pagpapakita nito ng suporta sa My Little Bossings.

Sabi ni Kris, “I just want to say thank you to her. She’s just so giving.

“Yung ibinigay niyang suporta talaga for Vic and Jose [Manalo], di ba?

“That festival has been hers for so long.

“So, parang I just wanna say thank you talaga for that generosity she showed Bimby.

“I know, sinabi niya na, ‘Friendship, para sa’yo ‘yan at para kay Vic.’

“Gusto ko lang ipa-share din at ipaabot sa lahat na that matters a lot.

“Kasi, naramdaman ko sa kanya talaga yung sincere na wish, na maging successful ito, at yung joy na naramdaman niya when it did happen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula 2008, naging bahagi si Ai-Ai ng mga pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.

Kabilang dito ang patok na franchise movie na Ang Tanging Ina.

Ang huling MMFF movie ni Ai-Ai ay ang Sisterakas (2012), na sinasabing highest-grossing Filipino movie of all time.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Kris at Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN