Kris Aquino decides to stay with ABS-CBN to secure son Joshua’s future

Kris Aquino on son Bimby’s successful film debut: “Hindi mo mae-explain yung pag-uumapaw ng kaligayahan kapag naramdaman mo na ipinagkaloob yun at iniregalo sa anak mo. Sinabi ko nga noong nagdarasal ako na, ‘God, ano ba ang nagawa kong bongga para ibigay mo ‘to kay Bimb?’ Kasi siguro, mabait ako. Kasi siguro, celibate ako!”


Habang nasa London si Kris Aquino—kasama ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby—ay pumutok ang isyung may offer diumano sa kanya ang TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan upang lumipat ng network.

Read: Kris Aquino offered by Manny V. Pangilinan to leave ABS-CBN

Ngunit bago pa man siya bumalik sa Pilipinas, tinuldukan na ng TV host ang mga espekulasyon sa pamamagitan ng pagdedeklara sa kanyang Instagram account na mananatili siya bilang Kapamilya.

Read: Kris Aquino renews contract with ABS-CBN

Kahapon, January 12, ay ipinalabas ang panayam ni Boy Abunda kay Kris para sa Buzz Ng Bayan.

Ikinuwento ng tinaguriang Queen of All Media ang mga naging kaganapan sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Ayon kay Kris, “Tuesday ang formal na contract signing.

“Pero noong nasa London pa lang ako, we came to terms talaga.

“It was Monday after New Year, Three Kings.

“Monday, tinawagan ako ni Deo [Endrinal, Kris’s business manager] at sinabing okay na.

“I’m very, very grateful and a good deal was closed.”

Dagdag niya, “Siguro kasi din, parati kong sinasabi yun, I don’t want to overstay my welcome.

“Yun ang itinuro ng mom ko [the late President Cory Aquino] na, ‘Please go while you’re still on top.’

“At the end of this, knock on wood, when I turn 45, and it’s time to walk away, please, I can do so na sure na sure ang kinabukasan ni Josh.

“Palagi kong ine-emphasize, di ba, si Bimb, survivor. May pupuntahan talaga.

“Si Kuya ang kailangan kong isigurado na kahit anong mangyari sa akin, he’ll be financially stable.

“And I don’t want him or Bimb to ever feel kargado pa niya ang kuya niya.

“Kasi, eventually, magkakaroon din siya ng pamilya niya. So, yun lang yun.

"Siguro, para to end all speculations, parang in the course naman talaga of people finding out your contract is up, there will be talk with other people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BE SMART FOR THE FUTURE. Ano ang mga ipinapaalala palagi sa kanya noon ng kanyang yumaong ina?

Sagot ni Kris, “Yun nga, just to make sure na okay si Josh.

“She was dying na… yun ang ano niya, ‘Krissy, ha, please remember.’

“At that time, ang dami ng commercial ni Bimb.

“She would tell me, ‘Make sure, kung ano ang kinita ni Bimb, mag-set aside ka ng equal amount for Josh.’

“Siguro, if there’s one lesson that she really taught me was to learn not to be attached with things that are temporary—whether it’s money, whether it’s fame.

“But be smart enough for the future.

“Galing lahat ito sa mommy ko.

“Siguro kasi, lahat naman napagdaanan niya sa buhay and all of her life’s lessons, bitbit ko dahil sa kanya.”

Ano ang koneksiyon nito sa naging desisyon niya sa pagpirma muli ng kontrata sa ABS-CBN?

Paliwanag ng 42-year-old TV host-actress, “Kailangang isipin ko, ano ba ang magagawa ko in the next few years to make sure na okay si Kuya?

“Hindi naman sa pagiging greedy, pero sinisigurado ko lang na, sana, eto yung… yung itinuro mo [Boy] sa akin na make sure na we increase it actually.

“Ikaw ang nagsabi na, ‘Two-thirds of what you earned, yun ang pondo na, yun ang hindi mo ever gagalawin.’”

KRIS’S AUDIENCE. Nasabi rin ni Kris sa Instagram post niya ang kahalagahan ng mga manonood, at ang suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Saad niya tungkol dito, “I always knew na passionate ang Kapamilya audience.

“But I didn’t realize that it was to that extent. Na parang it was a feeling of a family member walking away.

“Parang sabi ko, noong umalis ako sa show ko, there were no goodbyes.

“Hindi ko alam, bakit parang lahat sila, inisip na aalis, when all of that, to be perfectly clear, were all speculations. Isinulat through a source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero in the whole span of time, ang nasabi ko lang was aalis ako para magmuni-muni at siguraduhing tama ang desisyon.

“It was nowhere there na ‘bye...’ walang ganun.”

May mga nagagalit, may nagtatampo. Pero sa kabuuan, ang suma ay huwag siyang aalis, at nakinig si Kris.

“I think, not only me, but the network also, we all listen, di ba?” sambit pa niya.

Very passionate ang reaksiyon ng mga tagasuporta niya.

“Super! Natakot ako!” natawang sabi ni Kris.

“Pero siyempre, I’ll be honest also, super na-appreciate ko yung nagsabi sa akin na, ‘Saan ka man mapunta, tagahanga mo kami. We’ll be there.’

“Pero na-understand ko talaga na kung eleksiyon ito, yung vast majority, sinasabi, ‘Huwag kang lumayas! Magagalit kami sa ‘yo kung umalis ka.’”



MMFF TOPGROSSER. Samantala, malaki ang pasasalamat ni Kris sa naging tagumpay at pagiging topgrosser ng pelikula nilang My Little Bossings sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Kasama ni Kris sa pelikula sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at ang anak niyang si Bimby Aquino Yap.

Isa rin si Kris sa producers nito.

Saad niya, “To be honest, never naman nating inisip na mahihigitan yun…”

May ilang nagsasabing may future at mas mahusay si Bimby kumpara sa kanya.

“True naman!” natatawang pagsang-ayon ni Kris.

“E, kasi naman, six lang siya at ang reaksiyon ko, ‘Oh, my god, talaga!’

“Like any mother siguro... ngayon, na-get ko na.

“Sinabi ko yun sa sisters ko, ‘Now, I know. I realized what pride mom must have felt each time a show was a success.’

“Lampas-langit ang thrill, sa totoo lang talaga…

“I am so proud of him.

“Kasi, kinundisyon ko. Anybody would want to win.

“At noong malaman ko na Best Child Performer... sinabi ko, ‘Bimb, for sure it’s gonna be for Ryzza. Let’s be happy for her because, anyway, she’s eight years old. You’re only six.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, right away, in-escort niya.

“Sabi ko, ‘Are you sad?’

“’No, Mama. It was for Ryzza.’”



PUBLIC SUPPORT. Ano ang mensahe ni Kris sa publiko na patuloy na sumusuporta sa kanya?

“I just wanna say thank you talaga.

“Nasabi ko ‘to sa post, sa Instagram, uulitin ko lang ngayon na ang dami-raming nagtatrabaho. Marami ang trabaho nila, pero hindi yung pinangarap nila mula kabataan.

“Kayo po, ibinigay niyo sa akin talaga, a childhood dream becomes a reality.

“Sa dinami-dami ng puwedeng magawa in one day at sa dami ng options ninyo, pinipili niyo na ako ang samahan. Thank you.

“Ngayon ko na-realize talaga na it’s possible pala na yung kaligayahan mo, it doesn’t come sa fulfillment sa sarili, but it comes from seeing people love your child.

“Hindi mo mae-explain yung pag-uumapaw ng kaligayahan kapag naramdaman mo na ipinagkaloob yun at iniregalo sa anak mo.

“Sinabi ko nga noong nagdarasal ako na, ‘God, ano ba ang nagawa kong bongga para ibigay mo ‘to kay Bimb?’

“Kasi siguro, mabait ako. Kasi siguro, celibate ako!” natawang sabi niya.

“Hindi, let’s be honest, yun siguro.

“Why are you laughing, hindi naman nakakatawa yun, di ba?”

Patuloy niya, “Alam ko siguro ang priority ko at kung ano ang mahalaga sa ‘yo, yun ang ipagkakaloob sa ‘yo.

“At ang pinakamahalaga sa akin, yung dalawang anak ko.”

Ano naman ang maaasahan ng mga tagasubaybay niya ngayong isa pa rin siyang Kapamilya?

“There will be some innovation sa Kris TV...

“I should be happy despite my long-term relationship with my audience. Huwag na akong mag-ilusyon, muna.

“At maraming-maraming salamat po sa inyo.

“And can I close it by saying na, of course, the trust, the respect, the values given to me by my bosses is immense.

“Sobrang nakakataba ng puso… the value, the paycheck, at the end of the day, it’s the people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap ma-imagine na magsa-shine ka kung hindi mo katabi yung mga taong naghirap, nagtiwala, at lalo kang pinaniningning.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN